"Kaya agad na umupo si Lia sa isang bakanteng upuan sa bandang likod na may bakanteng upuan sa tabi."
"Maya-maya ay napuno na ang mga upuan tanging ang katabi nalang nya ang walang nakaupo"
"Laking gulat nya ng agawin ng isang pamilyar na lalaki na may kasamang babae ang kanilang atensyon. At bigLang nagsalita ang kanilang guro"
Okay class, we have a 2 new students. Kakauwi lang nila galing America at Australia kaya ipag-papatuloy nila ang pag-aaral nila dito. Please introduce yourselves. Nakangiti nitong sabi sa dalawa.
Hi I'm Antonio Montenegro, but you can call me Anton. I'm from Autralia. Don't worry 'cause I can speak and understand tagalog naman. Nahihiya nitong pagpapakilala sa harap.
I'm Kale Landayan, but you can also call me Kai. I'm from America. But I can understand tagalog. I can also speak tagalog pero konti lang. nakangiti nitong pag-papakilala.
Okay Kai, Anton you may take your----
"Hindi na naipagpatuloy ni Ms. Santos ang sasabihin ng biglang sumingit si Kai"
Ms. Santos? Where is the comfort room? May I go?
Sure Ms. Landayan, Ms. Lagdameo can you help Ms. Landayan to find the comfort room?
Sure ma'am...
Mr. Montenegro seat beside Ms. Amelia.
"Itinuro ni Ms. Santos ang upuan sa tabi ni Amelia na nakatingin ngayon kay Anton"
"Kaya naman umupo na si Anton sa tabi ni Amelia"
Amelia? Is that you? Kilala mo pa ba ko? Sunod-sunod nitong tanong na ikinatulala ni Amelia.
Huy? Amelia?! Pagulat na sabi ni Anton kay Amelia kaya nawala na ang pagkatulala ni Amelia.
Oh? May sinasabi ka?
Wala sabi ko namiss ko yung best friend ko.
"Magkaklase si Anton at Amelia noong nasa kindergarten palang sila at matalik silang magkaibigan. Ngunit nang lumipat sila Anton sa Australia ay wala na silang communication sa isa't-isa kaya wala na silang balita sa isa't-isa."
I miss you too Anton!! Agad itong nagyakapan at nagkwentuhan dahil wala naman silang ginagawa dahil nag eexam lang naman ang mga bumagsak.
12:00pm
Lia, tara na tapos na ako. Kain na tayo. Malakas na sabi nito sapat lang para maagaw ang atensyon nila ni Anton na busy sa pagkakamustahan sa isa't-isa.
Anton, ikaw? Sabay ka na samin. Tara na.
"Wala nang nagawa si Anton kundi sumama dahil ipinulupot ni Lia ang braso nito sa kanya"
"Laging may reserbang pera si Amelia para kung sakaling hindi sya bigyan ng baon ng ina ay may mapapang bili sya ng pagkain nya"
So, you two are classmates when elem days? Nakangiting tanong ni Sheyn kay Amelia na parang nang-aasar.
Yes, and we're best friends. Kasi walang kaibigan nun si Amelia kasi hindi sya pala kaibigan sa ibang girls. Maarte daw. Natatawang sabi ni Anton.
Enough na nga kumain na tayo. Naiiritang sabi ni Amelia.
Amelia, what happen? I mean A-ano nangyare sa braso mo? Bakit ang daming pasa? Sunod-sunod nitong tanong.
A-ahhh wala lang yan Anton. Wag mo nang pansinin yan kumain ka nalang. Nagmamadale nitong pag-iiba ng topic.
Don't tell me hindi ka pa tinitigilan ni tita Yna?... salubong nitong kilay na sabi.
Wait, what? What do you mean di pa tinitigilan? So since magkakilala kayo sinasaktan ka na ni tita Yna? Pero bakit hindi ko napapansin na may mga pasa ka? Nakasalubong nakilay ding sabi ni Sheyn.
Okay fine, hindi mo napapansin tong mga to Sheyn kasi nilalagyan ko nang Bb cream or kung ano mang makakapag pantay ng kulay nang balat ko na hindi mahahalatang may pasa. Oo inaamin ko sinasaktan parin ako ni mama, pero wag nyo na kong intindihin okay lang ako. Nakangiti nitong sabi.