Ang bilis nga talaga ng panahon ngayon dahil malapit na matapos ang academic year. Kaya lang ang dami naming ginagawa ngayon lalo na malapit na rin ang final exam. Halos project na nga ang binigay sa amin ng ibang teacher namin. Buti nga lang ay pwede kami mag-search sa internet para sa project.
Malapit na rin pala gaganapin ang prom night namin mga senior year. Mga 4th year lang kasi ang merong ganito bago pa sila grumaduate pero ako, hindi ko alam kung makakasama ako. Wala maman ang magyaya sa akin maging prom date at saka asa naman na tatanungin ako ni Louie maging prom date niya. Ewan ko kung pupunta ba siya.
"Bes, sasama ka ba sa darating na prom night?" Napatingin sa akin si Faye habang nandito kaming apat sa CR ng babae.
"Alam mo naman hindi ko talaga hilig sa ganyan. Mabuti pang sa bahay na lang ako at manood ng anime." Sagot ni Faye. Ganoon na rin kaya ang gagawin ko kung walang magyaya sa akin maging prom date sa araw na iyon. No choice. Buong araw nasa harapan ako ng laptop at nanonood ng anime.
"Sumama ka na, Faye. Minsan lang ito mangyari sa buhay natin. Last school year nga kung hindi ikaw ang student council president hindi natin mararanasan ang first dance katulad sa anime na pinapanood natin." Sabi ni Nathalie. Siya nga ang pinaka maswerte sa aming apat dahil naging boyfriend pa niya si Eren.
"Kaya nga. Malapit na rin tayo grumaduate at magkakahiwalay na rin tayo ng school na papasukan." Sabi naman ni Angel.
"Yeah. Saan niyo pala balak magaral ng college?" Tanong ni Nathalie habang naghuhugas siya ng kanyang kamay.
"Sa US ako magaaral ng college. Baka doon na rin ako kumuha ng Masteral kaya matatagalan akong bumalik dito."
"Basta huwag mong kalimutang tumawag at chat sa amin. Mamimiss kita, bes dahil ngayon pa lang tayo magkakahiwalay ng matagal." Sabi ni Mich sabay yakap sa akin. Nalulungkot ako dahil ilang taon ko hindi makakasama si Faye kasi sa malayong lugar siya magaaral.
"Hanap mo ko ng gwapo doon ah." Sabi ni Angel habang palabas na kami ng CR.
"Hindi ba meron ka ng Shawn?"
"Wala kami, uy! Pero inaamin kong crush ko siya kasi naman ang gwapo, chinito, matangkad, matalino. Iyon na yata ang dream guy ko." Nangangarap na gising ngayon si Angel.
"By the way, Faye.." Lumingon sa akin si Faye. "Kailan ba ang flight mo papuntang US?"
"Pagkatapos ng graduation natin. Kinausap ko na rin si papa na sasabay ako sa kanya papuntang US since nandito rin naman siya sa graduation natin."
Noong bumalik na kami sa classroom ay may humarang sa dinadaanan namin. Sino pa nga ba? Si Dante lang naman iyon.
"Faye, be my prom date?" Kumunot ang noo ni Faye noong tanungin siya ni Dante na maging prom date nito. Kahit ayaw ni Faye pumunta sa ganitong event ay paniguradong magkakaroon talaga siya ng prom date dahil kay Dante. "Please? Sabi ko nga sayo dati hindi iyon ang huling sayaw natin dahil may balak akong yayain kang maging prom date ko."
"Alam mo naman hindi ako mahilig sa mga ganyan, Dante. Iba na lang ang tanungin mo. Marami naman diyang babaeng kaklase natin na papayag maging prom date mo." Sabi ni Faye sa kanya. Pinipilit talaga niya ang hindi sumama sa prom night kahit isang beses lang namin ito marexperience sa buhay namin.
"Siguro nga marami sa kaklase nating babae na gusto ako maging prom date pero ikaw ang gusto ko kasama sa gabing iyon."
"Bakit ako pa?"
"Kailangan bang paulit ulit tayo? Mahal kita, Faye. Isang taon na nga ako nangliligaw sayo kaya. Please, be my prom date?"
Bumuntong hininga ang kaibigan takdang pagkatalo sa kakulitan ng lalaking ito. Tumingin si Faye kay Dante sabay ngiti.
"Okay, ako na ang magiging prom date mo."
"Yes! Thank you, thank you." Umalis na rin si Dante sa harapan namin dahil bumalik na siya sa loob ng classroom namin.
"Kayong dalawa na ang merong prom date." Nagtatampo ako dahil sila na ang may prom date. Walang duda na yayain ni Eren si Nathalie sa prom night dahil girlfriend niya ang kaibigam ko.
"Malay niyo yayain din kayo ng crush niyo." Sabi ni Faye sabay upo sa tabi ko.
"Asa ka pa. Malabong yayain ako ng lalaking iyon." Tumingin ako sa gawi ni Louie habang abala ito sa pagbabasa niya ng libro at ginulo na rin siya ni Dante.
"Shawn." Tumingin kaming tatlo sa likuran noong tawagin siya ni Angel. Sana nga lang hindi manhid si Shawn at malaman niya agad na may crush sa kanya si Angel. "Sasama ka ba sa prom night?"
"Yup, pupunta ako doon."
"May prom date ka na?"
"Wala pa. Gusto mo ba maging prom date ko?" Lahat kami napansinghap sa biglang tanong ni Shawn kay Angel maging prom date. Hindi namin inaasahan iyon ah. Tahimik na tao lang kasi si Shawn.
"Sure." Ngiting tagumpay sa mga labi ni Angel ngayon. Ang swerte niya dahil crush niya ang magiging prom date nito.
Kainis! Naiinis na talaga ako. Ako na lang ang wala pang prom date. Wala na talagang pagasang makapunta sa prom night. Talagang manonood na lang ako ng anime sa bahay.
Pagkatapos ng klase namin ay sabay kami ni Faye paguwi dahil hindi daw maihahatid ni Dante si Faye. Ewan ko ba kung ano ang kinaabalahan ng lalaking iyon. Pero ayos lang dahil ngayon lang ulit kami makakasama ni Faye pauwi.
"Kainis. May prom date na kayong tatlo, samantala ako wala pa. Bokya!" Inis na sambit ko. Nailabas ko na talaga ang inis ko ngayon.
"Bakit kasi hindi na lang ikaw ang magyaya kay Louie?"
"Asa ka pa, bes. Baka nga i-reject na naman ako ng lalaking iyon kaya ayaw ko na umasang papayag iyon maging prom date ko, no. Bahala na nga lang. Uupo na lang ako sa table natin at kakain na lang ako habang pinapanood ko kayong sumasayaw."
Feeling na gusto ko pumunta sa prom night pero wala naman akong partner at maiinggit lang ako sa may partner. Ang sad ng buhay ko. Bakit ganito pa ang nangyayari sa akin ngayon? Ang malas ko.
"Malay mo may magtatanong sayo maging prom date nila. Matagal pa naman ang prom night natin."
"Ewan ko. Sana nga lang gwapo para naman ganahan ako maging partner siya sa dance floor. Sige, una na ako sayo ah." Paalam ko sa kanya. Nandito na kasi kami sa tapat ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...