"Nang mapatahan ako ni Richard ay agad na nyang pinuntahan si Lio para gisingin ako naman ay nag-aayos ng aming babauning mga gamit para mamaya. Nang biglang pumasok si Richard."
Oh, asan si Lio? Bungad kong tanong habang papasok ito at papalapit sakin.
Inaantok pa daw sya. Tayo nalang daw muna pumunta sa Taal Lake. Nakangiti nitong sabi.
Ahh ganun ba sige. Nakangiti kong sabi.
-Richard's POV-
"Sa totoo lang ay kinausap ko si Emilio na kungware masama ang pakiramdam nya para masolo ko ang mama nya."
-Amelia's POV-
"Kanina pa kami dito sa Taal lake. Rumenta lang si Anton ng maliit na cottage para saming dalawa. Simula ng dumating kami dito wala na kaming ibang ginawa ni Anton kundi tumambay dito sa cottage at mag kwentuhan. Si Anton ay nakaupo habang nakaderecho ang kanyang mga binti sa kahabaan ng cottage. Habang ako naman ay ganun din at nakasandal ang leeg ko sa bandang dib-dib nya."
"Maya-maya pa ay may dumating na sasakyan. Nagulat ako ng bumaba ang sakay nito na si Ms. Dawn Zulueta at Mr. Richard Gomez. Kaya naman natulala lang ako. Maya-maya pa ay lumapit si Anton sa kanila."
Ms. Dawn! Dito nalang po kayo makihati sa cottage namin. Ako nga po pala si Anton Montenegro. Nag-iisang anak ng may-ari ng Anton's hotel. Nakangiting sabi ni Anton sa dalawa, sabay abot ng kamay.
"Nagulat nalang ako ng bigla akong lapitan ni Ms. Dawn, at tawagin na nagpawala ng pagka-tulala ko."
Amelia?
Ms. Dawn sorry po talaga ginamit ko po yung fan page/group natin para dun sa nawawala kong mga magulang.
"Hindi nya pinansin ang paghingi ko ng paumanhin. Nang biglang tawagin ni Mr. Richard si Anton."
Anton? Pwede bang dito muna tayo? Hayaan mo muna sila. Ipaliliwanag ko sayo mamaya ang lahat. Nakangiti nitong sabi kay Anton.
Sige po. Nakangiting sabi ni Anton tsaka ito sumunod kay Richard.
"Nang naiwan kami ni Ms. Dawn sa cottage ay agad itong nagsalita."
Pano ba yan nahanap nyo na kami. Tumatawa nitong sabi.
Oo nga po. Pero sayang lang kasi wala yung kaibigan ko naiwan sa hotel. Malungkot kong sabi.
Saan bang hotel yan? para madalaw namin. Nakangiti nitong sabi saakin.
Dyan lang po sa Anton's hotel. Nakangiti kong sabi.
Really? Mabuti naman dun din ang hotel namin. HAHAHA sige ituro mo sakin ang kwarto nyo pupuntahan namin kayo nila Emilio. Natatawa nitong sabi.
Sige po HAHHAHA. Natatawa kong sabi.
Amelia, I hope you don't mind. Boyfriend mo ba sya? Tanong nito sabay turo kay Anton.
Uhmm, opo. Nakangiti kong sabi.
Ilang taon ka na ba?
Turning 18 po sa march 3. Gaya nga po ng post ko gusto ko sanang mahanap ang tunay kong mga magulang bago ko mag 18. Gusto ko po kasing maranasan kung paano ituring ng totoo kong mga magulang. Malungkot kong sabi.
Bakit nasaan ba ang kumupkop sayo? Pinahihirapan ka ba nya? Tanong nito saakin.
Sa totoo lang po, sa loob ng 17 na taon. hindi nya ko naituring o hindi nya po naparamdam sakin kung paano magka inang totoo. Nito ko lang po nalaman na ampon lang nya ko. Basta ang alam ko po Emilia ang tawag nya dun sa lagi nyang kausap sa phone na parang may gustong bawiin sa kanya. Nakakalungkot man po, lagi nya kong inaape. Na hindi ko na iniisip masyado kasi sanay na naman po ako. Tapos nung last M&G nyo po actually nakatapak ako ng bubog before that day. Pero pinilit ko pong pumunta. Sorry po di ko lang mapigilang umiyak. Malungkot kong sabi, sabay tulo ng luha ko.
-Dawn's POV-
"Para namang may kung anong kumurot sa puso ko sa mga sinabi nya. Hindi ko alam pero parang sinaksak na ang puso ko sa mga narinig ko. Gusto ko syang tanungin gusto kong malaman kung tama ba ang hinala namin ni Richard kaya gusto ko rin muna syang tanong-tanungin."
![](https://img.wattpad.com/cover/184893565-288-k669590.jpg)