-Amelia's POV-
Sheyn, pwede bang mahiram ulit phone mo? Tingnan lang natin yung mga notifs. Nahihiya kong sabi.
Okay sige. Nginitian lang nya ko tsaka inabot ang kanyang cellphone.
"Pag-login ko pa lang sunod-sunod na ang notifs. Nang tingnan ko ito ay umabot na ito ng 900,000 shares..... and 3k comments. Ang ibang comments ay di ko na mabasa sa sobrang dami. Ang tanging mga nabasa ko nalang ay ang maraming likes na comment. Ito ang ilan sa mga comments....
Hi ms. Amelia, hope you find your parents very soon...
Kamuka po ng mata nyo si mama Dawn.
You look like a girl version of papa Richard.
Kamuka nyo po si Emilio nung bata.
"Ilan lang yan sa mga karamihan sa mga nabasa ko. Hanggang ngayon ay padag-dag parin ng padag-dag ang mga comments at nagsheshare."
Amelia, pangalawang beses na yang post mo na may nagsasabing kamuka mo si mama Dawn. Hahaha tumatawang sabi ni Sheyn.
Oo nga e HAHAHA. Natatawa kong sabi sabay balik sa kanya ng phone nya.
__________________________
-Amelia's POV-
"It's already 9:00pm, nang makauwi kami. Gaya nga ng sabi ni Anton dinala nya kami sa lugar na kita ang buong Taal. Mula sa lugar na aming kinaroroonan kanina ay kitang-kita rin namin ang paglubog ng haring araw. Nang makabalik kami ay agad nang nagpahinga si Anton may kahabaan kasi ang byahe namin kanina mga 2 hours tapos kumain pa kami. Si Sheyn naman ay kasalukuyan naring namamahinga. Ako naman ay nagpa-paantok na kasi bilin ni Anton ay maaga kaming aalis."
-Dawn's POV-
"As usual natapos ang mag-hapon namin sa buong hotel, nanonood ng movies and nagkukwentuhan. Nakahiga na kami ngayon ni Richard at nagpapaantok nalang habang si Emilio ay ansa kabila pa ring kwarto at natutulog na ata. Hindi ako makatulog kaya naisipan kong magtimpla ng kape at tumambay muna sa balcony. Maya maya pa ay sumunod sa akin si Richard na may dalang scarf of somethingy balabal? At ipinatong nya ito sa likod ko. Dahil napansin ata nya na nilalamig ako, tsaka nya isinandal ang ulo ko sa balikat nya."
Di ka makatulog ano? Tanong nya sakin.
Oo andami kasing tumatakbo sa isip ko. Nakangiti kong sabi.
Emilia inaantok na ko, matutulog na ko. Sumunod ka na. Gumising ka nang umaga bukas hah, may pupuntahan pa tayo. Nakangiti nitong sabi tsaka ako hinalikan sa noo bago pumasok sa loob.
"Nang maubos ko ang kape ay agad na akong tumabe kay Richard at natulog na."