Pa, ano yun patingin nga. Agad itong lumapit kay Richard at pinilit silipin kung ano ang tinitingnan ng ama.
"Nang makita ito ni Lio ay nagulat akong ng sabihin nyang kilala nya rin ito."
Ma, si Sheyn yan tsaka hindi ako sure kung tama ba pero alam ko Amelia pangalan nung isa. Nakilala ko sya sa event last time. Dalawa sila sa most active admin sa fan page nyo ni papa. Natutuwang sabi ni Lio sakin.
Really? Nakangiti kong sabi.
"Agad na kinuha ni Lio ang kanyang cellphone para tingnan din siguro ito nang mas matagal."
Ma, look oh, yung location nila dito din sa Anton's hotel. Nakangiting sabi ni Emilio sakin.
"Nagulat ako ng biglang magcomment si Lio."
"Hi, beautiful Sheyn I know we met already sa event. Hope magkita tayo."
"Nang makita ko ang comment ni Emilio ay agad akong natawa na natawa din si Richard."
Hmm, ang anak namin, may paganon pa. Beautiful Sheyn daw..... tumatawa kong sabi.
Ma, I don't know pero I feel something about her... nakangiti nitong sabi, sabay gulo ni Richard ang buhok nito.
-Amelia's POV-
"Nang tawagin kami ng staff ay agad kong ginising si Anton na tulog na tulog, pagbaba naman namin ay kumakain na si mama, papa at Sheyn. Halatang gutom na sila hindi na kami nahintay ni Anton. Pagka-tapos naman namin kumain ay agad din kaming tatlong bumalik sa aming mga kwarto habang sila mama at papa naman ay naiwan sa lobby dahil mag-gagala pa daw sila, ala teenager lang HAHAHAHA. Nang maka-balik na kami sa hotel ay bandang mga 5:30 na iyon, inayos ko lang ang mga gamit namin ni Anton. Tsaka kami tumambay ng balcony."
Anton? Tawag ko sa kanya habang nakayakap sa may likuran ko.
Hmm? Bakit? Tanong nito nang hindi man lang tinggal ang yakap sa akin.
Napakaganda namang tanawin nun. Singit ni Sheyn na kanina pa pala kami tinitingnan na nasa kabilang balcony lang pala.
Sheyn!!! Inis kong sabi.
Alam nyo parang nagkecrave ako sa milktea, what if ilabas mo kami Anton, libre ko. Nakangiti nitong sabi habang tinataas baba ang kilay.
Why not? Tara? Yaya nito sakin.
"Nang dumating kami sa milktea shop ay nagulat kami nang makita namin sina mama at papa duon, may pa milktea date ang mga tanders HAHAHAHA. Kumikerengkeng pa si mama."
Ohh, ma. Andito pala kayo ni papa di nyo man lang kami niyaya. Natatawang sabi ni Anton.
Actually anak, kakatapos lang ng meeting namin about our hotel. Dito kasi nila napili na mag-meeting. Maikling paliwanag ni papa saamin.
Come on join us. Pag-ayang sabi ni mama.
"Agad naman kaming umupo at agad na umorder si Sheyn ng aming iinumin. "
Kayong dalawa, bata pa kayo. Gusto ko sana na maayos muna ang mga kailangan nyong ayusin bago nyo ituloy ang mga gusto nyo. Ikaw Amelia bata ka pa. Malayo pa maratating mo. Hahayaan ko kayo kung anong meron sa inyo nang anak ko. Pero sana naman bago kayo ikasal at magka-anak sana naman may isa na kayong natupad sa mga pangarap nyo. Nakangiti nitong payo sa amin.
Opo pa, wala pa naman po kaming balak para sa mga ganyan. Tsaka ayoko pong matulad yung mga magiging anak ko sa nangyare sakin, na hindi ako napanindigan ng mga magulang ko. Paluha nitong sabi.
Amelia, matanong nga kita. Paano kung mahanap mo ang tunay mong mga magulang? May galit ka ba sa kanila? Tanong ni mama saakin.
Well mama, hindi naman po siguro maiiwasang magkaroon ako ng sama ng loob sa kanila, kasi first of all syempre naghanap din ako ng kalinga ng magulang, kasi si mama Yna hindi naman nya naiparamdam sakin na parang tunay nya kong anak. Pero syempre hindi ko din naman mapipigilan ang sarili ko na hanapin sila. Gusto ko rin naman po silang makilala. Tanggapin man nila ko o hindi eto ko. Nakangiti kong sabi.
__________________________
May nagbabasa ba? Comment lang kayo. Para matuloy ko. Baka kasi gawa ko ng gawa wala namang nagbabasa😅
