Chapter 27

420 13 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin sa lahat na subject ay lumabas na ako sa classroom. Alam ko namang busy si Faye ngayon mukhang kakain pa yata sila Dante.

Habang naglalakad pauwi sa bahay.

"Mich!" Huminto ako para lumingon sa tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko ng makitang lumalapit sa direksyon ko si Louie.

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa nangyari noon. Hindi ko sinasadyang saktan ka noong umamin ka sa akin." Napansin kong may inaabot siyang flower sa akin. Kumunot ang noo ko. Ano ito? Peace offering? "Sana tanggapin mo itong flower pero ayaw ko namang umasa ka dahil rito. Ayaw ko rin masira ang pagkakaibigan nating dalawa. Sana kaibigan na muna tayo."

"Fine." Tinanggap ko na yung flower na binigay niya. Minsan lang magbigay ng flower si Louie. "Alam ko naman hanggang friends lang ang tingin mo sa akin. Matagal ko ng tanggap yun, Louie. Malay mo balang araw ay makakahanap rin ako ng lalaki para sa akin."

Tumango ito sa akin.

"Sorry talaga."

"Kalimutan na lang natin kung ano nangyari noon. Okay na tayo at tanggap ko na talaga kung ano ako sa buhay mo." Mapait akong ngumiti sa kanya. Akala ko okay lang siya. Friendzoned ako! "Kailangan ko ng umuwi. Salamat rito sa flower mo."

Tiningnan ko na muna ang flower na binigay ni Louie sa akin bago tumuloy sa paglalakad. Kilala ko si Louie dahil hindi siya magbibigay ng bulaklak kahit sa araw ng mga puso. May pakiramdam ako na may kinakalaman si Faye kung bakit kailangan gawin ni Louie ito ngayon. Kahit friendzoned ako ay kinilig pa rin ako. First time pa lang ako binigyan ng flower ng crush ko. Kahit nireject ako ni Louie ay siya pa rin ang first crush ko.

Noong may nakita akong basurahan ay tinapon ko yung flower na binigay niya. Kahit siya pa ang first crush ko ay ano ang gagawin ko sa bulaklak? Gusto ko rin talaga makalimutan ang sakit.

"Nandito na po ako." Pumanhik na ako sa taas pero napansin kong aalis ang mga magulang ko ngayon. Taun-taon sila may date kapag Valentine's day.

Minsan pa nga naiinggit ako sa mga magulang ko kahit may edad na ay ang sweet pa rin nila. Hindi nila iniisip kahit nasa harapan sila ng anak nila ay lalambingan. Para bang sinasadya nilang inggitib ako.

"Ikaw na muna sa baby brother mo ah." Bilin ni papa sa akin na kinatango ko.

"Tawagan mo na lang kami kung may emergency nangyari." Sabi naman ni mama.

"Wala pong mangyayaring masama. Aalagaan ko ng maigi si Milo basta magiingat po kayo sa pupuntahan niyo at enjoy." Sabi ko sa kanila.

Kumaway na ako noong umalis na ang mga magulang ko. Pumunta na muna ako sa nursery room para puntahan si Milo.

"Hello, Milo." Kinuha ko ang kapatid ko sa crib. "Mukhang tayong dalawa ang magdedate ngayon ah. Si ate na muna ang magiging kadate mo ngayon habang wala sila mama."

Ang lungkot dahil baby brother ko pa tuloy ang kadate ko ngayong Valentine's day. Yung hindi pa marunong magsalita. Wala pa kasing 1 year old si Milo. 7 months old pa lang ang kapatid ko.

"Magpapalit lang muna si ate ng damit kaya dito ka na muna sa crib mo. Be a good boy, Milo." Binalik ko sa crib si Milo at hinalikab ko siya sa pisngi bago ako pumunta sa kwarto ko.

Pabalik na sana ako sa nursery room noong may naririnig akong boses sa labas mg bahay namin. Familiar siya sa akin pero hindi ko masabi kung kanino yung boses na yun. Bumaba na muna ako para alamin kung kaninong boses iyon pero laking gulat ko ng makita si Louie.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Saan yung mga magulang mo?" Tanong niya rin sa akin. Gawain ng matinong tao iyan.

"May date sila ngayon kaya kami lang ni Milo ang magkasama."

Kumunot ang noo nito pero nawala rin kaagad.

"Sinong Milo?"

"My little brother? Huwag mong sabihin sa akin hindi mo pa alam ang tungkol sa kapatid ko? Palagi namin pinaguusapang apat ang tungkol kay Milo."

"Abala kasi ako sa binabasa kong libro kaya hindi ako nakikinig kung ano man ang pinaguusapan niyo."

"Okay? Ano ba ang ginagawa mo rito?"

"Nakita ko kasing tinapon mo lang yung bulaklak na binigay ko sayo kanina. Do you really hate me that much?" Namilog ang mga mata ko dahil nakita pala niya yun.

"Gusto mo ba malaman ang totoo? Sobrang nasaktan ako noong nireject mo ko kahit alam kong ganito ang mangyayari kapag umamin ako sayo pero tinuloy ko pa rin ang kalokohan ko. Ilang araw kita hindi kinikibo dahil hindi ko alam kung paano ako haharap sayo. Masyadong awkward pagkatapos nangyari noon. Tapos noong school festival. Kung para sayo ay wala lang yung ginawa mong pagnakaw ng halik sa akin. Pwes, para sa akin ay big deal yun, Louie. First kiss ko yun. Na dapat sa lalaking mamahalin ko ibibigay ang first kiss ko."

"Alam ko naman ako ang gusto mong first kiss."

Ang kapal rin ng mukha nito kahit sabihin natin tama siya.

"Inaamin kong tama ka. Gusto ko nga ikaw ang maging first kiss ko pero simulang nireject mo ko ay hindi na ako umaasa."

"Pero kinuha ko rin naman yung first–" Hindi ko tinapos ang gusto niyang sabihin noong sumingit ako.

"Alam mo bang naiinis ako sa ginawa mo? Tanggap ko ang pagreject mo sa akin pero yung pagnakaw mo ng halik. Naiinis ako sayo pero gumagawa ka pa talaga ng dahilan para mas magalit ako sayo."

"I'm sorry..."

"Ano ba magagawa ng sorry mo ah? Maibabalik ba noon ang ginawa mo sa akin? Hindi mo na maibabalik yun, Louie. Kaya sabi ko nga kalimutan na lang natin yun." Nilalabanan ko ang pagbagsak ng luha ko dahil sobrang nasasaktan ako.

"May gusto akong sabihin sayo na hindi ko masabi kay Dante."

Kumunot ang noo ko. Bakit hindi niya masabi kay Dante? Eh, si Dante ang best friend niya.

"Ano yun?"

"About my family. Napapaisip na akong iba ako sa kanila dahil wala sa kanila na kamukha ko kaya pwedeng ampon lang ako hanggang sa inamin sa akin ni mama na inampon lang nila ako. Kaya gusto kong bayaran ang lahat na paghihirap nila para sa akin kahit kapos kami palagi sa pera. Gumagawa ako ng paraan para makapag tapos lang ako sa pagaaral ko. Todo ako sa pagaaral dahil ayaw ko sila madisappoint sa akin. Sa akin rin umaasa ang mga kapatid ko."

Yung inis ko kanina ay napalitan ng awa noong makilala ko ang pagkatao ni Louie.

"Ano ang plano mo? May balak ka bang hanapin ang tunay mong mga magulang?"

"Wala akong balak. Kahit kung ano ang dahilan nila kung bakit nila ako pinamigay noon. Ang gusto ko lang gawin ay tulungan ang mga nagalaga sa akin."

"Ano ang plano mo pagkagraduate natin ng high school?"

"Hindi ko pa alam. Siguro maghahanap na lang muna ako ng trabaho para makatulong sa pamilya ko."

"Sayang kung hindi mo itutuloy ang pagaaral mo."

"Wala na kami masyadong pera para ipagpatuloy ko pa ang college. Masyadong mahal na ang gastusin. Ang importante ay makapag tapos ang mga kapatid ko."

Napangiti ako ng palihim dahil mas iniisip niya ang kinabukasan ng mga kapatid niya kaysa sa kanya. May tinatagong sweet itong si Louie.

"Matalino ka namang tao, Louie. Bakit hindi ka na lang kumuha ng scholarship? Siguro namang makakuha ka dahil hindi bumaba ng line of 9 ang grades mo."

"Susubukan ko."

"Huwag mong subukan, gawin mo. Isipin mo gagawin mo ito para sa mga kapatid mo. Kapag tapos ka sa pagaaral ay may magandang trabaho ka tapos matutulungan mo rin ang mga magulang mo sa lahat."

Teka nga. Ikaw ba talaga iyan, Mich? Makapag salita ka akala mo pa naman ang sipag mo magaral ah.

Wala akong tyagang magaral unlike Faye. Magbasa nga ng mga lessons namin hindi ko magawa kaya natutuwa ako kapag pasok ako sa top 10. Minsan lang yun.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon