Chapter 16

456 16 0
                                    

After a week, back to school na ulit. Ayaw ko pa nga pumasok ngayon pero kailangan. Gusto ko kasi alagaan ang kapatid ko at tulungan si mama.

"Bes, hindi mo na ako pinansin pagkatapos nangyari sa rooftop noong new year's eve."

"Umamin sa akin si Dante. Inamin niya sa akin ang lahat."

"So, bye bye na ba sa kuya niya at hello pag-ibig sa kababatang kapatid?"

"Baliw ka talaga. At may kasalanan ka sa akin. All these days, may alam ka pala na si Dante ang kasama ko noong pumunta ako sa anime event."

"Sorry." Nag-peace sign pa ako sa kanya. Hindi ko kasi sinabi kay Faye ang tungkol doon. "Hindi kasi ako tinitigilan ni Dante kaya sinabi ko sa kanya ang plano mo. Sa harap-harapan ko pa nga mismo siya bumili ng ticket para sa meet and greet kay Nathalie Abuel. My god, Faye. Nakikita kong seryoso si Dante sayo."

"Kung dati ay sobrang galit mo sa tao."

"Inaamin kong babaero si Dante pero mukhang sayo pa tinamaan ang dakilang babaero. Handang gawin ang lahat para lang maging masaya ka."

Sana ganoon rin ang gawin ni Louie sa akin kahit malabo mangyari ang bagay na yun. Sa panaginip pa siguro.

"Musta pala ang paguusap niyo ni mr. Martinez, bes?"

"Okay naman. As usual, rejected ako."

"Ouch. Bakit naman?"

"May isang dahilan pa kasi si mr. Martinez kaya siya pupunta ng Japan. Hindi ang trabahong inapplayan niya."

Magsasalita pa sana ako noong makita naming pumasok sa classroom si ms. Morales. Hindi siya yung teacher namin ngayon.

"Good morning, class."

"Good morning, ma'am." Sabay-sabay naming bati sa kanya pero lahat kami nagtataka dahil iba ang aura niya ngayon kumpara noon. Kakaiba ang aura niya ngayon.

"Nandito ako ngayon dahil may bago kayong kaklase." Sabi ni ms. Morales. Rinig ko ang bulungan ng mga kaklase kong babae.

"Sana lalaki."

"Sana gwapo."

Ang mga lalaki naman...

"Sana maganda."

"Sexy."

Inikot ko ang mga mata ko dahil ang lalandi at manyak ang mga kaklase ko. Sana pagaaral na muna ang inaatupag nila hindi sa ganyang bagay.

"Pasok ka na." Alok ni ms. Morales sa tao nasa labas. Napaubo ako ng makita ko kung sino. Sino bang Otaku ang hindi makakilala sa kanya?

"Hello, everyone. My name is Nathalie Abuel."

Tumingin ako kay Faye dahil nagpipigil siyang tumili. Fangirl mode ngayon ang best friend ko.

"Hindi ko inaasahang magiging kaklase natin si Nathalie. Isang normal na paaralan lang naman ito pero may celebrity tayong kaklase." Bulong ko.

"Nathalie, dito ka sa tabi ko. Bakante ito!" Tawag ni Faye sa kanya.

"Faye, nakaupo ako rito." Sabi ng kaklase ko.

"Lumipat ka ng upuan mo." Sabi ko naman.

Wala na rin magawa ang kaklase namin kaya lumipat na nga siya ng pwesto. At sobrang tuwa ni Faye dahil kaklase namin ang isang sikat na cosplayer sa bansa.

"We meet again, Faye." Sabi ni Nathalie.

"Oo nga, eh. At hindi ko inaasahan magiging kaklase kita ngayong pasukan."

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon