Ay oo nga no? Sana nga Lia.! Natatawang sabi nito.
My ghadddd Sheyn nagagalit na si mama Yna, may 35 missed calls na si mama na malamang ngayon ay galit na galit na. Kinakabahan nitong sabi.
Amelia, andito tayo para mag enjoy.. kaya wag mo muna isipin si tita. Ako na bahala mamaya pag-uwi natin. Nakangiti nitong sabi.
"Tanging tango lang naman at ngiti ang isinagot nito sa kaibigan"
"Tinatawag ko po lahat ng admin ng ating page na umakyat po dito sa stage para po magkaroon ng picture taking"
"Nang makaakyat sila sa stage ay hindi na dapat sasama sa picture si Emilio ngunit tinawag sya ng kanyang ina, Kaya sumingit nalang ito sa may bandang gilid at inakbayan ang isang admin na si Amelia"
"Nang matapos ang picturan ay nagpunta si Dawn, Lio, at Richard sa backstage para mag-ayos. Agad namang sinundan ni Amelia ang tatlo"
Mama, pwede po ba kong magtanong? Nahihiyang tanong ni Lia.
"Agad namang nagslita ng excuse si Dawn kina Richard dahil kausap ni Dawn ang mga ito"
Ano yun? Nagtataka nitong tanong.
Uhmmm! Hindi ko naman po sinasadya na marinig ang usapan nyo kanina, sorry po. Pero totoo po bang may anak kayo ni papa? At kambal? Na ang isa ay babae? Na nakay nana Yna? Na ang dati nyong katulong? At ang isa naman ay si Lio? Nagtataka nitong sabi.
Dawn! Sigaw ni Richard kasama si Emilio.
Ohh bakit? Mahinahong tanong nito.
Mama sabi ni pa- I mean tito Richard dinner daw tayo mamaya sa kanila. Dahan dahan nitong sabi ng makita si Amelia na nasa harap nila.
Ohhh sure! Nakangiti nitong sabi.
"Isang babae naman ang umagaw ng kanilang atensyon ng tawagin si Lia, kaya napilitan nang magpaalam si Lia kina Dawn"
Gurl we need to go home na. Tumawag si tita Yna kay mom at galit na galit. Mabilis na paliwanag ni Sheyn.
Huh? Nako yari ako neto. Natatakot nitong sabi.
Habang nasa daan...
Kinakabahan ka ba? Basta kapag kailangan mo ng tulong itext mo ko dyan. Hinawakan ni Sheyn ang kamay ng kaibigan at iniabot ang isang cellphone.
Sheyn wag na ok lang ako. Tsaka baka kunin lang ni mama yan. yung isang binigay mo nga na cellphone kinuha lang nya diba?.. magsasayang ka lang ng pera. Mahinahon nitong paliwanag at ibinalik ang cellphone sa kaibigan.
Lia?! Hindi pwedeng hinde! Kaya ko nga binibigay sayo yan kasi pinadadala yan ni mommy at ipinaaabot sayo. Paliwanag nito sabay balik ulit kay Lia ang phone.
Ok fine. Napabuntong hininga nalang ito at kinuha ang cellphone.
"Nang makarating sa bahay, nagulat nalang sila ng buksan ang pinto ng bahay na agad nilang ikinagulat ng makakita sila ng lumilipad na bagay na galing sa kanyang ina."
San ka galing?! Huh?! Ano tumuloy ka sa Chardawn?! Huh?! Ano?! Sumagot ka!! Sigaw nito habang naiinis.
Ma, sorry. Huli na to pangako. Malungkot nitong paghingi ng paumanhin.
Nako Amelia, pasalamat ka talaga at kasama mo yang kaibigan mo kasi kung nagkataon baka basag na yang muka mo!!! Hala sige umakyat ka na sa taas at wag na wag kang baba hanggang hindi ko sinasabi, kapag nagugutom ka tiisin mo! Ako ang bahala kung kelan ka kakain o hinde! Gigil na gigil nitong sabi.