"Walang naka-sagot samin ni Richard nagka-tinginan nalang kami."
Ma, gusto ko nang makilala yung sister ko. Naaawa ako sa kanya, kasi kahit man lang pangalan nya hindi natin alam. Paluhang sabi ni Emilio saamin ni Richard.
Dawn? Siguro oras na para umpisahan natin ang paghahanap sa kanya. Sabi sakin ni Richard tsaka hinawakan ang kamay ko.
Ma, gusto ko nang mabuo tayo. Naiiyak na sabi ni Emilio.
Chard, Emilio. I'm sorry kung hindi ako nagpaka-tatag, I'm sorry kung inuna ko ang sarili kong kapakanan kesa sa kapakanan nyo. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung di lang sana ko naduwag nuon edi sana buo tayo ngayon. Di ko na napigilang maluha habang sinasabi ang mga bagay na yun.
Tama na nga yan, Dawn. Wag mong sisihin ang sarili mo. Pareho tayong naging di responsableng magulang kaya nagka-watak-watak tayo. Tama na yan wag na kayong umiyak. I promise pag balik natin ng Manila kukuhanin natin ang anak natin. Wag na kayong umiyak ang papangit nyo na. Natatawang sabi ni Richard. Na ikinatigila na ng iyak namin tsaka nya kami niyakap.
"Maya-maya ng matigil na ang pag-iyak namin ay napag-pasyahan na naming bumalik na sa hotel, ngunit natigilan kami ng makakita si Emilio ng Zip line."
Ma, look ohh zip line. Gusto kong sumakay. Pwede bang sumakay tayo nila papa dyan? Tanong nito na parang batang naglalambing.
Sure, pero sunduin muna natin si Kale okay? Para makasama sya. Paliwanag ko kay Emilio.
"Nang makadating kami sa hotel ay agad naming pinuntahan si Kale, at isinama sa may zip line. Nang kami na ay pinapili kami kung isahan o dalawahan o tatluhan."
Ma, tayong tatlo nila papa. Nakangiting sabi ni Lio.
Anak hindi pwede mag-isa lang si Kale. Gusto mo kaming dalawa ng papa mo tapos kayong dalawa ni Kale. Maikling paliwanag ko kay Lio.
No, tita Dawn it's okay sanay naman akong mag-isa. Nakangiti nitong sabi.
Are you sure? Tanong ni Richard sa anak.
Yes pa. Maikli nitong sagot.
"Nang makarating na kami sa kabilang part ay nag-kukwentuhan ang mag-ama kaya naisipan ko na makipag-kwentuhan din kay Kale."