3 years later...
Wow! Hindi ko inaasahan tatlong taon na ang lumipas dahil siguro sobrang busy sa pagaaral. Noong isang araw nga ay nakatanggap ako ng invitation galing kay kuya Peter. Gulat nga ako dahil ikakasal na si kuya Peter at sa minamamahal naming class adviser noong high school. Wala akong ideya naging sila.
Pero ngayon ay naniniwala na ako pwedeng maging matchmaker si Faye dahil siya ang dahilan kaya nagkatuluyan sina kuya Peter at ms. Morales.
Speaking of Faye, tawagan ko nga siya mamaya para alamin kung makakadalo ba siya sa kasal this Saturday kahit may chance na magkita sila ni Dante pero dalawang taon na nawawala ngayon. Hindi namin alam kung saan siya ngayon kahit nga rin si Louie ay walang ideya kung saan ang kaibigan niya.
Gabi na noong tinawagan ko si Faye lalo na bakasyon siya ngayon. Kahit nangako siya sa akin na uuwi siya dito kapag bakasyon niya pero ni minsan ay hindi siya umuwi. Naiintindihan ko naman iyon.
"Bes! Miss na kita!"
"Makasigaw ka naman wagas. Nakakaisturbo ka ng kapit bahay dito."
"Sorry na. Miss lang kasi kita. Anyway, makakadalo ka ba sa kasal ni kuya Peter mo at ang ating class adviser na si ms. Rian Morales?"
"Yup, bukas ng hapon ang flight ko." Kumurap ako habang sinusundan ng tingin kung saan pumupunta si Faye. Nahihilo na nga ako dahil ang likot niya.
"Talaga? Hanggang kailan ka naman dito?"
"Nirequest ni mama na diyan na muna ako hanggang birthday ko. Gusto lang niyang makasama ako."
"Oh, malapit na nga pala birthday mo." Tumingin si Faye sa akin dahil siguro nawala sa isipan ko malapit na ang birthday niya pero huwag kayo taun-taon ko siya binabati. "Hindi mo ba isasama your truely Fil-Am friend? Ano nga ulit pangalan ni pogi?"
"Lance. Hindi ko siya isasama dahil marami siyang ginagawa sa kanila at baka ma-OP lang siya diyan. Wala namang kilala si Lance sa Pilipinas."
"Alam ko ang tungkol sa no boyfriend policy ni tito pero pagtapos niyo ba ng college ay wala bang chance si Lance?"
"Wala akong balak pumasok sa isang relasyon, Mich. Stress lang yan."
"Aw, akin na lang."
Hindi naman sa nagmamadali ako na magkaroon ng boyfriend pero noong may balak mang ligaw sa akin ay biglang na lang nagbabago ang isip sa hindi ko maintindihan. Kaya ngayon kapag may gwapo ay aagawin ko. Joke.
"Sure, Mich. Ibibigay ko naman sayo ng buo si Lance pagtapos namin sa pagaaral. Ayaw ko lang muna isturbuhin ang pagaaral niya." Sagot ni Faye sa akin.
"Maiba tayo, handa ka na ba makita siya ulit?" Napansin kong huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.
"Wala na akong pakialam sa kanya. Kahit lahat na babaeng landiin niya ay wala na akong pakialam. Tatlong taon na rin kaya move on na ako."
Wala siyang pakialam sa palagay na iyan ah.
"Okay. May babalita sana ako sayo tungkol sa kanya pero sabi mo nga sa amin noon ay ayaw mo na marinig na kahit anong balita tungkol sa lalaking iyon."
"Nakikita mo pa rin ba siya?" Sabi na nga hindi kaya ni Faye ang magtanong tungkol kay Dante.
"Hindi na. Ang pagkaalam ko isang taon lang siya rito sa Pilipinas tapos umalis na ng bansa. Hindi ko nga lang alam kung saan pumunta kahit si Louie ay walang alam. Ewan ko lang kung makakadalo siya sa kasal nina kuya Peter at ms. Morales."
Pagkatapos kong kausapin si Faye at tinawagan ko ang mga kaibigan namin. Busy na kasi kaming lahat kaya bihira na lang kami magkita kita.
"Napatawag ka, Mich." Ani Angel.
"Nakausap ko kanina si Faye at uuwi siya rito."
"Talaga? Sobrang miss ko na si Faye." Sabi ni Nathalie.
"Kailan siya babalik?" Tanong ni Angel.
"Ang sabi niya kanina ay bukas ng hapon ang flight niya."
"Yay!" Sabay nilang dalawa. Parang bata lang. Saglit lang kasi kami nakakausap ni Faye dahil palagi siya maagang nago-offline kahit ba bakasyon na niya.
"Hanggang kailan siya rito?" Biglang tanong ni Shawn. Online rin pala siya. Akala ko yung dalawa lang.
"Sabi niya dito rin siya magce-celebrate ng birthday niya."
Tinitingnan ko kung online rin ba si Louie pero hindi. Offline siya ngayon o baka busy siya sa pagaaral niya. Sabagay bihira lang naman iyon magbukas ng social media niya dahil puro libro ang palagi niyang hawak at ang sabi niya sa akin noon kapag nasa condo lang siya ni Dante bumubukas ng facebook niya.
"Mauuna na ako sa inyo ah. Maaga pa kasi ang pasok ko bukas tapos may date pa kami ni Eren pagkatapos ng klase namin." Paalam ni Nathalie.
"Sige, ikaw na ang may boyfriend!" Natatawang sambit ko.
"Marami naman diyan, Mich. Hindi ba type mo yung kaibigan ni Faye?"
"Yeah, gwapo kasi niya tapos Fil-Am pa."
"Bakit hindi mo i-add sa facebook? Sigurado naman ako meron siyang account."
"Hiya ako. At sigurado akong hindi niya ako kilala para i-accept kapag inadd ko siya."
"Ha ha! Online si Louie kanina. Hindi ko alam kung bakit siya hindi nagsalita." Kumurap ako sa sinabi ni Shawn. Online si Louie?
"Selos yata?"
"Baliw ka talaga, Gel. Bakit naman magseselos iyon? Wala nga sa plano noon magkaroon ng girlfriend kapag hindi pa siya tapos sa pagaaral."
"Baka siya rin ang may dahilan kung bakit umuurong yung mang liligaw mo noon. Hindi ba malapit lang ang school ni Louie sa school mo?"
Malapit nga ang school ni Louie sa pinapasukan ko pero ni minsan ay hindi ko binabanggit sa kanya may gustong mang ligaw sa akin. Para saan pa?
"Imposible."
"Walang imposible, Mich. Kung nago-online siya tapos hindi natin napapansin. Baka naririnig niya ang pinag uusapn natin kaya nalaman niyang may nang liligaw sayo."
"Sang-ayon ako sa sinabi ni Angel." Sabi ni Shawn.
"Baka nga nagseselos iyon kaya kinausap ang guy para huwag na niya ituloy ang pang liligaw sayo."
"Aalamin ko na muna kung may kinalaman nga rito si Louie. Ayaw ko kasing umasa sa wala."
Hanggang ngayon pa rin kasi ay may nararamdaman pa ako sa kanya pero gusto ko ng nakalimutan.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Literatura FemininaSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...