CHAPTER 60

291 4 0
                                    

A M E L I A ' S  POV

"Hindi pa rin maalis ang mata ko sa dalawang magkasama, na nakaupo malapit sa may entrance ng restaurant. Natigil lang ang pagtitig ko sa dalwa ng kalabitin ako ni Lio sa kamay."

Ate, ano ka ba? Sino ba yung tinitingnan mo? Kanina ka pa tulala dyan ah. Pag-tatakang tanong nita sa akin.

Huh, uhmmm.......... Lio, Do you remember your kuya Anton? Tanong ko dito na nagpakunot ng noo nya.

Hala ka girl, malamang naaalala namin si Anton. Ano namang pumasok sa isip mo at naitanong mo yan? Bakit miss mo na ba sya? Pagsingit at pang-aasar ni Sheyn.

Oo naman ate, bakit ko naman makakalimutan si kuya Anton? Kahit namang mag-dadalawang linggo na siyang hindi dumadalaw sa bahay hindi ko parin sya makakalimutan. Teka nga muna ate, bakit nga pala hindi na dumadalaw si kuya Anton? Patatanong nito.

Hay, nako Lio wag mo nang tanungin ang ate mo. Hindi pa ba halata? Busy lang yun. Wag mo nang pag-alalahanin ang ate mo. Pag-singit ni papa.

Pa, hindi naman po ko nag-aalala. Ang akin lang po, feeling ko kasi ang cold nya lately. Tapos parang lagi syang nag-mamadali. Pag-sabi ko ay muli akong sumulyap sa kinaroroonan ng dalawa, ngunit wala na ang babae. Kaya minabuti ko nalang na pag-tuunan ang pansin ang pag-kukwentuhan ng aming pamilya.

"maya-maya pa ay dumating na si mama, na may dalang pagkain. Habang kumakain ay naagaw muli ng mga mata ko ang lalaking kanina ko pa tinititigan na hanggang ngayon ay naka shades pa rin. Isa pang nakapag-paagaw ng tingin ko ay ang isang babaeng napaka-ganda, na dinaig pa ang isang modelo. Natigil ako sa aking pagkain ng halikan nya sa pisnge ang lalaki."

Ate, kanina ka pa natutulala dun sa lalaki ah. May problema ba? Pagtatanong ni Lio ng mapansing binitawan ko ang mga hawak kong kubyertos.

Lio, tingnan mo nga yung lalaki na yun. Yung may kasamang babaeng naka pula at naka shades din. Yung lalaking naka-shades. Hindi ba parang ang kuya Anton mo iyon?

Oo nga ate, parang kahawig ni kuya Anton pati yung postura nya kung paano maupo ganung-ganon kay kuya Anton. Pero imposible yan. Bakit di ka man lang nagawang lapitan? Paliwanag nito.

Kung si Anton nga yan. Paano naman ako malalapitan? Kita mong may kaladiang iba diba? Pag-pipigil ng inis kong sabi.

Ate, di si kuya Anton yan baka namimiss mo lang sya. Pangiinis nitong sabi na nagpaagaw ng pansin ni mama at papa, na nagkukwentuhan lang kanina.

Lio! Pasigaw kong tawag sa pangalan nya. Para malaman nyang naiinis na ako sa kanya.

Lio, Lia. Ano ba yan? Nag-aaway ba kayo?! Baka nakakalimutan nyong nasa harap kayo ng hapag! Pagalit na sabi ni mama.

Ma, si Lio kasi nakakainis na, sumusobra na! Inis kong sabi.

Ma, sinabi ko lang naman na namimiss nya lang si kuya Anton. Masama po ba yun? Sabi ni Emilio.

E bakit ba kasi pinag-uusapan nyo pa si Anton? Diba dapat masaya lang tayo ngayon? Tanong ni mama na sa palagay ko ay naiinis na rin saming dalawa ni Lio.

Ma, kasi yung lalaki daw na yun. Sabay turo dun sa guy na naka shades. Kamuka daw ni kuya Anton. Totoo namang kamuka ni kuya Anton. Pero ano namang gagawin nya dito diba? And take note may kasama pa syang girl. Kaya sabi ko baka miss lang sya ni ate, tapos iyon nainis na si ate Lia. Mahabang paliwanag ni Lio kay mama.

"tiningnan ni mama, papa at Sheyn ang kinaroroonan ng dalawa."

Lia, do ba parang si Anton nga yun? Sabi ni Sheyn.

Oo nga anak. Di ba sya yun? Pag-singit ni papa.

Pero ano naman ang gagawin ni Anton dito? At bakit may kasama pang babae? Pag-tatanong ko sa kanilang lahat. Na ngayon ay nakatingin sakin.

Lia, bakit di mo sya tawagan para malaman natin ang totoo?  Mahinahong sabi ni papa.

"agad kong kinuha ang phone ko, at agad ko itong dinial. Medyo naririnig namin ang kanilang pag-uusap dahil di naman sila kalayuan sa aming inuupuan. Isa pa medyo tahimik sa restaurant. Maya-maya pa ay nakita namin syang hawak ang telepono habang naka-kunot ang noo. Nang mabasa nya ang pangalan ko sa screen ay agad nya itong pinatay. Tsaka ibinalik ang kanyang telepono sa loob ng kanyang bulsa. At tsaka sinabi sa kasamang"

" Si Amelia lang yun. Ako na bahalang mag-paliwanag sa kanya mamaya. Storbo talaga kahit kailan."

"dun na nag-dilim ang paningin ko at tumayo, tsaka sila nilapitan na syang pag-sunod at pag-tawag sakin nina mama at papa."

Lia!

Tawag sakin nina mama habang papunta sa kinaroroonan ng dalawa. Ngunit hindi ko pinansin ang tawag na yun.

" nang makalapit ako sa dalawa ay agad akong humarap kay Anton binigyan ito ng napaka-lalim na halik. Nang maramdaman kong hindi sya tumutugon dun na nag-umpisang mag-patakan ang mga luha ko, at napag-pasyahang itigil na. Maya-maya pa ay naramdaman kong may humatak sa buhok ko."

Ang landi mong babae ka! Wala kang karapatang halikan ang boyfriend ko! Sigaw nito na umagaw ng pansin sa lahat ng taong kumakain sa restaurant.

Ughh,....................... I don't know na ganto ka na pala ka-cheap ngayon! Hindi ko naman alam na puma-patol ka na pala sa palengkerang babaeng tulad nito. And FYI miss, miss P.A.L.E.N.G.K.E.R.A. Sana ilugar mo yang ginagawa mo hah! Sayang kasi yung pinag-aralan mo. Ganda mo pa din kayalang muka namang wala kang pinag-aralan. Sabi ko habang pinipigil ang pag-patak ng mga luha ko.

"isa pang kinagalit ko ng tanggalin nya ang kanyang salamin at makita ko ang pag-mumuka ni Kale. Parang kanina lang tinanong ko pa tong babaeng to kay papa. Tapos ngayon nasa harap ko na?"

Ano Amelia, masakit ba mawalan ng minamahal? Ngayon nararansan mo na ang naranasan ko noon ng agawin mo sa akin si papa at si tita Dawn! Ano Amelia, masakit ba? Gulat ka no? Kasi dati-rati ikaw yung dinedate nya, pero ngayon. Ako na! HAHAHAHA. Ang karma nga talga, akalain mo yun napaka bilis. Ngayun manigas ka, kasi ikaw nalang ang nagmamahal kay Anton. Hindi ka na nya mahal! Alam mo bang lagi nyang sinasabi saaking gusto ka na nya igive-up kasi, sawang-sawa na sya sayo! Ano masakit diba? Nangiinis na sabi ni Kale.

I'm finally homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon