Chapter 61

477 13 1
                                    

Ang bilis talaga ng panahon dahil ngayon ang kasal nina Faye at Dante. Ang ganda nga ng bride. Para siyang isang prinsesa sa mga fairy tale at mala-fairy tale rin ang theme ng wedding nila. Kulang na lang ang crown at tumira sila sa isang palasyo. Isang garden wedding ang kasal nila at puno ng iba't ibang klase ng flowers. Tanda ko pa dati ang dream wedding ni Faye puno ng cherry blossoms pero ngayon ay iba't ibang klase ng flowers.

Noong nagpalit na ng sila ng vow ay nagbibiro pa si Dante dahil sinasabi niya kung gaano galit si Faye sa kanya noon. Well, totoo naman iyon. Pero noong si Faye na yung nagbigay ng vow ay naiiyak ako dahil sa mga taon na wala siya sa tabi ng anak nila.

Isang taon na pero wala pa rin nagbabago sa relasyon namin ni Louie. Sobrang sweet boyfriend niya sa akin simulang sinagot ko siya. Sa totoo lang ay napilitan akong sagutin siya noong panahon na iyon. Just kidding... may balak na rin naman akong sagutin siya. Kahit sobrang busy ko sa trabaho ay sinusundo pa niya ako sa ospital at galing pa siya sa school niya pero kung may exam siya ay sumasabay ako kay papa.

Walang bunga ang gabing may nangyari sa amin kaya wala pa kaming anak ni Louie at wala pang nakakaalam sa mga kaibigan ko na kami na ni Louie. Gusto ko silang lokohin.

Nagpaalam na ako sa newlywed na uuwi ako ng maaga dahil may duty pa ako bukas. Kahit gusto ko pang tumagal sa event ay hindi pwede kasi maaga pa ang duty ko.

Bago matulog ay chineck ko na muna ang messenger. Lahat sila ay gamit na nila ang apilyido ng asawa nila. Ako kaya kailan? Louie's still studying medicine. May 2 years pa kasi bago siya grumaduate tapos may board exam pa. Alam kong kaya niya ang lahat na iyan.

"Mich." Tumingala ako sa tumawag sa akin.

"Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nandoon pa rin sa reception?"

"Sumunod ako sayo rito. Kahit gusto mong doon na muna ako kasama ang iba pero nandito ang girlfriend ko."

See? Ang sweet talaga nito kaya mas lalo ako nahuhulog kay Louie ngayon.

"Ano ang gagawin mo rito sa bahay?"

"Babantayan kita. Kaya magpalit ka ng damit mo para makatulog ka na."

Lumapit na ako sa closet para kumuha ng damit ipagpapalit. Lumingon ako kay Louie kasi nakatingin ito sa akin. Para bang may hinihintay.

"Um, pwede bang lumabas ka na muna ng kwarto? Magpapalit lang ako."

"Para naman hindi ko pa nakita iyan." Tiningnan ko siya ng masama ng tumayo na ito. "Fine. Lalabas na muna ako."

Nagpalit na ako ng damit noong lumabas na si Louie sa kwarto ko at tumalon na sa kama pagkatapos. Para tuloy namiss ko ang malambot kong kama. Naramdaman kong umalog ang kama kaya humarap ako sa kanya.

"Anong oras ang duty mo bukas?"

"Kailangan mga 4:30 am dapat nasa ospital na ako kasi 5 am ang duty ko."

"Ang aga naman." Hinila niya ako papalapit sa kanya at mahinang tinatapik ang likuran ko. "Matulog ka na."

"Eh, ikaw? Anong oras ang klase mo bukas?"

"After lunch pa ang klase ko."

After lunch pa ang klase niya. As if namang malapit lang ang bahay nila sa bahay namin.

"At uuwi rin ako sa amin kapag nakatulog ka na." Mahinang sambit nito.

Pagkagising ko sa madaling araw ay wala na si Louie sa tabi. Umuwi na siguro noong nakatulog na ako. Nagasikaso na ako para makaalis ng maaga.

Pagkarating sa ospital ay ang daming ginawa. Nag-rounds sa mga kwarto ng pasyente ko. During my break ay kape lang ang iniinom ko dahil wala akong oras para kumain.

Napatingin ako sa phone ko noong nag-vibrate iyon. Nakita kong may message galing kay Louie.

From Louie;

Let's meet after your duty. Maaga ako uuwi ngayon dahil absent ang isa kong professor. I'll pick you up later. I love you.

Napangiti ako sa last sentence ng message ni Louie sa akin. Simulang naging kami ay palagi ko na sa kanya naririnig ang tatlong salita na iyan sa kanya. Kung dati ay pinapangarap ko lang siya pero ngayon ay boyfriend ko na siya.

Kumatok na ako sa next patient na bibisitahin ko. May nagbukas noon na isang lalaki pero nagulat ako ng makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto sa akin. Ang Fil-Am friend ni Faye na si Lance. Alam kaya ni Faye nandito si Lance? Hindi kasi ito dumalo sa kasal niya. Crush ko siya noong pinakita sa akin ni Faye ang picture nito. Crush lang ah. May boyfriend na ako ngayon at baka magselos pa si Louie kapag malaman niyang nakita ko sa personal si Lance. Napatingin ako doon sa babaeng nakahiga sa hospital bed.

"If I'm not mistaken you're Faye's friend, right?" Tumingin ako kay Lance. Ang fluent niya talaga sa English. Mauubusan ako ng dugo nito.

"Um, yes."

"Cool. How is she?"

Alam kong marunong rin mag-Tagalog itong si Lance dahil kinuwento sa amin ni Faye dati. Isang Filipino ang ama nito at Amerikana naman ang ina. Magandang lahi. Tingnan mo naman ang gwapo ni Lance.

"Let's talk after my work, okay?"

"Sure..."

Tiningnan ko yung record ng pasyente na kinuha ko sa nurse station bago pa ako pumunta rito. After operation ay wala pa itong malay. Naaksidente kasi ang pasyente kagabi.

"Kamag anak ka ba ng pasyente?" Tanong ko sa kanya.

"No." Mabilis niyang sagot. "Actually, ako ang nakabangga sa kanya. Wala akong ideya kung paano ko matawagan ang mga kamag anak niya at hindi ko rin siya maiwanan rito."

"I see..." Sagot ko na lamang. "Huwag ka magaalala dahil wala naman ako nakikitang kakaiba rito sa record ng pasyente. Kaso malalaman natin ang ibang resulta pagkagising niya."

"Kailan siya pwedeng magising?"

"I can't tell when. Nasa pasyente kung kailan siya magigising."

"Okay. I will wait until she woke up." Sabi nito. Nakikita ko ang guilty sa mga mata nito dahil sa nangyari doon sa babae.

"I have to go."

"Okay, doc. Salamat."

Hindi ako makapaniwalang makikita ko sa personal si Lance. Para tuloy ako na starstruck sa kagwapuhan niyang taglay – No, scratch that. Mas gwapo pa rin si Louie. Baka bumalik iyon sa pagiging yelo kapag nalaman niyang lumalandi sa ibang lalaki ang girlfriend niya. Ang hirap pa naman tunawin ang yelo noon dahil ilang beses niya ako sinaktan.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon