Busy ako makipag usap sa mga kaibigan ko. Matagal tagal na rin yung magkita kita kaming kumpleto. At least hindi busy ang mga ito ngayon. Kaya pala hindi ako masyado kinakausap kahapon sa chat dahil kasabwat rin pala silang lahat ni Louie. Naku talaga itong future hubby ko.
Napalingon ako noong lumapit ang mama ni Louie sa kanya at kinakausap ito. Gusto ko malaman kung ano man iyon pero wala ako sa pwesto para kung ano ang pinaguusapan nila. May isang babaeng ang lumapit sa kanila. May edad na rin ito.
"Mich, ano ang balak niyo sa kasal niyo ni Louie?" Binaling ko ang tingin kay Angel noong tanungin niya ako.
"Ano ka ba. Kakapropose pa lang sa akin ni Louie at hindi pa nga namin pinaguusapan ang tungkol sa kasal kahit noon pa."
"Pero pinaguusapan niyo na ang tungkol sa future niyo. At huwag ka na magtaka kung paano namin nalaman dahil sinabi sa amin ni Louie." Sabi ni Faye.
Tama siya. Pinaguusapan na nga namin ang tungkol sa future. Sa totoo niyan ay nagiipon na nga kami para sa future at hindi kami mahirapan. Hindi naman kami mayaman gaya ni Faye at Angel na walang problema sa pera.
"Imbitahin rin kaya natin si Lance since nandito naman siya sa Pilipinas." Sabi ni Angel sinamahan pa ng tawa.
"Baliw ito. Gusto mo bang magaway pa kami ni Louie bago ang kasal? Kahit walang ginagawang mali si Lance ay nagseselos siya doon sa tao. Iniisip kasi noon ay may gusto pa rin ako kay Lance."
Narinig ko ang pagtawa ni Dante.
"Hindi ko alam na seloso pala si Louie. Sabagay, wala naman siya naging girlfriend kaya hindi ko malalaman na may pinagseselusan siya."
Ang swerte ko dahil ako ang first girlfriend ni Louie at siyempre siya ang first boyfriend ko. My first and last.
"Baliw rin kasi ang kaibigan mo, Dante. Kung hindi lang niya sana sinaktan si Mich noon ay sana okay ang lahat. Pafall pa kasi nalalaman." Galit na turan ni Faye sa asawa.
"Bakit parang kasalanan ko? Kay Louie ka dapat magalit, hindi sa akin."
"Hmph. Kaibigan mo siya."
Gusto ko matawa dahil ang cute nilang tingnan.
"Faye, wala ba kayong balak sundan si Dale?" Tanong ni Shawn sa kanya.
"Baby pa si Dale at wala pa sa plano ko ang sundan ang anak namin." Sagot ni Faye.
"Plano mo lang? Paano naman yung plano ko?" Nakasimangot na sambit ni Dante sa asawa.
"Ang plano mo na magparami ng lahi mo." Sagot nito. Humalakhak kaming dalawa dahil sa magasawang ito.
"Tingnan mo sina Angel at Shawn magkakaroon na sila ng baby."
"Tigilan mo ko, Dante. First baby pa lang nila iyan. Sina Nath at Eren nga hindi pa nila sinusundan si Melody."
"Naku, Faye, tatlong taong gulang pa lang si Melody pero kinorner na ni Dale."
Lahat kami ay napatingin kung nasaan yung dalawang bata. Pilit nga nilalayo ni Eren si Melody kay Dale.
"That's my boy." Proud na sabi ni Dante dahilan siniko ni Faye sa tagaliran.
"Tigilan mo talaga ako, Dante. Tinuruan mo pa si Dale ng kalokohan mo noong high school pa tayo."
Napalingon ako sa likuran kung saan si Louie kanina kaso wala na siya ngayon doon. Nilabas ko ang phone ko para matawagan siya pero out of coverage ang phone nito.
To Louie;
Saan ka?
Nagpaalam na yung mga kaibigan ko sa akin at hindi na ako sumabay kila papa na umuwi. Gusto ko sumabay kay Louie pero wala pa siyang reply sa text ko kanina. Nagaalala na tuloy ako.
To Louie;
Huy! Uso magreply.
Sinubukan kong tawagan ulit pero ganoon pa rin. Out of coverage ang phone nito. Ano na kaya ang nangyari kay Louie?
To Louie;
Nagaalala na ako sayo. Hindi ka nagrereply. Nasaan ka ba?
Isang tunog mula sa phone ko kaya agad ko iyon kinuha at sawakas ay nagreply na rin sa akin si Louie.
From Louie;
Sorry kung umalis ako ng hindi nagpapaalam sayo kanina pero pabalik na rin ako.
Isang oras ako naghintay sa pagbalik niya atnakita ko na si Louie. Nilapitan ko siya kaagad.
"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya.
"I talked with my mom – my biological mother." Sagot nito.
"Siya ba yung matandang babae kanina?" Tumango ito sa akin. Naalala ko hindi nga pala niya tunay na mga magulang ang mga kinilala niya. "Tapos? Ano nangyari?"
"Nothing happen. Gusto niya lang ako makita at nandoon na rin naman kami kaya tinanong ko siya kung bakit niya ako pinamigay. And she said hindi niya ako kayang alagaan na magisa. Imbes sa bahay ampunan niya ako iniwan ay sa isang bahay na hindi niya kakilala. Tapos malalaman ko na may sakit siya ngayon."
"Kahit sino ka pa ay ikaw pa rin ang mamahalin ko, Louie." Niyakap ko siya. Naawa tuloy ako sa sitwasyon ng fiance ko. Hindi ko lang pinapakita dahil alam kong ayaw niya ng ganoon.
"I know. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko."
"Paanong iba?" Inangat ko ang mukha ko para tingnan siya.
"Dahil ikaw ang minahal ko." Pinalo ko siya sa dibdib na kinatawa niya. In fairness ang tigas ah.
"Kainis ka. Pero yung seryoso kasi. Paanong iba?"
"Palaban kang tao dahil hindi ka iyong tipo na iiyak na basta-basta lang. Nakikita ko kung gaano mo kamahal si Faye."
"Siyempre, si Faye lang ang kaibigan ko dati bago pa nakilala sina Gel at Nath."
"Nandiyan ka lagi sa tabi ko kapag nalulungkot ako at handa makinig sa mga problema ko."
Naalala ko nga na sinabi niya sa akin na ampon lang siya at hindi niya masabi sabi kay Dante. Ewan ko na lang ngayon kung alam na ba niya.
"Alam na ba ni Dante ang tungkol sayo?" Mabilis itong umiling.
"Ayaw ko dumagdag pa sa mga problema niya. Alam kong marami na siyang problema lalo na sa kumpanya nila."
"Huwag ka magaalala at hindi ka nagiisa. Palagi ako nandito para maging karamay mo." Ngumiti ako sa kanya. "I'm your fiancee and your soon-to-be wife."
"At ina ng mga magiging anak ko." Dagdag pa niya sa sinabi.
"Mga? Ilan ba ang balak mong anak ah?"
"As for now, ikaw na muna ang gusto kong makasama."
"Ilan ang gusto mong anak?" Ulit ko.
"Hatid na kita sa inyo." At nauna na ito maglakad.
"Louie!" Sigaw ko at pinagtawanan lang niya ako. Ang sama niya.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...