Louie's POV
Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay bumalik ako sa library dahil wala yung librarian noong pumunta ako kaninang lunch time para ibalik yung hiniram kong libro dati.
Pagkalabas ko sa gate ng school ay nakita ko parang ang lalim ng iniisip ni Dante ngayon. Iniisip siguro nito kung ano ang gagawin niya sa susunod para kay Faye. Mukhang tinamaan na itong kaibigan ko kay Faye ngayon.
"Ang lalim ng iniisip mo ngayon, Dante. May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman problema pero may gusto sana akong sabihin sayo." Sagot niya sa akin.
"Ano naman iyon?"
"Kung kinausap ka ni Mich ay pumayag ka kasi ayaw kong makitang malungkot si Faye. Alam mo naman kung gaano importante sa kanya si Mich."
Matagal ko ng napapansin na may gusto sa akin si Mich kaso dinededma ko lang dahil wala pa talaga sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon. Inaamin kong may gusto rin ako sa kanya pero pagaaral na muna ang inaatupag ko ngayon kasi gusto ko tumulong agad sa mga magulang ko.
"Ano na naman ang binabalak niya?" Binigyan ako ng kibit balikat ni Dante. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman magsasabi ng ganito si Dante kung wala lang yun. Pakiramdam ko may something. Hindi ko lang masabi. "Alam mo naman ayaw kong umasa si Mich."
"Oo pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay Faye na kausapin niya si Mich para sabihin na may alam kang may gusto siya sayo."
"Talagang tinamaan ka na kay Faye. Paalala ko lang sayo, Dante ayaw sayo ng kuya niya. Paano pa kung malaman ng pamilya ni Faye ang tungkol sayo? Isang babaero. Once a playboy is always a playboy."
Mukhang nasaktan si Dante sa sinabi ko. Wala tayong magagawa dahil ganito talaga akong tao.
"Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay nagkakagusto na ako kay Faye. At tungkol sa mga kapatid niya ay ako na ang bahalang kumausap sa kanila."
"Dante!" Pareho kami ni Dante napalingon noong may tumawag sa pangalan niya. "Mabuti't naabutan kita."
"Ano ang kailangan mo sa akin?"
"Pwede ba kitang makausap?"
"Okay. Ano ba ang gusto mong pagusapan natin?"
"Tungkol kay Faye." Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Matagal ko ng alam parehong babae ulit ang gusto ng magkapatid na ito. Obvious naman. "Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin si Faye dahil tinuring ko na siyang kapatid ko."
Kung kapatid lang pala ang tingin ni mr. Martinez kay Faye ay wala na pa lang problema doon dahil hindi na karibal ni Dante ang kapatid niya.
"Huwag na huwag mong papaiyakin si Faye dahil kapag nalaman kong umiyak siya ng dahil sayo ay uuwi ako ng Pilipinas."
"Naku, sir. Malalagot na muna sa akin si Dante." Singit ko sa kanilang dalawa.
"Mabuti pang bantayan mo itong kapatid ko, Louie."
"Makakaasa kayo sa akin, sir."
"Thank you." Umalis na sa harapan namin si mr. Martinez kaya nilingon ko na si Dante na ngayo'y nakatingin na sa akin.
"Ayos ah. Nakahanap ka ng kakampi. Ako itong kaibigan mo at hindi man lang ako suportahan sa gusto ko."
"Kilala kita, Dante."
"Oo na. Balik na tayo sa pinaguusapan natin kanina."
"Susubukan ko pero hindi ako mangangakong hindi ko siya i-reject kung may balak siyang magtapat sa akin."
Magtapat agad, Louie? Advance ka rin kung magisip.
"Thank you, pre."
Bumaba na si Dante sa station kung saan siya palagi bumaba dahil malayo pa ang bahay ko sa condo niya.
Pagkauwi ko sa bahay ay ang gugulo ng mga kapatid ko. Ako ang pinakamatanda sa amin magkakapatid at may lima akong kapatid na mas bata sa akin. Kaya nga ayaw ko rin pumupunta rito si Dante dahil sa mga kapatid ko pa lang ay magulo na tapos dadagdag pa siya.
Ang totoo niyan ay hindi ko nga kamukha ang mga kapatid ko kahit rin ang mga magulang ko. Pakiramdam ko ay inampon lang nila ako dahil wala akong kamukha kahit sino sa kanila.
"Kuya!" Sabay nilang lahat noong makita nila ako.
"Nasaan si mama?" Tanong ko sa kanila.
"Lumabas po para bumili ng makakain natin." Sagot ni Nash. Ang sumunod sa akin.
Ni minsan ay hindi ko magawang tanungin ang mga magulang ko kung ampon lang ba ako dahil ayaw ko silang masaktan. Mahal ko sila. Kahit hindi nila ako tunay na anak ay minahal naman nila ako at wala akong balak hanapin ang tunay kong mga magulang. Sila lang ang pamilya ko.
"Magbibihis lang si kuya ah." Sabi ko sa kanila.
Ang pamilya ko ay hindi kagaya ng pamilya ni Dante na mayaman. Mahirap lang kami kaya umaasa lang ako sa scholarship para makapag aral ng high school. Kahit marami akong naririnig na kasing lamig ako ng antarctica dahil sobrang lamig ko raw. Wala naman akong pakialam kung ano ang gusto nilang isipin tungkol sa akin. Bahala sila kung iyon ang gusto nilang isipin. Isa lang kasi ang nasa isip ko ngayon. Ang makagraduate sa high school. Hindi ko nga lang alam kung makakatuloy pa ba ako sa college dahil mas marami ang gastusin.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto at nakita kong abala sa pinanood ng tv ang mga kapatid ko.
"Kuya, nagugutom na po ako." Sabi ng bunso naming kapatid na si Lester. Hindi pa naman ako marunong magluto at ang sabi ni Nash kanina ay bumili ng makakain namin si mama.
"Hintayin na lang natin si mama. Bumili siya ng makakain natin." Sagot ko sa kapatid.
Higit isang oras na pero hindi pa rin bumabalik si mama kaya nagpasya akong puntahan siya sa malapit na tindahan.
"Dito lang kayo ah. Pupuntahan ko si mama." Sabi ko sa mga kapatid ko.
Pinuntahan ko na nga si mama at nakikita kong may kausap siyang kakilala siguro niya. Wala talaga nagbabago kay mama. Nakakalimutan na niyang umuwi agad kapag nagsimula na siyang makita ng kakilala niya sa daan.
"Mama..." Tawag ko kay mama.
"Oh. Nandito pala ang panganay ko." Sabi ni mama sa kaibigan niya. I don't know her dahil ngayon ko lang nakita ang kausap ni mama.
"Anak mo siya? Bakit parang hindi mo siya kamukha?" Takang tanong ng kausap ni mama.
Tumingin ako kay mama dahil kahit ako ay hinihintay ang magiging sagot niya. Kahit ba may chance na ampon lang nila ako.
"Sige, uwi na kami. Baka kasi gutom na ang iba ko pang anak." Sagot ni mama. Iniiwasan niyang sagutin yung kausap niya kanina.
Habang naglalakad kami ay napansin kong huminto sa paglalakad si mama kaya lumingon ako sa kanya.
"Louie, may gusto akong sabihin sayo."
"Kung tungkol po iyan sa pagiging ampon ko..."
"Paano mo–" Laking gulat ni mama. Siguro hindi niya inaasahan may ideya na ako.
"Wala niisa sa inyo ni papa ang kamukha ko. Kahit rin sa mga kapatid ko. Kaya nagkaroon na ako ng ideya na ampon niyo lang ako pero ni minsan ay hindi ako nagtanong sa inyo."
"Ibig sabihin ba..." Mabilis akong umiling kay mama.
"Wala po akong balak hanapin ang tunay kong mga magulang. Kahit hindi ako sa inyo galing at hindi ko tunay na kapatid ang mga kapatid ko ay kayo ang pamilya ko." Niyakap ako ni mama. "Uwi na po muna tayo, mama. Nagugutom na daw si Lester."
"Talaga ang batang iyon." Natatawang sagot ni mama.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...