Chapter 47

292 6 0
                                    

-Anton's POV-

"Nang makabalik ako sa hotel room namin ng mga bandang 4:30pm ay laking gulat ko ng walang bumungad saking Amelia. Kaya naman agad akong pumunta sa kwarto ni Sheyn para tingnan kung nandun ba ito. Nang makarating ako sa kwarto ni Sheyn ay laking gulat ko ng makita itong tulog na tulog katabi si Sheyn. Kaya agad na akong bumalik sa hotel room namin at napagpasyahan ding matulog."

-Dawn's-

"Pagkagaling namin sa kwarto ni Emilio ay agad kaming pumunta ni Richard sa isang maliit na convince store na meron nang lahat ng sangkap sa maing mga lulutuin. Si Lio naman ay naiwan sa aming kwarto upang mag-ayos ng aming mga kakailanganin mamaya."

Chard, paano kung di nya tayo matanggap? Malungkot na sabi ko at lumingon ako sa kanya.

Emilia, wag mong isipin yung mga ganyang bagay. Isipin mo nalang na matatanggap nya tayo. Nakangiti nitong sabi, tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Maya-maya pa ay biglang tumawag si mama."

Hello ma?

Hello? Ano ka ba? Text ako ng text sayo bakit di mo sinasagot. Kahapon pa ako nag-aalala sayong bata ka! Naiinis na sabi nito sakin.

Ma, sorry. May mga inasikaso lang kami ni Richard.

Hmm. Inasikaso lang ba? Baka naman sinusundan nyo na si Emilio. HAHAHAHA. Tumatawang sabi nito.

Ma?! Naiinis kong sabi.

Bakit? Ano sabi ni tita? May problema ba? Sabi ni Richard habang kausap ko si mama.

Hmm. Emilia naman. Imposibleng walang nangyare. Bakit kasama mo pa ata sya sa kwarto? HAHAHAHA. Nangiinis nitong sabi.

Ma, bibili lang kami ng pagkain.

Oh, sya sabi mo. By the way did you recieved my text message?

Uhmm. Yes ma, and I'm so happy kasi nahanap na namin sya. And kasama namin sya magdidinner.

Really? That's great. I can't wait to meet her na. Basta kailangan pag-uwi nyo kasalan na hah. HAHAHAHA . Nangiinis nitong sabi.

Ma naman.

Sige na hija, bye na see you!

-end of phone call-

Ohh, ano sabi ni ma- ay tita....? Tanong ni Richard.

Edi ano pa? Edi nang-aasar nanaman.

Kagaya ng..?

Baka daw sinusundan na natin sina Emilio. Naiinis kong sabi.

Bakit hindi ba totoo? Nakangiti nitong sabi.

Richard! Naiinis kong sabi.

Okay fine. Sorry. Sige na andito na tayo, tara na.

"Nang makabalik kami sa hotel ay mga bandang 6:30 na yun. Kaya may isa't kalahating oras pa kami para makapaghanda."

Richard ikaw magluto ng specialty mo hah. Ako nalang sa java rice.

Sige Emilia. Pero baka matagalan tayo kasi iisa lang ang kalan natin. Isang super kalan lang kasi binili natin. Wala namang ibang kalan dito.

Sige sabihin mo nalang sakin yung mga hihiwaing sangkap, para ako na maghihiwa. Tapos iaabot ko nalang sayo. Pag tapos ka na ako naman. Bilisan nalang natin. Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ma? May maitutulong ba ko? Tanong ni Lio habang papunta sa amin ni Richard.

Call your tita Vivian, and tell her na ireschedule ang M&G namin ng papa mo. If matanggap tayo ng ate mo mag-stay muna tayo dito kahit mga 2-3 days pa. Para may time tayo mag-bonding with her. If hindi nya tayo matanggap that's okay. Nakangiti kong sabi.

Okay ma. So sabihin ko kay tita Vivian na next week nalang?

Sige basta 2weeks before your birthday. Nakangiti kong sabi.

And Lio pwede bang ikaw nalang ang pumunta sa kwarto nila? Ikaw nalang sumundo sa kanya. Ichat mo nalang din sya kung saan ang roon number nila. Her name is Amelia Lunar.

I'm finally homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon