" nang maramdaman kong wala na si Kale ay agad na akong lumabas ng kusina at pumunta kay Richard na ngayo'y nakahiga sa sofa. Nang makita nya akong parating ay agad itong tumayo."
San si Kale? Tanong ko, na para bang di ko narinig ang usapan nila.
Umalis na. Maikling tugon nito.
"hindi na ako nagtanong-tanong pa ng kung ano-ano dahil narinig ko naman ang uspan nila. Bagkus ay hinawaka nya ang ulo ko at isinandal ito sa balikat nya."
Magiging okay din ang lahat. Sabi ni Richard ng nakangiti tsaka humarap at hinalikan ang noo ko.
"tango nalang ang naisagot ko. Habang nanunuod kami ng tv ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala kami. Nagising nalang kami ni Richard ng kalabitin kami ni Lio para sabihing naka handa na ang aming hapunan. Nang mag-punta kami sa kusina ay napansin kong ang daming pagkain."
Bakit ang daming pagkain? Sino nagluto nyan? Sana ginising nyo nalang ako. Sabi ko bago umupo.
No need tita, nagtulong po kami ni Lio na magluto nyan. Nakangiting tugon ni Sheyn.
Asan si Lia? Hindi ba kakain yun? Bakit wala pa? Sunod-sunod na tanong ni Richard.
E pa, kinakatok ko po kanina pero walang sumasagot e. Maikling sabi ni Lio.
"dun na bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil sa iniisip kong baka kung anu na ginawa nya. Pero mas pinili ko paring mas maging kalmado."
Sige na Lio tawagin mo ulit. Sighrado akong nagugutom yun. Hindi naman nya nakain kanina yung pagkain nya. Pag-uutos ni Richard sa aming anak.
"nang tatayo na si Lio ay agad ko itong pinigilan."
Sige na maupo ka na. Ako na ang bahalang tumawag sa ate mo.
"habang papunta ako sa kwarto ni Lia ay di ko mapigilan ang pag-aalala, like what if nag-suicide na sya. Mabilis kong tinungo ang kwarto nito. Nakailang katok din ako pero wala pa rin talagang lumalabas o ni sumasagot man lang. Dun ko na napag-pasyahang hingin kay Richard ang duplicate ng susi ng kwarto nito. Pagka-bukas na pagka-bukas ko ay nakita ko ang nagkalat na bote ng gin, mga gamit nito, at marami pang iba. Nakita ko si Amelia na walang tigil sa pagtungga ng gin, na umiiyak ngunit kakaunti nalang ang lumalabas na luha dito. Kaya nilapitan ko ito."
Amelia tama na yan. Pag-agaw ko ng boteng tinutungga nya.
Hinde ma. Kulang pa yan sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sa totoo nga lang dapat tequila iinumin ko, kaso wala akong stock. Gusto mo ba ma? Marami pa ko dun. Pag-turo nya sa mga kahong bote ng alak.
"dun ko lang narealize na napaka dami pala nitong alak sa kwarto at napaka-daming stock."
Amelia, sobra na yan. Halika kumain ka muna. Pagyaya ko dito.
Ma, bakit ganun? Ang sakit-sakit na makitang yung taong mahal mo masaya na sa piling ng iba? Yung taong ikaw ang nag-papasaya dati ay may bago nang nagpapasaya? Bakit ganon ma? Ang sakit-sakit. Sabi nito tsaka sumandal sa balikat ko.
Pangit ba ko ma? Mas maganda ba ugali ni Kale kaysa sakin? Baka nga ganun. Dag-dag pa nito, habng tuloy-tuloy ang pag-hikbi.
Shhh. No, no your not ugly my baby. Your beautiful. Your smart and mas lamang ka kay Kale. Sabi ko dito tsaka ko ito hinalikan sa noo at niyakap, at unti unti kong nilalayo ang mga bote ng alak mula sa kanya.
Pero ma, bakit naipag-palit nya ko? Bakit iba na ang mahal nya? Umiiyak na tanong nito habang nakayakap ng mahigpit saakin.
"bumitaw ako sa pag- yakap sa kanya at tsaka ko sya tinabihan at hinawakan ang kamay."
Alam mo anak, sa buhay o sa pag-ibig walang nagtatagal. Siguro hindi talaga para sayo si Anton. Kasi kung para sayo sya. Mangyayari at mangyayari ang lahat pero sa huli kayo pa din. Sa pag-ibig kailangan mong lumaban. Hindi pwedeng mahina ka. Kailangan hindi puro puso ang paiiralin kailangan may kasamang utak. Yan ang lagi mong tatandaan. Papunta ka palang, pabalik na kami. Ilabas mo lang lahat yan. At magiging maayos din ang lahat. Kaya mag-hilamos ka na para maka-kain na tayo ha. Mahabang sabi ko.
"nang makapag-hilamos si Lia ay agad na kaming pumunta sa kusina para kumain. Pagka-upong pagka-upo ni Lia ay bumungad sa kanya ang hilaw na mangga."
Ow, Sh*t. Ughhh ang sarap nyan. Sabi ni Lia.
Nak, kumain ka muna ng kanin bago yan hah. Pag-uutos ko na agad nyang sinunod.
"nang sasandok na ito ng ulam ay napansin kong medyo maselan ito sa pag-pili, nang makasandok na ito at ng isusubo na nya ito, ay bigla nalang itong naduwal. Kaya dali-dali itong pumunta sa lababo para dun ilabas ang kanyang suka. Agad ko naman itong sinundan upang dalhan ng tubig. Nang makainom ito ay agad itong humarap saakin."
Ma, bakit ganun yung kare-kare ang baho? Dati naman favorite ko yun ah. Sabi nito saakin.
Sigina Lia kung ayaw mong kainin yung kare-kare kumuha ka nalang ng ibang ulam na gusto mo. Paliwanag ko, na tinanguan lang nya.
"nang makabalik na ito sa kanyang upuan ay agad itong kumuha ng spaghetti na ngayon lang nya kinain, dahil ayaw nya daw ng lasa nito. Kapansin-pansin din ang lakas nyang kumain. Pero baka gutom lang talaga sya kaya ganon. Nang matapos kaming kumain ay agad na kaming nag-tungo sa sari-sarili naming silid. Si Sheyn naman ay sa guess room na namin pinatulog."
"lumipas ang ilang linggo ng hindi lumalabas ng silid si Lia. Hindi din ito lumalabas upang kumain. Hindi na nga din namin ito nakikita. Kumbaga masasabi mo lang na nandyan sya pero hindi mo sya makikita. Kumakain lang ito kapag dinadalan namin ng pagkain kapag hindi ito dinalhan hindi ito kakain. Mag-iiwan lang kami ng maliit na lamesa na may pagkain sa may gilid ng pinto nya tsaka namin ito kakatukin. Ganun din sa pag-lalabas nya ng pinagkainan. Ilalagay lang nya ito sa may labas ng kanyang kwarto. Lumipas pa ang ilang linggo ng ganon ang nangyayare sa kanya. Hanggang sa isang gabi ay napansin kong bukas ang pintuan ng kwarto nya kaya dali-dali ko itong pinuntahan. Nang makita ko ay napaka dami uling bote ng gin ditong nag-kalat at naririnig kong may sumusuka sa bandang cr. Nang tatayo na sya ay bigla nalang syang nawalan ng malay. At ng makita ko ang balat nya na malapit sa pulso ay napansin kong puro ito dugo't sugat at sa di inaasahang meron itong maliit na open wound. Dun ko napagtantong tinangka nyang magpakamatay. Ganun din ang dugong umaagos sa binti nito. Kaya dali-dali kong sinigawan si Lio at Richard."
Richard! Emilio! Richard! Emilio! Richard! Emilio! Richard! Emilio!
Tulong si Amelia dalin natin sa ospital! Sunod-sunod kong hiyaw sa dalawa."agad din naman silang dumating, at agad din naming naisugod si Amelia sa ospital. Nang magamot na ang sugat ni Amelia ay agad na syang nailipat sa private room."