Dawn's POV
"Natapos ang maghapon naming mag-anak ng hindi lumalabas ng hotel, maghapon kaming nagtulog. Ni hindi pa kami kumakain ng almusal at tanghalian, dahil nahimbing masyado ang tulog namin. Nagising kami bandang alas dos na nang hapon. Kaya ang mag-ama ay agad na nanuod ng tv. Ako naman ay pinanonood lang sila."
Di pa ba kayo nagugutom? Tanong ko sa kanila na umagaw ng kanilang atensyon.
Nagugutom din naman. Natatawang sabi ni Richard.
Tara pa, kain muna tayo. Yaya ni Lio sa kanyang ama.
Si Kale kaya kumain na? Tanong ko kay Richard.
Hindi ko alam nakita mong sabay-sabay lang tayong gumising. Natatawang sabi ni Richard.
Pa tara na nagugutom na ako. Singit ni Lio.
Sige na Chard mauna na kayo, ako na tatawag kay Kale.
"Kaya agad na bumaba ng lobby ang dalawa para hintayin kami ni Kale."
Kale, Anak? Kumain ka na ba? Gusto mo bang sumama samin? Tanong ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto nya.
Opo tita, kumain na ko. Tulog pa kasi kayo kaya nauna na akong kumain. Sige po kayo nalang po. Dito nalang po ako. Sabi nito na di man lang binuksan ang pinto.
Okay hija, text me or call me nalang or your papa kung may papabili ka. Sabi ko bago umalis.
"Habang pababa ako ng lobby natanaw ko na ang mag-ama ko na nagtatawanan."
Si Kale? Tanong ni Richard at tsaka ako sinalubong.
Busog pa daw sya, kakakain lang daw kasi nya. Maikli kong paliwanag.
San tayo kakain? Singit ni Lio.
San mo ba gusto? Tanong ni Richard kay Lio, na parang bata.
Uhmm kahit po saan. Maikling sagot ni Lio.
"Nang makahanp kami ng makakainan ay agad na umorder si Richard."
Oh by the way Lio dito muna pala tayo, uuwi nalang tayo bago ang M&G namin ng mama mo sa mga fans. Nakangiting sabi ni Richard.
Talaga pa? Parang bata nitong tanong na nagpalapad ng kanyang ngiti.
Oo, yung mga gamit nyo nga pala ni Kale dadalin na ni Mang Joey, mamaya siguro andyan na yun. Nagtext na kasi na malapit nadaw sya. Nakangiti kong paliwanag.
"Nang matapos kaming kumain ay namahinga muna kami bago bumalik nang hotel, nang biglang magsalita si Lio."
Ma, Pa. sayang no? Tanong ni Lio na may malungkot na tono.
Ano, bakit, anong sayang? Tanong ko kay Emilio.
Sayang lang kasi wala yung sister ko sa gantong mga pang-yayari sa buhay natin, sayang kasi wala hindi tayo kompleto. Kamusta na kaya sya? Okay lang kaya syA? Sunod-sunod nitong tanong.
