Chapter 4

851 26 3
                                    

Bumalik ako sa iba dahil nakikita ko para ang seryoso na ng ginagawa nina Dante ag Faye ngayon. Habang papalit palit naman ng tingin si Angel sa kanila.

"Anong meron? Mukhang ang seryoso ng topic niyo ngayon." Napatingin sa akin si Faye para bang humihingi siya ng tulong sa akin. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nangyari.

"Tsk. Wala." Kinuha na ni Dante ang mga gamit niya bago umalis sa table nila.

"Totoo bang may gusto ka sa isang teacher, Faye?" Tanong ni Angel kay Faye. Oh My Gosh! Revelation na ito?! Nabuking na ba ang matagal tinatagong pagtingin ni Faye kay sir Martinez ngayon?

"W-Wala. Bakit naman ako magkakagusto sa isang teacher? Pinagbabawal ang magkaroon ng isang relasyon ang estudyante at guro." Tumingin naman sa akin si Faye at binigyan ko siya ng maniwala-look. Lokohin niya ang lelang niya. Alam ko ang bawat sikreto ng bruhang ito, no! I know she loves sir Martinez from head to toe.

"Sabagay, tama ka naman. Bawal nga talaga ang magkaroon ng isang relasyon ang estudyante at guro."

Napailing na lang ako dahil hindi talaga sinabi ni Faye ang tungkol doon kay Angel. Ako lang talaga ang pinagkatiwalaan niya.

Dahil malapit na gumabi ay sabay na kami ni Faye naglalakad pauwi sa bahay.

"Ibang klase ka, bes. Hindi inaasahan na tatanggihan mo ang tanong ni Angel sayo kanina."

"Ayaw ko naman kasi may makaalam maliban sayo." Sabi nito sa akin. Sabi na nga ako lang ang pinagkakatiwalaan ng bruhang ito.

"Siya ba ang dahilan kung bakit ang seryoso ng pinaguusapan niyo kanina bago umalis si Dante?" Tumango naman sa akin si Faye. Shocks! Bakit ganoon si Dante ngayon? Kung dati naman ay wala siyang interest kay Faye ah. "Grabe. Hindi ko alam interesado si Dante sa ganoong bagay. Mag-ingat ka sa kanya, bes."

"I know because he is a certified playboy."

"Korek. Expert na siya sa pangbobola niya sa mga babae."

"Hindi naman tatalab sa akin ang pangbobola niya at alam ko naman certified playboy siya sa campus. Ang lahat na babae mapa lower class o upper class ay kinikilig kapag dumadaan na siya. Kulang na lang pati mga teacher nating babae ay sumali na rin sa kabaliwan ng mga estudyante."

Kumurap ako sa aking narinig. Tama ba ang narinig ko? Lumabas sa bibig ni Faye salitang kabaliwan? Like I said kilala ko siya simulang mga bata pa lang kami at hindi niya magagawang magsabi ng kahit anong makakasakit sa kapwa. Ganoon kabait ang best friend ko. Opposite kasi kaming dalawa ni Faye, kung gaano siya kabait ay kabaliktaran ko naman. Mabait lang akong tao kung mabait rin sila sa mga taong malalapit sa akin kasama na doon si Faye.

"Kabaliwan?" Natatawang tanong ko. "Seryoso? Sinabi mo iyon?"

"You heard me right, bes. Hindi nga ako makapaniwala lalabas iyon sa bibig ko kanina."

"Pero tama ka naman. Mga baliw na sila sa lalaking iyon. Wala naman pangarap sa buhay."

Nagpaalam na ako kay Faye noong huminto na kami sa tapat ng bahay nila pero tulog pa rin ako sa paglalakad dahil nasa kabilang kanto pa ang bahay namin.

"I'm home!" Sigaw ko para alam ng mga magulang ko nandito na ako. Hinubad ko na ang sapatos ko at nilagay na sa schoe rack.

"You're here, Mich. I have to go dahil may emergency sa ospital ngayon. Tawagan mo na lang ako kung may nangyari ah."

"Okay po. Ingat po kayo palagi." Hinalikan ko si papa sa pisngi at lumabas na siya ng bahay nagmamadali.

Nakita ko si mama naglalakad palabas ng kusina. Mukha ngang kumakain na siya. Hindi man lang ako hinintay.

"Magpalit ka ng damit mo at samahan mo na rin ako kumain." Sabi ni mama sa akin.

Pagkatapos ko magpalit ng damit ay sinabayan ko na nga si mama sa hapag. Ang weird ng kinakain ni mama ngayon. Hindi ko maintindihan kung ano ang kinakain niya. Ganito ba talaga ang isang babae kapag buntis? Para tuloy ayaw ko na mabuntis kung ganito lang ang mangyayari sa akin.

"Bakit ginabi ka yata ng uwi ngayon?" Tanong ni mama sa akin.

"May transferee po kasi kami kanina kaya tinuruan siya ni Faye. At saka hindi rin naman po pwedeng iwanan sa school ang kaibigan ko."

Dahil nga mainit ang dugo ko kay Dante kaya hindi ko na siya sinama sa kwento ko. Bahala siya sa buhay niya.

"Talagang ang talino ni Faye. I'm sure her parents are really proud of her."

"Matalino rin naman, mama."

"Wala naman akong sinabing hindi ka matalino, Mich. Pero tamad ka nga lang magaral."

"At least hindi ko po hinahayaan ang pagaaral ko. I want to be like you and papa someday."

"You want to be nurse or doctor like us?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama. Very supportive talaga ni mama kahit kailan. But I'm so happy to have them as my parents.

"Yes po."

"That's good. Kapag nalaman iyan ng papa mo ay sigurado akong matutuwa iyon at pagkagraduate mo ng college ay hindi ka mahihirapan pumasok sa ospital. You can apply sa ospital kung saan kami nagtatrabaho ng papa mo."

"Ma, may 2 years pa po ako bago grumaduate ng high school at malayo layo pa iyan. I can't decide yet kung alin sa dalawa ang gusto ko."

Kung nurse lang ay 4 years lang ako magaaral plus board exam. Kung doctor naman ang kukunin ko additional 4 years ulit plus board exam at internship. My god! Ang hirap pala ng ganito.

Buti pa si Faye business ad ang kukunin niyang kurso kahit ang gusto niya talaga ay information technology. Siya kasi ang papalit kay tito sa kumpanya nila. Wala kasi sa mga kapatid niya ang may gusto. Si kuya Peter kasi isang successful computer engineer sa isang kilalang kumpanya sa Pilipinas. Si ate Kath naman ay isang nurse sa isang ospital.

But sadly, after graduation ay aalis na ng bansa si Faye dahil doon na siya sa US magaaral ng college. Hindi na kami magkasama sa college pero nangako naman siyang magbabakasyon dito kapag Summer break o Christmas break niya kahit busy ako sa studies ay magkakaroon pa rin ako ng oras para magkaroon ng bonding kay Faye. Ganoon kasi ang plano naming dalawa. Okay na ang handa dahil mamimiss namin ang isa't isa at ngayon pa lang kami magkakahiwalay.

~~~

Sinipag ako mag-UD ngayong araw kaya dalawang UD ngayon.

Adieu~♥︎

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon