-Amelia's POV-
"Late na akong nagising mga 10:30 na. Laking gulat ko naman sa pag-dilat ko ay nakita ko ang naka-busangot na muka ni Anton."
Buti naman nagising ka na. Buntong hininga nitong sabi.
Hmm? Sorry, di ako makatulog kagabi kaya bumaba ako sa lobby tapos nandun din pala si Sheyn kaya nag kwentuhan kami di ko na namalayang 1:30 na pala. Paliwanag ko habang nakatingin sa lamesang nasa gilid ko na may lamang pagkain ko ata.
Kumain ka na. Ipinag-luto kita uhmm, I mean kami ni mama. Tagal mo kasing gumising baka lumamig na yan. Sabi nito habang umupo sa tabi ko.
Sorry na. Tara saluhan mo ko. Sabi ko habang nakasandal sa kanya.
Kumain na ko pinakain na ko ni mama sa room nila. Tagal mo kasing gumising.
Sorry na....
Tatanggapin ko yang sorry mo pero kailangan bukas maaga kang magising pupunta tayo sa Taal lake... nakangiti nitong sabi.
Opo...
Anton? Malambing kong sabi habang naka-tingin lang sya sa bawat pag-subo ko.
Bakit?
Andami mong niluto, akala ko sasaluhan mo ako. Hindi ko kayang ubusin to. HAHAHA. Natatawa kong sabi.
Ano naman ngayon? Edi itira mo yung di mo mauubos. Nakangiti nitong sabi.
Pwede mo bang tawagin si Sheyn para may kasabay man lang akong kumain at umubos nito, if okay lang. or kung gusto mo ako nalang tatawag sa kanya. Malambing kong sabi habang nakangiti.
Sige na kumain ka na. Ako nalang ang tatawag sa kanya. Nakangiti nitong sabi.
"Maya-maya pa ay pumasok na si Anton kasama si Sheyn na bagong gising."
Sheyn kumain ka na. Sabayan mo ako. Nakangiti kong sabi na tinanguan lang nya.
"Nang matapos kaming kumain ay agad kong niligpit ang aming mga pinag-kainan."
Sheyn, nakatulog ka ba nang maayos? Tanong ko.
Oo napasarap pa nga. Nakangiti nitong sabi.
Ahh, muka nga.....
"Habang nag-uusap kami ni Sheyn at nakaupo sa kama, ay agad na lumapit samin si Anton at tumabi saakin."
Mamayang hapon pag-lamig dadalhin ko kayo sa isang lugar kung saan kita ang buong Taal Volcano at Taal lake. Nakangiti nitong sabi.
Okay here we go again. As usual third wheel nanaman ako HAHAHA. Tumatawang sabi ni Sheyn saamin.
Okay lang yan.... nakangiti kong sabi.
Okay sige ganto nalang, since hindi ko kayo naitreat ng maayos kagabi ititreat ko ulit kayo..sagot ko na dinner natin. Nakangiti nitong sabi.
Okayy!!
-Richard's POV-
"Ilalabas ko ba ang mag-ina ko mamaya o dito nalang kami? San kaya magandang lugar pa dito bukod sa Taal lake? Hmm."
Emilio, samahan mo ako. Sabi ko kay Lio habang palabas ako.
"Agad naman itong lumapit sakin leaving Emilia alone."
So ano iiwanan nyo ko? Nakataas ang kaliwang kilay na sabi ni Emilia.
Dyan lang kami sa lobby.... mahinahon kong sabi.
Sasama ako... sabi nito habang naglalakad palapit samin.
"Nang makarating kami sa lobby ay tumambay lang kami dun, syempre maraming mga nagpapa picture kasi wala naman kaming kasamang mga bodyguard na pwedeng umawat sa kanila."