Chapter 47

354 8 0
                                    

Kinakabahan ako kasi ngayong araw ang dance contest. Ako lang talaga ang lalaban para sa school namin. Hindi ko nga alam kung mananalo ba ako. Mukha kasing mas magaling pa yung mga makakalaban ko kumpara sa akin at matagal na rin ang huling gawa ko ng sariling dance steps. Noong high school kasi ako walang sayawan naganap maliban sa bonfire dance at prom night namin.

Noong tinawag na yung pangalan ko kaya pumunta na ako sa stage pero nandoon pa rin ang kaba sa dibdib ko. Kung noon ay grupo kami sumasayaw pero ngayon solo lang ako.

Kaya mo ito, Mich. Tatlong buwan ka nagpractice para dito.

Pagkatapos ko sumayaw ay hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas pa rin ng kalabog ng dibdib ko hanggang ngayon.

"Ang galing mo naman sumayaw, miss." Tumingin ako doon sa nagsalita. Isang napaka gwapong nilalang ang nasa harapan ko ngayon at isa rin siya sa mga kalaban ko rito.

"Um, thanks."

"Sino nagturo sa dance steps ng sayaw mo?" Tanong niya.

"Wala nagturo sa akin. Ako lang ang gumawa ng dance steps."

"Wow. Hindi lang pala sa pagsasayaw ka magaling pati rin pala sa pagiging choreographer."

Ngumiti ako sa kanya. Maliban sa pamilya ko at kay Faye ay may ibang tao pa pumupuri sa galing ko sa pagsasayaw. Hindi naman ako pinigilan ng mga magulang ko sumali sa dance contest. Supportive rin nga sila sa pagsasayaw ko, eh.

"By the way, ako nga pala si Jayden Anderson."

"Michelle Lopez."

"Pwede ba kitang tawaging Mich?" Tanong niya na kinatango ko naman.

"Sure. Mich ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko."

"Ibig sabihin friends na tayo?"

"Why not? Hindi ka naman masamang tao para lokohin ako."

Sabi ko nga noon hindi talaga ako war freak dahil pala kaibigan talaga ako. Kung mas nakilala pa ako ng ibang tao. Baliw at kalog pa ako kapag nakilala nila ako. Prinoprotektahan ko lang si Faye kung sino man may gusto umayaw sa kanya. Ayaw kasi ni Faye na sa kanya ang atensyon ng mga tao pero ito ang nangyari. Pumasok sa buhay niya si Dante na palagi center of attraction ng mga kababaihan. Kulang na lang pag initan si Faye ng mga fangirls ni Dante pero subukan lang nila. Makakatikim sila sa akin.

Habang naguusap kami ni Jayden ng bagay-bagay ay nakita ko si Louie na may kasamang babae. Yung babae ay hindi niya kapatid at mas lalo hindi niya rin mama. Ang masaklap pa yung kasama niya ay ang kinakainisan ko. Ayaw ko man isipin baka sila. Baka iyon ang gustong sabihin sa akin ni Louie noon pero naudlot dahil nagkaroon ng emergency sa kanila.

"Mich?" Halatang nagulat si Louie pagkakita niya sa akin. "Hindi ko alam nandito ka rin pala."

Imbes na sagutin ko siya ay ngumiti na lamang ako. Isang tipid na ngiti. Nasubukan ko pa rin ang ngumiti kahit nasasaktan na talaga ako sa nakikita ko ngayon. Ayaw ko talagang isipin sila na.

"Mich, si–"

"Sorry, Louie. Marami pa akong gagawin tapos may awarding pa mamaya para malaman kung sino ang mananalo sa contest at may pinaguusapan pa kami ng kasama ko ngayon." Sabi ko. Ayaw ko na marinig pa kung ano man ang gustong sabihin ni Louie sa akin kanina.

Mas tanggap ko ang pagreject niya sa akin pero ang hindi ko matanggap ay may naging girlfriend na si Louie ngayon. Tatlong buwan pa lang kami tapos sa pagaaral tapos may girlfriend siya agad. Inaasahan ko pa sa kanya ay maghahanap na muna ng trabaho si Louie para makatulong sa pamilya niya bago pumasok sa isang relasyon. Ganoon ang expectation ko sa kanya. Sabagay, nasa reality nga pala ako.

"Sino iyon? Para kasing iiyak ka kanina. Ex boyfriend mo na mahal mo pa rin hanggang ngayon?"

"Hindi ko naging boyfriend ang payatot na iyon."

"So, crush mo pero nireject ka lang?" Tiningnan ko bigla si Jayden sa sinabi niya. "Tama ako? Mich, normal lang mareject ng crush kung hindi kayo ang para sa isa't isa. Malay mo may dadarating pala para sayo."

"Hindi na ako aasa na may dadarating pa para sa akin. Ang priority ko na muna ang tumulong sa mga magulang ko para hindi na mag double shift si papa sa trabaho niya."

"Ganoon? How about your mom?"

"Hindi na bumalik sa trabaho si mama simulang dumating sa amin ang kapatid ko. Habang wala pa kami ni papa sa bahay ay siya ang nagbabantay sa kanya. Kapag nakauwi na kami ay doon lang magpapahinga si mama."

Pinagdadasal ko na sana ako ang mananalo rito. Kahit hindi ganoon kalaki ang cash prize na mananalo ay laking tulong rin ito sa pamilya ko.

"Okay, hawak ko na ang resulta kung sino ang ating winner ngayon." Sabi niya at may pinakita pa siyang envelop. "Ang nanalo ay walang iba kundi..."

Ano ba yan? Pabitin na itong host. Ayaw pang deretsuhin kung sino ang nanalo.

"Ang nanalo ay walang iba kundi si Michelle Lopez."

Sabi na nga ba hindi ako yung mananalo rito, eh.

"Mich, ikaw ang nanalo." Sabi ni Jayden at tiningnan ko siya. Tama ba ang dinig ko? Ako ang nanalo?

"Ako?" Hindi ako makapaniwala.

"Yes. Ikaw ang nanalo. Congrats, Mich." Nakangiting sabi niya sa akin.

Agad ako umakyat sa stage para kunin ang prize at trophy.

"Congratulations." Sabi noong host.

"Salamat po."

Ang hirap paniwalaan na ako ang nanalo sa contest. Kung isa lang itong panaginip ay ayaw ko na magising dahil natupad ang hiling ko na manalo. Hindi sayang ang pagod ko para mabuo ang dance steps na naisip ko.

"Congrats, Mich."

"Ang hirap nga paniwalaan na ako ang nanalo sa contest. Pero salamat."

"Ano ang gagawin mo sa cash prize?" Tanong niya.

"Dagdag sa mga gastusin ng kapatid ko. At least may naitulong na ako sa kanila pero maghahanap ako ng trabaho."

Habang wala pa yung board exam ay ibang trabaho na muna ang aaplyan ko. At least magkakaroon na rin ako ng ipon para mapatuloy ko ang pagaaral maging doctor. At kapag ganap na doctor na ako ay pahihintuhin ko na si papa sa double shift niya sa ospital.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon