"mabilis na nagdaan ang mga araw. Hindi ko akalaing isa na kaming ganap na adult. Parang dati-rati lang ay sinasaktan at binubugbog ako ni mama Yna. Pero ngayon masasabi ko nang nag-bago ang buhay ko. Mula sa simple naging magarbo na. Ganun pa man mas pinili ko pa ring wag magpaka-sosyal gaya ng mga anak ng ibang mga taga showbiz. Mas pinili ko paring maging normal ang aking pamumuhay. Matapos ang aming kaarawan, nagpalipas muna ng isang linggo si mama at papa bago kami ipakilala ni Lio kung sino ba talaga kami. Si papa naman ay kinuha na kami at dun na pinatira sa bahay nya. Dahil wala naman syang ibang kasama. Kami naman ni Anton ay nanatili pa ding special friends. Si Lio at Sheyn naman ay binigyan na ng bas-bas ni papa na maging mag boyfriend/girlfriend. Hindi ko alam kung magagalit ako o maiinggit kay Lio, dahil sya lang ang pinayagan ni papa na magkaron ng girlfriend. Pero natuwa nalang ako, kasi masaya pa rin naman kami ni Anton kahit na ganun lang kami."
A M E L I A ' S P O V
"nagising ako sa katok ni mama."
Lia, bumangon ka na dyan. At mag-bihis. Sa labas nalang tayo kumain ng tanghalian. Maingay na sambit ni mama.
"nagulat ako ng marinig kong sa labas na kumain ng TANGHALIAN. tanghalian?! Bakit anong oras na ba?! Halos mahulog ako sa kama ng makita kong 11:30am na pala."
Shocks, grabe pala talaga puyat ko kagabi. napabulong at napakamot nalang ako sa ulo bago ako lumakad palabas ng kwarto.
Ma? Pwede ko bang isama si Anton? Pambungad kong tanong pagka labas ko ng kwarto.
Kay papa mo ka mag-paalam. Pero baka pumayag yun, kasi kasama ni Lio si Sheyn. Nakangiting sambit ni mama.
Sige po ma. Puntahan ko lang si papa. Nakangiti kong sabi, bago ako pumunta sa kwarto nila sa itaas.
"nang makarating ako sa itaas, ay agad akong nag-paalam kay papa. At di nga nagkamali si mama. Pumayag si papa. Pababa na ko ngayon pabalik sa aking kwarto para magbihis at tawagan si Anton."
-P H O N E C A L L-
Hello Anton! Busy? Gusto mo ba maglun---naputol ang sasabihin ko ng bigla nya kong sagutin.
Hi Amelia! Sorry madami kasing pina-aasikaso si dad. Nandito ko ngayon sa office nya. Sorry ha. Bawi ako soon. I miss you. Love you!
"Sunod-sunod nitong sabi. Hindi man lang ako hinintay na maka-sagot binaba na nya agad ang tawag ng masabi nya ang mga salitang yun. Ramdam ko ang pagka-cold ni Anton lately. Kadalasan ay dumadalaw sya lagi at nagtatagal sya as long as gusto nya. Pero this past weeks parang lagi na syang nagmamadali. Madalang na rin kaming magka-usap. Pero inintindi ko lang sya. Kasi nga daw ay tinutulungan nya si tito sa kanilang mga nego-negosyo."
"nang makapag-bihis na ako ay agad na akong lumabas ng kwarto. Agad na rin kaming sumakay ng kotse dahil nga medyo nagugutom na sila papa."
