4 years later...
Noong malalaman na yung resulta sa board exam ay kinakabahan ako pero laking gulat ko ay pasok ako sa top 20. Sobrang saya ko. Pasado ako sa board exam. Pagkatapos malaman ang resulta ay si papa pa mismo ang nagyaya sa amin kumain sa labas para magcelebrate.
Nakabalik na rin si Faye galing US dahil tapos na siya kumuha ng masteral degree niya. Walang duda na hindi siya makakapasado. Noong bata pa kami ay mahilig na siya magbasa ng mga libro pero may oras pa rin siya makipag laro sa akin. Matalino si Faye kaya nga siya ang naging valedictorian namin noong high school. Isang beses lang naman siya natalo ni Dante sa final grades pero noong 4th year na kami ay palagi na pasok si Dante sa top 10. Inspired ang loko. Ang sabi pa sa amin ni Faye noon ay si Dante ang mataas na average noong college kaya siya ang cum laude. At siyempre umuwi rin ang kaibigan ko para sa anak nila. Apat na taon nauulila sa ina si Dale.
"Mich, excited ka na ba?" Tanong ni Nathalie sa akin. Nandito kami ngayon sa cafe shop malapit sa ospital kung saan ako nagtatrabaho.
Kasal na sina Nathalie at Eren 4 years ago bago pa umalis si Faye ng bansa at meron na silang anak. Pangalan ng anak nila ay Melody at sobrang close nga sila ni Dale. Si Angel naman ay bumalik sa Japan para doon magtrabaho pero sumunod si Shawn doon. Ang sweet nga, eh. At nagpasya magpakasal sa Japan.
Wala naman nagbago sa akin maliban siguro na ganap na akong doctor ngayon. This time ay pasok ako sa top 10. Inspired ang lola niyo.
"Excited saan?"
"Excited magpakasal siguro. Siyempre, sa paguwi ni Louie." Sarap batukan nito. Kung hindi lang niya kasama si Melody ay binatukan ko na si Nathalie.
"Siyempre. Apat na taon ko ng hindi nakakausap si Louie."
Hindi porket hindi ko kinakausap ulit si Louie ay galit ako sa kanya. Yung huling usap namin ay sinabi niya sa akin na focus na muna ako sa pagaaral ko dahil ayaw niya maging sagabal sa akin. Ginawa ko siyang inspiration ko.
"Masaya na siya makikita ulit ang suitor niya."
"Hindi pa siya nagsisimulang mang ligaw sa akin. Loko ka talaga. Hindi porket ako na lang ang single sa atin."
"Ang gawin mo pagkakita kay Louie ay yakapin at halikan." Sabi ni Angel sa video call. Isa pa itong loka-loka.
"Baliw ka. Bakit ko naman iyon gagawin? Parang pinapalabas niyong sobrang miss ko na si Louie."
"Hindi ba?" Sabay nilang dalawa.
"Slight."
"Slight lang ba?" Rinig ko ang boses ni Shawn sa video call. Isa rin itong lakas basag trip.
"Love, behave ka lang diyan."
"Okay po."
"Wala ka pala sa asawa mo, Shawn." Natatawang sabi ko na kinatawa rin ni Nathalie.
"Takot sa asawa." Sabi nito.
"Wala pa ba sa plano niyo ang magkaroon ng anak?" Tanong ko sa kanila.
"Masyado kasing busy si Shawn sa trabaho niya at minsan ay hindi ko na nga alam kung anong oras na umuuwi tapos pag gising sa umaga ay maaga rin pumapasok. Weekend ko na lang siya nakikita."
"Sorry, love. Kilala mo naman ang papa mo na masyadong perfectionist at bawal magkamali. Pero promise babawi ako sayo. Hindi ko nga lang alam kung kailan."
"Masyado ring busy si Faye lalo na apat na taon siya napahiwalay kay Dale." Sabi ni Nathalie.
"Nakauwi na si Faye?" Tanong ni Angel.
"Yup. Noong isang araw pa umuwi si Faye. Si Dale pa nga nagsabi sa amin na malapit na daw niya makikita ang mommy niya." Sagot ko.
"Nauna pa ang honeymoon kaysa ang kasal noong dalawa." Natatawang sambit ni Shawn kaya pinalo siya ni Angel sa braso.
"Aish... Shawn, may bata kaming kasama rito." Sabi ni Nathalie.
"Ayos lang yan. Hindi pa naman maiintindihan ni Mel ang pinagsasabi ko."
Ang anak nina Faye at Nathalie na sina Dale at Melody ay inaanak namin ni Angel. Noong bininyagan nga si Dale ay si Dante lang ang nagasikaso dahil hindi makakauwi si Faye.
"Guys, kailangan ko ng bumalik sa trabaho ngayon." Sabi ko sa kanila.
Mamayang gabi pa naman ang dating ni Louie kaya pagkatapos ng shift ko ay kakausapin ko si papa kung pwede ba hatid niya ako sa airport. Ayaw ko kasi gumastos ng pamasahe.
"Ako rin. Antok na ang batang ito, oh." Sabi ni Nathalie. Nakatulog na kasi si Melody sa kanya. Buti pa ang bata ay ang sarap ng tulog habang ako wala pang tulog simula pa noong isang araw. Mamaya rin kasi matatapos ang shift ko kaya puro kape na lang para hindi antukin sa trabaho. Tapos mamaya rin ang balik ni Louie kaya nagpasya ako na huwag na muna umuwi sa bahay. Miss ko na ang nerd na iyon.
Pagkatapos ng shift ko ay nakita ko na si papa patapos na rin sa shift niya kaya lumapit ako sa kanya.
"Pa, pwede niyo po ba ako hatid sa airport?"
"Bakit? Ngayon na ba ang balik ni Louie?"
"Opo."
"Hindi ka ba magpapahinga na muna?" Mabilis ako umiling kay papa. Alam ni papa na wala pa akong pahinga dahil sunod-sunod ang shift. Dapat kahapon pa ako uuwi pero kinausap ako ni papa na huwag na muna umuwi dahil may isang doctor na hindi nakakapasok. Ewan ko ba kung bakit pinagkatiwalaan ako ni papa sa mga mabibigat na trabaho. Sa totoo lang ay dapat trainee pa lang ako. Baguhan pa lang ako sa ganitong bagay.
"Mamaya na lang po. Gusto ko na muna makita si Louie. Alam niyo namang kung gaano ko namiss si Louie ngayon. Apat na taon ko siya hindi nakausap."
"Okay. Hintayin mo na lang ako sa lobby. Tatapusin ko lang yung last round ko sa pasyente."
Pagkarating namin ni papa sa airport ay tinanong ko doon sa babae kung nakarating na ang eroplano galing Paris. Ang sabi ay nakarating na raw.
Excited na ako makita siya.
Naghintay lang ako hanggang sa makita ko na siya pero ang laki ng pinagbago ni Louie. Si Louie ba ito? Medyo lumaki ang pangangatawan nito. Lumapit na ako sa kanya sabay yakap at pinaulanan ko siya ng halik sa pisngi nito.
"Sobrang namiss mo ba ako?"
"Slight lang." Sagot ko habang nakangiti.
"Bakit slight lang? Tapos pinaulanan mo pa ako ng halik."
"Apat na taon tayo walang communication kaya namiss kita ng slight."
"Ang weird mo talaga."
"Ang laki na ng pinagbago mo ah. Muntik na kita hindi makilala."
May abs na siguro si Louie ngayon kumpara noon na wala talaga. Ang payat kaya ni Louie noong nagcosplay kami. Ang yummy na siguro niya ngayon. Naging manyak na tuloy ang utak ko.
Ang dami ko ngang kinuwento sa kanya simulang pumasa akong board exam 4 years ago at sinabi ko rin sa kanya na pasok ako sa top 20 noon. Then, this year pasok ako sa top 10. Proud nga sa akin si Louie dahil natupad ko na ang pangarap ko. Para bang proud boyfriend sa kanyang girlfriend.
"Naalala ko lang... hindi ba naging girlfriend mo si Judy?"
"Kahit kailan ay hindi ko naging girlfriend si Judy. Ikaw lang nagiisip na girlfriend ko siya at alam niyang may mahal na akong iba. Ikaw nga itong may fiance. Mabuti hindi tuloy ang pakasal niyong da–"
"Wala akong fiance. Si Shawn ang pasimuno noon. Pinandigan ko lang dahil naiinis ako sayo dati. At saka hanggang kaibigan lang ang tingin ko kay Jayden."
"Paano naman yung kaibigan ni Faye sa US?"
"Si Lance? Wala. Ni minsan nga hindi ko pa iyon nakilala sa personal. Wala akong oras pumunta sa US para makilala siya. Kaya wala kang ikaselos. Sayong sayo lang ako, nerd."
"Nerd pa rin ang tawag mo sa akin."
"Kung ayaw mo ng nerd. Sige, mr. Ice Prince na lang."
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...