Chapter 10

628 16 1
                                    

Kinabukasan ay nagising na ako ng maaga para magasikaso dahil pupunga kami ni Louie sa coffee shop na puro anime daw. I can't wait to see.

Kaso wala pang gising kahit si papa. Himala yata hindi pa gising ngayon si papa. Wala ba siyang pasok? Magluluto na lang ako ng agahan namin para pagkagising nila ay may pagkain na sa mesa.

Nauna na akong kumain dahil maliligo pa ako.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nakasalubong ko si papa na mukhang bagong gising pa lang.

"Aalis ka?"

"Yes po. Pero saglit lang po ako."

"Saan ka naman pupunta? Sino ang kasama mo?"

"Kaklase ko po at may papakita lang siya sa aking coffee shop."

"Coffee shop? Kailan ka pa nagkaroon ng interesado sa kape, Mich?"

"Papa, sa kape po wala akong interesado pero sa theme nila interesado ako. Kasi anime yun. Anime." Excited na nga ako makita ang itsura ng coffee shop.

"Sino ang kasama mo? Si Faye ba?"

"Hindi po si Faye. Kaklase ko po."

"Lalaki? Babae? Kung lalaki bawal ka sumama sa kanya." Kahit kailan talaga ang OA ni papa. Para naman may binabalak na masama si Louie sa akin. Kung alam lang niyang walang pakialam yun sa mundo.

"Tao po?" Narinig ko na ang boses ni Louie sa labas ng bahay.

"May pagkain na po sa kusina. Kain na kayo. Bye, papa." Hinalikan ko na sa pisngi si papa. Hindi ko na hinintay ang sagot o sigaw ni papa dahil nalaman niyang lalaki ang kasama ko.

Lumabas na ako sa bahay. Gosh, ang gwapo ni Louie kahit plain navy blue lang ang suot niyang shirt at jeans.

"Sorry kung ngayon lang ako. Ang dami kasi tinatanong sa akin ni papa. Tara na."

"Ayos lang."

Pagpuna namin sa coffee shop na sinasabi ni Louie ay namangha na ako kahit nasa labas pa lang kami. Anime cafe ang pangalan ng coffee shop. Pagpasok namin sa loob ay hindi ko mapigilan ang mapa-wow sa ganda ng loob. Puro anime nga ang design tapos yung mga staffs naka cosplay.

Yung upuan nila si Totoro. Nahihinayang tuloy akong umupo baka mapipi ko si Totoro. Gusto ko tuloy iuwi na lang itong gamit nila rito kung pwede nga lang.

"Order na tayo." Sabi ni Louie kaya pumunta na kami sa counter.

Yung menu nila title ng mga anime. Cool.

Nang nakaupo na kami sa bakanteng table ay nilibot ko ang paningin ko sa buong cafe. Ang dami rin pala pumupunta rito. Pero akalain mo may magiisip na magtayo ng coffee shop tungkol sa anime dito sa Pilipinas. Ang akala ko sa Japan lang merong ganito.

"Paano mo nalaman ang tungkol rito?"

"Nakita ko siya sa facebook. Noong makita ko ang coffee shop na ito ay kayo ni Faye ang biglang pumasok sa isipan ko dahil mahilig kayo sa anime. Kaya isang araw ay pinuntahan namin ni Dante itong coffee shop."

"Gusto kong sabihin kay Faye at Angel ang tungkol dito. Paniguradong matutuwa sila kapag nalaman nilang may coffee shop tungkol sa anime."

"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko sinabi na ni Dante kay Faye ang tungkol dito."

"Hindi naman sila close ni Faye. Bakit ganoon ang kaibigan mo? Feeling close."

"Bakit hindi mo tanungin si Dante? Wala akong karapatan sabihin sayo ang lahat. Kahit sabihin natin marami akong alam kung ano ang binabalak ni Dante. I'm not against with it."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Wala naman akong ibig sabihin doon." Kibit balikat siya at tumingin sa side niya. "May manga rito. Pwede ka magbasa kung ano ang gusto mong basahin."

"Hindi ako mahilig magbasa ng manga. Unlike Faye. May collection pa nga siya ng iba't ibang manga, eh."

"Anong genre ang gusto mong panoorin?" Tanong niya sa akin.

Bago pa ko sumagot ay dumating na yung order namin. Itsura pa lang ng order namin ay mukhang masarap na.

"Kahit ano pinapanood ko. Hindi naman ako mapili sa genre." Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Louie na ang pinaka gusto ko ay boys love. Baka layuan niya ako. Hindi pwede yun. "Ikaw? Ano ang gusto mo?"

"Wala akong interest sa anime. Hindi katulad ni Dante."

"Huh? Si Dante nanonood rin ng anime?"

Naalala ko ang sinabi ni Dante noon na anime sucks kaya nga nagalit sa kanya si Faye. Ayaw pa naman noon na may naninira sa pangalan ng anime. Lumalabas ang demon side ni Faye.

"Oo, kaso hindi siya katulad niyo na proud sa hilig nila sa anime. Tinatago ni Dante ang hilig niya sa anime dahil ayaw niyang pagtawanan siya ng ibang tao. Especially his fangirls."

"Libro lang talaga ang hilig mo."

"Oo, simulang bata pa lang ay libro na palagi kong hawak. Kaya nga nabubully rin ako noong bata pa ko dahil isa akong nerd."

Kaya boring ng buhay nito ni Louie, eh. Puro libro ang hawak niya kaya walang kababaihan ang nagkakagusto sa kanya maliban sa akin. Ayos na rin yun. At least wala akong karibal.

"Ano pala ang kukunin mo pagkagraduate natin ng high school?"

"Hindi ko alam kung tutuloy ako sa pagaaral ko dahil hindi naman ganoon kamayaman ang pamilya para pagaralin ako sa unibersidad."

"Bakit hindi ka kumuha ng scholar? Matalino ka naman at buwan-buwan may allowance ka pa." Sabi ko sabay inom sa smoothie na inorder ko kanina.

"Iniisip ko rin yan pero wala pa ako maisip kung ano ang kukunin ko pagkagraduate natin. Ikaw?"

"Hindi ko alam kung nurse o doctor. Kung magdodoctor ako ay tutuloy ako sa medicine."

"Nurse o doctor? Susunod ka pala sa yapak ng mga magulang mo."

Hindi na ako nagulat kung paano nalaman ni Louie kung ano ang trabaho nila. Kilala ang mga magulang ko.

"Yup. Kaya nga gusto ko na agad matapos sa pagaaral para matulungan ko na sila."

"Parehas pala tayo. Gusto ko rin tulungan na ang mga magulang ko."

Napangiti ako sa isipan ko. Parehas kami ng gustong gawin pagkatapos namin sa pagaaral.

May 1 point ka na, Mich.

Pagkatapos namin ay hinatid na ako ni Louie hanggang sa bahay kahit tumatanggi na ako. Baka kasi marami pa siya ginagawa sa kanila kaso mapilit, eh. At nakakahiya dahil siya na nga itong nanglibre sa akin kanina.

"Salamat ulit ah. Sige, pasok na ako sa loob." Sabi ko at kumaway ako kay Louie. May narinig akong tumikhim.

Patay si papa.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon