Kainis naman itong si Faye. Pabitin. Hindi deretsuhin na lang ang sasabihin niya.
"Ano meron kanina?"
"May nakita akong ID ni ms. Morales sa kotse ni kuya kaya tinanong ko si kuya kung bakit nandoon ang ID ni ms. Morales."
"Bakit nga ba nasa kotse ni kuya Peter ang ID ni ms. Morales?"
"Nakisakay daw si ms. Morales kanina dahil late na daw sa blind date niya."
"Blind date? Seryoso? Si ms. Morales makikipag blind date?"
Hindi ako makapaniwalang makikipag blind date si ms. Morales sa hindi niya kilalang lalaki. Sabagay, wala naman masama kung makipag blind date siya. Single naman ang class adviser namin.
"Iyon ang sabi ni kuya kanina noong tinanong ko siya. At ang inutusan pa ako ni kuya na ibalik daw yung ID pero tinanggihan ko."
"Oh, bakit naman?"
"Ang balak ko sana magkaroon na ng girlfriend si kuya para hindi na ako pinapakialam. Naisip kong si ms. Morales. Hindi naman siguro masama dahil pareho silang single."
"Hindi ko alam na matchmaker ka na pala ngayon."
"Ngayon lang at sa kanila lang ako magiging matchmaker."
"Kung gusto mo ng tulong ay nandito lang ako, bes."
Gusto ko na rin magkaroon ng love life si ms. Morales para naman hindi na siya masungit sa klase pero mabait naman siya sa labas ng school. Sa daming section sa school namin ay ang section namin ang pinaka close ni ms. Morales. Since 1st year kasi ay class adviser na namin siya. Kaya yung mga matagal na sa section namin ay kilala na ang ugali ni ms. Morales.
"Akala ko papagalitan mo ko sa desisyon ko."
"Hindi naman. Gusto ko rin naman magkaroon ng boyfriend si ms. Morales para mabawasan ang pagiging strict niya."
Natawa ako ng mahina. Lagot ako kay ms. Morales kapag nalaman niya na siya ang pinaguusapan namin ngayon. Patay kami ni Faye.
"By the way, bes..."
"Hmm? Ano iyon?"
"Musta na pala kayo ni mr. Martinez?"
Wala na ako narinig na sagot mula sa kabilang linya. Ano nangyari sa kaibigan ko? Hindi naman niya binaba ang tawag.
"Wala. I mean, hindi ko na siya nakikita simula noong huling paguusap namin."
"Sigurado kang titigilan mo na ang nararamdaman mo para sa kanya?"
"Oo, dahil napaisip kong hindi talaga kami ang para sa isa't isa. May babaeng dadating sa buhay niya samantala ako ay hindi na muna dahil kailangan kong makapag tapos muna sa pagaaral. Lagot ako kay papa kung may subject akong bagsak."
"Kakalungkot naman. Sa tagal pa naman ang pagka crush mo sa kanya pero hindi pala kayo."
"Wala tayong magagawa. Basta ako ay ineenjoy ko ang palagi kong ginagawa kapag bakasyon."
Wala nga kami magagawa doon kung hindi talaga sila ang para sa isa't isa. Kung sino ang mamahalin ni Faye at mamahalin rin niya ay susuportahan ko ang best friend ko.
"Oh. Sige, Mich. May kailangan pa akong gawin."
"Alright. Tulog na ako. Good night."
"Good night."
Humiga na ako para matulog ng maaga pero bigla akong tinawag ni mama. Wala akong choice kaya bumangon ulit para puntahan si mama sa ibaba.
"Bakit po, mama?"
"Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo." Binigay sa akin ni mama si Milo. "Magluluto pang ako ng makakain natin."
Hindi pa nga pala kami kumakain ng hapunan. Nawala sa isipan ko.
"Nakita ko pala kanina sa labas ng bahay yung kasama mo kaninang umaga."
"Si Louie po? Bakit daw po?"
"Hindi ko alam. Bigla na lang siya umalis pagkakita niya sa akin sa labas."
Ang weird naman ni Louie. Nagtataka na tuloy ako sa inaasal niya ngayon. Hindi naman siya ganito noon, eh. Wala siyang pakialam sa akin. Bukas ko na lang siya kakausapin para alamin kung may kailangan ba siya sa akin at baka nahihiya lang siyang kausapin si mama.
Si Louie? Nahihiya? Sino ba ang niloloko mo, Mich? Wala yun pakialam sayo.
Masakit pero yun ang katotohanan.
Pagkatapos namin kumain ni mama ay tinuloy ko na rin siya maghugas ng mga pinagkainan. Dahil sobrang busog ko ay hindi na muna ako natulog. Lumabas na muna ako ng bahay para magpahangin pero parang may nakita akong familiar.
"Louie?" Hindi ako sigurado sa nakikita ko kung si Louie nga iyon. Noong humarap siya. Si Louie nga. "Ano ang ginagawa mo pa rito?"
Anong oras na rin kasi at nandito pa siya sa amin. Baka hanapin na siya sa kanila.
"Pwede ka ba bukas?"
"Bukas? Yeah, bakit?"
"Gusto lang sana kita yayain ulit pumunta sa Anime Cafe." Kumurap ako ng ilang beses. Si Louie ba talaga itong nasa harapan ko ngayon? Hindi ako makapaniwala.
"Bakit hindi na lang si Dante ang yayain mo?"
Ano ka ba, Mich? This is your chance to shine. Baka may gusto rin si Louie sayo kahit malabo mangyari iyon.
"Hindi sa lahat na panahon ay kailangan kong kasama si Dante. May ibang bagay siyang inaasikaso."
"Babae?"
"What do we expect? Pero mukhang seryoso na ang kaibigan ko kay Faye ngayon."
Oo nga pala. Inamin sa akin ni Dante noong isang araw na may gusto siya kay Faye. Hindi ko nga alam kung seryoso ba siya doon. Pero subukan lang niya paiyakin si Faye, siya ang papaiyakin ko. Wala pwedeng manakit sa best friend ko. Dadaan na muna sila sa akin.
"Okay, pumapayag na ako. Anong oras ba?"
"Around 8am sana. Kung ayos lang ba sayo."
"Maaga naman ako nagigising para tulungan si mama sa pagalaga kay Milo. Magpapaalam na rin ako para alam ni mama na aalis ako bukas."
"Salamat, Mich. Sige, alis na ako."
"Teka, uuwi ka sa inyo sa ganitong oras?" Ang pagkaalam ko ay malayo ang bahay nila Louie dito kaya nga kailangan pa niya gumising ng maaga para hindi mahuli sa klase namin.
"Sa condo unit na muna ako ni Dante tutulog ngayong gabi. Alam naman ng mga magulang ko kapag hindi ako nakauwi ay nasa condo lang ako ni Dante." Tumango ako sa kanya. Mabuti naman kung ganoon.
"Sige. Magiingat ka na lang." Tumango siya sa akin bago pa naglakad palayo sa akin.
Pumasok na rin ako sa loob para magpaalam kay mama na aalis ako bukas.
"Mama, pwede po ba umalis bukas?"
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni mama sa akin.
"Niyaya po ako ni Louie pumunta sa malapit na coffee shop bukas. Mga 8am pero babalik rin po agad."
"Sige. Nandito naman ang papa mo bukas kaya pwede niya ako tulungan sa pagalaga kay Milo."
Alam kong pagod si papa galing sa trabaho pero nagagawa pa niyang tulungan si mama sa pagalaga kay Milo imbes na magpahinga. Pinaghandaan ni papa ito dahil talagang kinuha niya ang night shift para sa umaga ay tutulungan niya si mama at ako naman sa gabi o pagkauwi ko galing school. Ganoon ang usapan namin ni papa.
~~~~
Hello! 👋
Next month na ang susunod na Update ko sa lahat na stories ko.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...