Chapter 51

396 16 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa sinabing store ni Shawn na bilihan daw ng espasol. Kaya itong si Faye ay parang bata kung maglaway sa espasol. Baka yung magiging anak nila ay magmukhang espasol dahil sobrang puti ah. Diyan pa naman naglilihi ang kaibigan ko.

Pumasok na rin kami sa function room at halatang busy si Nathalie sa autograph at picture sa kanya sa mga fans nito pero mukhang napansin niya kaming lahat kaya nagpaalam na muna siya sa mga staffs.

"Nandito na pala kayo." Nakangiting sabi niya sa amin at lumapit sa kanya si Eren.

"Mukhang pagod ka ngayon." May pagaalala sa boses ni Eren.

"Okay lang ako. Malapit na rin matapos ito kaya makakauwi na rin tayo."

Lumabi ako dahil sobrang sweet ni Eren kay Nathalie. Ako kaya? Kailan ako makakahanap ng gaya ni Eren? Pero ayaw ko yung bad boy at mas lalong ayaw ko ng nerd. Kung nerd kasi ipagpapalit lang ako sa libro. Okay na sa akin yung mabait at siyempre rerespetuhin ako bilang babae.

"Guys." Tumingin kaming lahat noong lumapit sa amin si Dante. "Labas lang kami ni Faye. Gusto kasi niya kumain ng espasol."

"Ano ba yan. Kakain lang natin kanina, gutom na naman." Sabi ko.

"Ano ka ba, Mich. Buntis si Faye." Sabi ni Nathalie at binaling niya ang tingin kay Dante. "Sige, patapos na rin ito kaya lalabas na rin kami maya-maya."

"Okay. Salamat." Bumalik na si Dante kay Faye na naghihintay sa kanya.

Pinakilala kami ni Nathalie sa ibang staff. Ang babait nilang lahat. Pagkatapos ng meet and greet ni Nathalie ay lumabas na kami sa function room pero nakita kong nakabihis na ang dalawa.

"Oh, nakabihis na kayo. Ang paalam ni Dante ay lalabas lang kayo para makakain ka ng espasol tapos ngayon nagpalit na kayo ng damit." Lumabi sa akin si Faye. Tama daw bang awayin ang buntis.

"Mich, ayos lang. Tapos na rin naman ang event." Sabi ni Nathalie.

"Sige na nga. Paglalampasin ko ang nangyari dahil buntis ka, bes." Tumingin naman ako sa iba. "Magpalit na rin tayo ng damit dahil gusto ko na rin umuwi at magaaral pa ako bukas para sa board exam ko."

"Malapit na nga pala ang board exam. Good luck, Mich." Sabi ni Angel.

"Dapat bago ako manganak ikaw ang magiging nurse ko ah."

"Wala naman akong balak maging private nurse mo, bes pero hindi naman ako kaagad magiging doctor."

Nakausap ko na sila papa na magaaral ulit ako para maging doctor na ako pero habang nagaaral ako ay nagtatrabaho rin para makatulong sa kanila. Mahirap itong gagawin ko.

"Hindi ka pa ba magpapalit, Mich?" Tanong ni Louie.

"Heto na. Sasabay na ako kila Angel at Nath."

Habang nasa CR kami ay wala masyadong tao rito. As in kaming tatlo lang.

"Mich." Nilingon ko si Angel noong tanungin niya ako. "Kung wala bang girlfriend si Louie ay may pagasa ba siya sayo?"

"Wala. Ayaw ko na sa nerd. Baka ipagpalit pa ako sa libro."

"Ano ba ang gusto mo sa isang guy?" Tanong ni Nathalie.

"Okay na sa akin ang mabait at yung rerespetuhin ako bilang babae."

"Yung Fil-Am friend ni Faye pero hindi ko pa siya nakilala ah." Sabi nito sa akin.

"Si Lance? Kahit rin naman ako ay hindi ko pa siya nakilala."

May naging kaibigan kasi si Faye sa US nangangalang Lance Soriano. Fil-Am siya at pinakita rin niya sa amin ang picture nito. Ang gwapo, matangkad, moreno. Saan ka pa? Walang babae ang hindi mapapalingon kapag nakita si Lance.

"O kaya naman yung kaklase ni Eren." Ani Angel habang nagpapalit na ito.

"Si Jayden? Kaibigan ko lang siya." Sagot ko habang inaalis ang make-up sa mukha ko.

Siguro nga mabait si Jayden pero hindi siya yung tipo kong lalaki talaga. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at saka minsan lang kami magkita noon dahil busy kami sa kanya-kanyang buhay.

"Si Shawn?"

"Baliw ka, Nath. Akin si Shawn."

"Joke lang. Pero sagutin mo na kasi si Shawn."

"Oo nga. Ilang taon na siya nang liligaw sayo pero kung ayaw mo pa siyang sagutin ay ako na lang ang sasagot para sayo." Natatawang sabi ko. Pero siyempre, joke ko lang iyon.

"Mga baliw. Pero may balak naman akong sagutin siya kaya lang hindi ko alam kung kailan."

"How about mamaya o bukas?" Ani Nathalie.

"Pero pinakilala ka na ba ni Shawn sa mga magulang niya?"

"Yeah, dinala niya ako sa kanila tapos doon ko nakilala ang mama niya."

"Puro orchid ba yung bahay nila?" Tanong ko. Naalala ko kasi ang sabi niya sa amin dati ay may halamang orchid sila.

"Meron. Hindi lang orchid ang nandoon. Meron ring iba't ibang klase ng bulaklak."

"Bakit gusto mong malaman kung meron ba silang orchid, Mich?"

Nagkibit balikat ako kay Nathalie.

"Naalala ko lang yung sinabi ni Shawn na may alaga silang orchid. Tara na nga. Baka naghihintay na yung mga boys sa atin."

Paglabas namin ay naghihintay na nga yung mga kalalakihan sa amin.

"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Eren sa amin.

"Sorry, babe. Nagkatuwaan pa kasi kami sa loob." Sagot ni Nathalie.

"Baka mainip na sila Dante sa atin." Sabi ni Shawn.

"Hmph. Hayaan mo na sila mainip. Kasalanan nila na naunang magpalit ng damit." Sagot ko naman.

Pagbalik namin kung saan namin iniwanan ang dalawa ay napansin kong may kausap sila pero umalis na rin kaagad yung kausap nila.

Niyaya ako nila Faye na sumabay sa kanila pero tumanggi ako. Eh, sa ayaw ko maging third wheel sa kanila ni Dante. Ako ang kawawa dahil maiinggit lang ako sa sweetness ng dalawa kaso may nagpabida na naman. Sino pa nga ba? Eh di si Louie. Psh.

"Guys, dito na lang ako. May kailangan pa kasi akong bilihin para kay Milo." Sabi ko. Ayaw ko kasi makasama si Louie ng isang sekundo. Nasasaktan ako kapag kasama ko siya.

Humiwalay na rin naman ako sa iba at nandito na rin ako. Bibilihan ko na lang si Milo ng pasalubong. Malakas sa akin ang batang iyon, eh. Spoiled sa akin si Milo.

"Iniiwasan mo ba ako?" Nagulat ako noong may biglang nagsalita sa likuran ko. Aatakihin ako sa puso nito.

"Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ka sumama sa dalawa." Imbes na sagutin ko siya ay tinanong ko rin. Ayaw ko siyang sagutin.

"Kanina ko pa kasi napapansin na hindi mo ko kinakausap."

"Bakit? Ano ba dapat ang pagusapan natin ah? Wala naman."

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon