Ano ba ang pangalan ng kumupkop sayo? Naluluha kong sabi.
Yna po. Yna Lunar... sabi nito habang pinupunsan ang kanyang mga luha.
"Nang marinig ko ang pangalan ni Yna ay unti-unti nang nagpatakan ang luha ko tsaka ko sya nitakap. Nang tumahan na ako muli akong nagtanong."
Paano kung makita mo sila? Magagalit ka ba? O matutuwa? Maluha-luha kong tanong.
Syempre hindi naman po siguro mawawala yung galit. Kasi 17 na taon ko silang di nakasama. Syempre gusto kong malaman kung bakit kailangan nila kong ipaampon. Ang sakit lang na bawat gagawin ko iniisip ko yung mama Yna ko na magiging proud sya sakin. Yun pala kaya hindi sya nagiging proud sakin kasi ampon lang pala ako. Pero syempre mapapatawad ko din naman sila. Kaso hindi ko lang kaya yung walang gumabay saking ama't tunay na ina sa aking paglake. Yang kay Anton na yan hindi ko alam kung tama ba na sinagot ko sya. Wala akong mapagtanungan or mapag kuhanan ng advice kasi binalewala nga ko ng mga magulang ko. Sana lang talaga may sapat silang dahilan kung bakit nila ko iniwan. Umiiyak ulit nitong sabi.
Excuse me....... mabilis kong sabi.
"Hindi ko na napigilan kaya agad ko nang nilapitan si Richard na sya namang pag-alis ni Anton dahil pupuntahan daw si Amelia. Agad kong niyakap si Richard tsaka ako umiyak, umiyak na parang ayoko nang tumigil."
Chard.... sya talaga yun.... sya na talaga yun... pwede ba natin syang kausapin? Pwede mo bang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kaya kapag ako pa mag-papaliwanag sa kanya. Umiiyak kong sabi.
Oo Emilia but first stop crying. Pero Emilia wag dito gusto ko kasama natin si Emilio. Ganto nalang itanong mo sa kanya kung anong room number nya, tapos papupuntahan natin sya kay Emilio or ako. Tapos dun nalang tayo mag dinner sa room. Tapos dun natin sya kausapin. Nakangiti nyang sabi habang nakayuko at nakatingin sakin.
"Nang tumigil na akong umiyak, ay agad na kaming bumalik kila Amelia."
Amelia I'm sorry sa kanina.---- di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.
No, Ms. Dawn it's okay. Nakangiti nitong sabi.
Uhm, Amelia pwede ka ba nming maimbitahang mag dinner mamaya? Dun lang sa room namin. Kasama si Lio. Nakangiting tanong ni Richard.
"Tumingin ako kay Anton bago nagsalita, na para bang hinihingi ko ang pagpayag nya."
Sige Amelia.... pagtapos nyo mag-dinner derecho ka nalang sa kwarto. Kila mama nalang ako sasabay. Nakangiti nitong sabi sabay hinawakan ang kamay ko na nasa lap nya.
Sige po Ms. Dawn, Sir Richard. Pero san po ba ang kwarto nyo?
Room Number 127.... iintayin ka namin hah... ano bang favorite mo? Nakangiti kong tanong sa kanya.
Hindi naman po ako maselan sa pagkain. Kahit ano po kinakain ko HAHAHA pero isa lang po mahihiling ko HAHAHA kung gusto nyo po malaman ang gusto ko. Milk tea lang po HAHAHA. Tumatawa kong sabi.
Sure yun lang pala..... nakangiti kong sabi sa kanya.
"Nang magtatanghali na at medyo umiinit na ang araw ay napag-pasyahan na naming umuwi ni Richard."
Ohh pano ba yan, Amelia iintayin ka namin ni Emilia hah... nakangiting sabi ni Richard