"Nang makalabas ng kwarto si Amelia ay agad itong ipinahatid ni Margaret sa driver."
"Nang dumating si Amelia sa kanilang bahay ay laking gulat nya ng makita ang isang maleta na punong-puno ng kanyang mga gamit at wala na ni isang gamit sa loob ng bahay. Nakalock na ang mga pinto. Ngunit may isang bukas na bintana sapat lang para masilip nya ang loob ng bahay. At may nakaipit ditong papel na may nakasulat na."
Amelia,
Sorry kung maraming beses kitang nasaktan, ibinenta ko na ang bahay na ito. Kaya wala ka nang bahay na matutuluyan. Lumipad na ko papuntang America para puntahan ang mga kapatid ko doon, ito na siguro ang tamang panahon para malaman mo ang totoo, na......... hindi kita tunay na anak. Inampon lang kita para sa pera, sana mahanap mo na ang tunay mong mga magulang.-Antonio's POV-
Good evening ma! Bati ko kay mama na nanonood sa may sala at tsaka ko sya hinalikan sa pisngi.
Good evening son, kumain ka na ba? Tanong nito sa anak.
Ma? Si Amelia? Asaan? Nagmamadali nitong tanong.
Umuwi na sya kani-kanina lang.
Ma, bakit pinayagan mo? baka saktan ulit ni tita Yna yun..! Medyo napalakas na sagot nito sa ina. Kaya agad itong lumabas para sumakay sa kotse at puntahan ang bahay nila Amelia.
"Saktong pag-labas ko ay umuulan na. Maya-maya pa ay narating ko na ang bahay nila Amelia, ngunit wala ito ni isang ilaw man lang. pero may isang babaeng naka upo sa may gilid na may nakapatong na karton sa ulo ang umagaw sa kanyang pansin."
A-a-Amelia!! Putol-putol nitong sigaw, habang papalapit kay Amelia na medyo basa na.
Anton! Sigaw nito habang basang tumkbo at niyakap si Anton.
Anong nangyare sayo? Bakit nasa labas ka? Sunod-sunod nitong tanong habang kinukuha ang gamit ni Amelia at sinasakay sa kotse.
"Nagulat na lamang si Anton ng bigla syang tawagin nito."
Anton! Huling sabi ni Amelia bago ito tuluyang mawalan ng malay.
"Agad namang binuhat ni Anton si Amelia at dinala sa pinaka-malapit na ospital."
"Maya-maya pa ay lumabas ang doctor at sinabing pwede na syang ilipat sa private room. Nang mailipat na si Amelia sa private room ay agad nang tinawagan ni Anton ang kanyang mga magulang at si Sheyn na agad namang pumunta sa ospital."
What happen? Is she okay na ba? Magka-sunod na tanong ni Margaret, pagka pasok ng pinto.
Yes ma, she's okay na daw. Sabi ng doctor kapag nagka-malay na daw si Amelia bukas pwede na daw syang umuwe.nakangiti nitong sabi.