Amelia, san ka nga pala nakatira ngayon? Tanong ko dito.
Uhmm, sa ngayon po kinupkop ako ng mama at papa ni Anton. Pero ngayong bakasyon lang po kasi, may nakuha po kong benefits sa prime na pwede kong gamitin sa pag-aaral abroad. Nakangiti nitong sabi.
What?! You mean live in na kayo? Tanong ni Richard
Uhmm yes dad. Napilitan na rin po akong sumama kasi wala na rin po akong matitirahan.
Pag-balik ng Manila ikukuha kita ng penthouse or condo, habang ginagawa pa yung mansion ko sa Baguio. Nakangiting sabi ni Richard.
Pero dad, wag na po nakakahiya na po.
Then what? Magugulat nalang kami isang araw may apo na kami? Anak hindi magandang ugaliin yan. Sana ngayun lang makinig ka sakin. Please para sayo naman yang ginagawa ko. Kapag 25 ka na your free na kahit mag-asawa ka na. Wag lang ngayon masyado ka pang bata. Mahabang paliwanag ni Richard sa anak.
Chard hayaan mo na siya. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ko lang sana ipinaalaga si Amelia kay Yna edi sana nagabayan natin at napalaki natin sya ng ma---- naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Amelia.
Mom, Dad wag na po kayo mag-talo, buong buhay ko wala akong ibang ginusto kung hindi ang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Papayag na po ako. Pero Dad wala po ba kayong bahay? Na pwedeng dun muna ako or ikaw mom, para hindi na po kayo gumastos. Pero kung ayaw nyo sa bahay nyo pwede naman po ako sa simpleng apartment lang. sanay naman po ako sa simpleng buhay lang. nakangiti nitong sabi.
Anak pwede ka naman sa bahay. Kayalang iparerenovate ko muna yung guess room, para maging kwarto mo. Nakangiti kong sabi.
Mom, kwarto pa rin yun. Wag nyo na po iparenovate. Kahit nga po sa lapag lang ako okay na ako. Ang importante lang ok ay buo, masaya at may nasisilungang bubong ang pamilya. Nakangiti nitong sabi.
Okay papayag ako na simple lang. Pero makikipag-hiwalay ka muna kay Anton. Hiwalay na break lang muna. Kung liligawan ka nya? Go pero hindi ka pwedeng magka-boyfriend hanggang hindi ka nagiging 25 years old. Nakangiti kong sabi.
Pero mom, mahal ko si Anton. Sya ang nag-alaga sakin nung mga panahong nasa ospital ako. Nung mga panahong kailangan ko ng kalinga ng isang magulang. Paluha nitong sabi.
Pwede pa rin naman kayong lumabas if you want. Pero hindi yung ganyang live in na kayo. Kahit na hindi kayo mag katabi sa kama mali parin yun. Wait, sinagot mo lang ba sya dahil sa mga ginawa nya? Sinagot mo lang ba sya dahil sa tingin mo iyon lang ang tanging paraan para mabayaran sya? Tanong ko dito.
"Hindi sya nakasagot ng biglang magsalita si Richard."
Amelia, hindi iyan ang pag-mamahal. Nadala ka lang ng pag-aalala mo na baka hindi mo sya mabayaran, kaya mo sya nagawang sagutin. Anak kaya pa nating ayusin to. Kung kailangan kami ang kakausap sa mommy at daddy nya, gagawin ko. Hindi yung ganyang napipilitan ka pa. And sana samin ka na rin sumabay pauwi. Nakangiting sabi ni Richard.