Chapter 18

414 13 0
                                    

Masaya ang gising ko kinabukasan dahil malapit na ang birthday ni Louie. Napapaisip ako ngayon kung magtatapat na ba ako sa kanya. Pero alam kong i-rereject lang niya ako. Bahala na nga.

Pagkapasok ko sa classroom ay may dalawang kaklase ako rito at isa doon siyempre si Faye.

"Good morning, classmates!" Napalingon sila sa akin at napangiti ako ng makita si Angel. "Angel!"

"Mich."

"Kailan ka pa nakauwi?"

"Kagabi lang. May pasalubong din ako sayo." Binigay na ni Angel ang pasalabong. Wow naman. Strawberry. Favorite ko.

"Huy, favorite ko ito. Thank you."

"You're welcome."

"Mukhang masaya ka ngayon, Mich. Ano meron?" Tanong ni Faye sa akin.

"Nakalimutan mo na ba, bes?"

"Ang alin?" Kunot noo niyang tanong.

"Malapit na ang birthday ni Louie. Ang gusto kong maging special ang araw na iyon."

"Ano ang binabalak mo?"

"Aamin na ako sa kanya."

Nagpasya na ako kanina habang naglalakad ay aamin na ako kay Louie. Gusto ko ng malaman niya kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya.

"What?!" Nagulat pa si Faye sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi? Sa tatlong taon namin sa high school ay ngayon pa lang ako naglakas loob umamin sa crush ko. Which is Louie.

"Bakit, Faye?"

"Huh? Nagulat lang ako kanina dahil sa tatlong taon natin dito sa high school ay ngayon ka lang naglakas loob na aamin sa kanya." Naiintindihan ko naman ang ibig sabihin ni Faye pero buo na talaga ang desisyon. Aamin ako sa araw mismo ng birthday niya.

Hindi naman nagtagal ay nagsidatingan na rin ang iba pa naming kaklase kahit sila Dante at Louie. Hindi na nagtataka kung sabay pumasok ang dalawa.

"Good morning, class." Bati ni ms. Morales sa amin. Ano kaya ang meron? Kung bakit nandito si ms. Morales sa classroom namin. "Hiningi ko ang 30 minutes ni mr. Martinez dahil may anunsyo lang ako sa inyo ngayon."

Anunsyo? Ano naman kaya yun? Sana nga lang good news ang sasabihin ng adviser namin.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na malapit na ang school festival." Tumingin sa direksyon ni Faye si ms. Morales dahil siya ang class president namin. "Faye."

Tumayo si Faye sa kinauupuan niya.

"Bakit po?"

"Gusto ko pagusapan niyo ng mga kaklase mo kung ano ang plano niyo sa darating na school festival."

Pumunta na ang aming class president sa harapan para pagusapan ang gagawin namin sa school festival.

"Bes, bakit hindi na lang gawin nating maid-butler cafe?" Suggestion ko. Wala naman masama kung iyon ang gagawin namin. Tutal apat kaming otaku sa classroom. Isang closet otaku.

"Great idea. Tapos ako ang gagawa sa mga costumes nating lahat." Sabi ni Nathalie.

"Kaya mo, Nath? Marami tayo rito sa classroom baka hindi mo magawa magisa lang." Tumingin si Faye sa buong classroom baka meron magpresenta na tutulong kay Nathalie. Nagulat kaming lahat noong nagtaas ng kamay si Eren.

"Tutulong ako sa paggawa ng costumes." Sabi nito kay Faye.

"Okay, kayo ni Nath sa costume natin." Humarap sa whiteboard si Faye para isulat ang theme na gagawin namin sa darating na school festival at siyempre sa costumes ay sina Nathalie at Eren. "Sa decoration naman ay lahat tayo ang gagawa. Hindi pwedeng hindi tutulong para sa school festival."

"Kailangan natin mag-ambagan ng pera para sa costume at decoration." Sabi ni Angel kaya tumango rin ako sa kanya. Nakakahiya naman kay Nathalie kung siya ang gagastos sa tela. Siya na nga ang gagawa.

"Yes. Kailangan lahat magbibigay ng pera para hindi tayo kukulanganin sa gamit."

Tinawag na ni Faye yung treasurer namin para siya na ang kumulekta ng pera.

"Okay na po, ma'am."

"Okay. Good luck sa inyong lahat."

Humarap ako sa pwesto ni Nathalie habang wala pa si mr. Martinez.

"Ingat ka dahil si Eren ang kasama mo."

"Wala naman siguro gagawing masama yung tao. Gagawa lang naman kami ng costume natin."

"Tama naman si Nath, Mich. Okay ngang tutulong yung tao sa atin."

Sakto naman ang pagpasok ni mr. Martinez sa classroom namin.

"Morning, class."

"Good morning po, sir." Bati naming lahat sa kanya.

Napangiti ako noong humarap na si mr. Martinez sa whiteboard. Nakalimutan pa naman ni Faye burahin yung sinulat niya.

"Maid-butler cafe. Great idea." Kinuha na niya ang pambura para burahin ang nakasulat sa whiteboard. "Good luck sa inyo sa darating na school festival."

Nagsimula na magturo si mr. Martinez ng lecture namin ngayong araw. Mamimiss ko ang pagtuturo ni mr. Martinez kapag umalis na siya. Isang freshmen pa lang kami ay siya na ang teacher namin sa English. Bakit kasi kailangan pa niya pumunta ng Japan? Isa sa mga mababait na teacher si mr. Martinez dahil madaling lapitan. Hindi gaya ng ibang teacher marami pang tanong sayo bago ka nila tutulungan. May question and answer portion muna bago tulungan. At minsan papagalitan ka pa kung magtatanong ka sa kanila. Psh.

Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay sabay kaming lima papunta sa canteen. Kailangan pumunta doon agad.

"Sino nga pala ang bibili ng tela at decorations?" Tanong ko sa kanila. Hindi kasi namin napagusapan ang tungkol doon kanina.

"Ako na lang ang bibili ng tela. Doon ako sa binibilihan ko para sa cosplay ko." Ani Nathalie.

"Ako naman sa decorations." Sabi naman ni Faye sa amin.

"Sasama ako sayo, Faye." Sabi ni Dante.

"Okay, para naman may tutulong sa akin sa pagbili ng decorations."

"Sorry, bes kung hindi kita masasahan sa pagbili kasi kailangan kong umuwi ng maaga ngayon."

After school kasi ay kailangan ko umuwi agad sa bahay para tulungan si mama sa pagalaga kay Milo.

"Ayos lang."

Pagkatapos namin kumain ay sabay-sabay na kami bumalik sa classroom maliban kay Nathalie dahil kakausapin pa daw niya si Eren.

Masaya ako dahil kasabay ko sa paglalakad si Louie. Nahuli kasi siya ng dating kanina dahil may binalik pa daw siyang libro sa library.

"So, ano ang gusto mong regalo?" Tanong ko sa kanya.

"Regalo saan?" Kunot noo siyang lumingon sa akin.

"Malapit na ang birthday mo."

"Oo nga pala. Next week na ang birthday ko." Nagkibit balikat ito sa akin. "Wala akong gustong regalo. Ang gusto ko lang ay kumpleto kami ng pamilya ko sa araw noon."

Ang sweet naman ni Louie dahil gusto lang niya ay kumpleto ang pamilya niya sa araw mismo ng birthday niya.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon