"Nang makarating kami sa hotel ay agad kaming binigyan nina mama ng room key. Sama daw kami ni Anton sa isang kwarto tapos si Sheyn naman ay mag-isa as usual. Hapon na nang kami ay dumating duon. Pagdating namin duon ay agad na natulog si Anton na feeling ko napagod sa byahe. Maya-maya ay pumunta ako sa kabilang kwarto kung nasaan si Sheyn."
Buti naman naisipan mo kong puntahan, mababaliw na ko dito. Wala man lang akong kausap. Sabi nito habang binubuksan ang balcony.
Sorry na, tagal kasing makatulog ni Anton e. Sabi ko habang papunta sa may balcony kung san sya nakaupo ngayun.
Sige na nga. Selfie nalang tayo. Natatawang sabi nito.
"Nang makapag-selfie kami ay agad nya itong in upload sa IG na may caption na."
Hahanapin namin kayo, Chardawn!!
@richardgomez
@dawnzulueta
@emiliozulueta
📍@Anton'shotel"Nang makapag-post na sya ay agad kaming tinawag nang isang staff at sinabing pinapupunta kami nina mama sa lobby, kaya pinauna ko na si Sheyn dahil gigisingin ko pa si Anton."
-Dawn's POV-
"Pagka-kain namin ng breakfast kanina ay agad din kaming umakyat ng hotel. Tapos di ko na namalayang nakatulog ulit kami. Kaya nang magising kami ay mag aalas dos na, tinamad na kaming bumaba kaya nagpa-deliver nalang kami. Pagka-kain naman namin, ay nanuod ng pelikula ang mag-ama, ako naman ay nag lalaro lang ng mahjong HAHAHAHA. Matagal din kaming ganito lang ang ginagawa. Maya-maya ay natapos na nila ang isang movie mga bandang 4:30 na iyon. Nang biglang tumunog na sabay ang aming mga notif. Nang buksan ko ang akin ay nakita ko ang isang post na may caption na..."
Hahanapin namin kayo, Chardawn!!
"Tapos nakatag kaming tatlo nila Lio."
"Natawa lang kami sa caption nagulat nalang ako ng biglang mag-comment si Richard."
Hi ms. Sheyn. Sige hanapin nyo kami😂, I guess magaling na ang kaibigan mo.
Kilala mo sya? Tanong ko kay Richard.
Ahh, oo nakalimutan kong sabihin sayo. Nung na ospital kasi si Lio ay humingi sya ng Request na kung pwede daw pag magaling na si Lio ay dalawin daw natin sila. Kaso sakto namang paglabas ni Lio wala na yung kaibigan nya. Kaya di ko na nasabi sayo. Paliwanag ni Richard, na tinanguan ko lang.
