Hijo, ano nangyare sa inyo? Bakit ngayon lang kayo? Saan ba kayo galeng? Sunod-sunod na tanong ni Margaret (ina ni Antonio)
Ma? Malinis naman yung guess room diba? Hihiga ko lang si Amelia tsaka ko sasabihin kung san kami galing.
"Tumango lang si Margaret at Agad na pinuntahan ni Margaret ang guess room para buksan ang pinto at tulungan si Anton na iayos ng higa si Amelia, nang maihiga na ito ni Anton ay agad nang lumabas ang mag-ina."
Hijo anak, ano ba nangyare bakit parang nakainom kayo? Pag-uusisang tanong ni Anthony (ama ni Antonio)
Uhmm pa, nag-request po kasi si Amelia na uminom kami, kaya pinag-bigyan ko. Pinainom ko sya ng shembot na tinuro mo sakin. (Natatawa nitong sabi). Malaki kasi ang problema nya kaya inisip ko baka malabas nya ito kahit konti. Nakangiti nitong sabi.
Bakit hijo? Ano bang problema ni Amelia? Tanong ni Margaret.
"Ikinwento ni Anton ang mga problema ni Amelia sa kanyang mga magulang. At sabi ni Anthony ay pipilitin nyang alamin kung nasaan ang ama ni Amelia or paiimbistigahan nila kung sino ba talaga ang ama ni Amelia. Mag aalas tres na ng mag-punta sila sa kani-kanilang mga kwarto. Dahil napahaba ang kanilang mga usapan."
*kinabukasan*
"Nagising si Anthony, Antonio, at Margaret ng maamoy ang niluluto ni Amelia, na mukang masarap."
Hija ang bango naman nyan. Sabi ni Margaret habang papalapit kay Amelia na nasa kusina.
Ay ma'am gising na po pala kayo, pasensya na po at ginalaw ko ang mga kasangkapan nyo. Gusto ko po sanang ipaghanda kayo ng agahan. Nahihiya nitong sabi.
No it's okay. But Ma'am is not okay. Seryoso ka ba Hija? You don't have to call me ma'am. Just call me mama. Nakangiti nitong paliwanag sabay tawa ni Amelia.
Okay po mama. Natatawang sabi nito.
Ano nangyayare dito? Bakit ang aga-aga ay nakangiti ang asawa ko? Paguusisang tanong ni Anthony.
Good morning po sir, nag-kukwentuhan lang po kami ni ma---ma. Putol putol nitong sabi.
Sir? That's not fair! Only our employees can call me that way. You should also call me papa, since mama na ang tawag mo kay margarita. Natatawa nitong sabi.
Anthony?!! Margarita??!! That's too much!!! Naiinis nitong sabi.
"Minsan kasi kapag gustong inisin ni Anthony ang asawa ay Margarita ang tawag nya dito."
Uhmm, mama asan po pala si Antonio? Tanong ni Amelia habang naghahain ng pagkain.
Uhmm, pababa na yun hija intayin nalang natin.
"Maya-maya pa ay bumaba na si Anton. At hinalikan sa pisnge ang mga magulang at nag good morning."
Oh Hija ayan na pala si Anton. Natatawang sambit ni Anthony.
"Hindi hinayaang magsalita ni Margaret si Amelia kaya sinundan nya agad ang sabi ni Anthony"
Ang kanina mo pa hinihintay at hinahanap... natatawang sabi ni Margaret.
Amelia, may problema ba? Bat mo ko hinahanap?
Wala Anton, kala ko kasi tulog ka pa. Kala ko kasi napuyat kita masyado kagabi. Nakangiti nitong sabi, na ikinatawa nila Margaret at Anthony.
Ma? Ayan nanaman kayo.. nakangiting sabi ni Anton.