Chapter 37

323 10 0
                                    

Wala akong choice kundi ang pumunta sa prom night. Hindi ko alam na bumili pala si mama ng gown ko para sa prom night at ayaw ko naman saktan si mama kung hindi ako pupunta kahit labag sa kalooban ko.

Hinatid na rin ako ni papa sa venue since wala naman akong partner para makasabay ko papunta doon. Kahit ba ayaw ko maging wallflower.

"Tawagan mo ko kung tapos na ang prom night niyo." Sabi ni papa. Ayaw ko naman isturbuhin si papa dahil may trabaho pa siya bukas at panigurado akong madaling araw pa kami matatapos nito.
Mas sigurado akong hindi makakasabay sa akin pauwi si Faye dahil si Dante ang maghahatid sa kanya.

Sinalubong na ako ng dalawa kong kaibigan pagkarating ko sa venue.

"Ang akala namin hindi ka makakapunta." Bungad ni Angel.

"Wala ako magagawa. Bumili si mama ng gown na susuot ko ngayon. Ayaw ko naman saktan siya kung hindi ako pumunta."

"Mabuti nga nandito ka para kumpleto tayong apat at parating na rin si Faye." Sabi ni Nathalie. Aba, nauna pa ako kay Faye.

Napansin ko ang daming tao sa may entrance. Ano kaya meron? May VIP pa? Sino kayang artista ang inimbitahan ng school namin? Pero asa. Hindi naman ganoon sikat ang school namin para mag-imbita ng artista.

"OMG! Ikaw ba iyan, Faye? Ang ganda mo ngayong gabi." Sabi ko pagkakita kay Faye.

"Alam mo naman magaling sa make-up si ate. Kahit nga rin ako hindi ko nakilala ang sarili para kasi ibang iba ako ngayon."

Nakakainggit dahil may ate si Faye na pwede mag-ayos sa kanya. Kahit isang nurse ate Kath ay magaling talaga siya maglagay ng make-up. Para ngang expert talaga siya.

Nagsalita na yung host para sa maiksing speech niya at kumain na rin kami. Sa totoo lang kaya ako nandito ngayon para kumain lang. Wala akong gagawin maliban kumain. Ang dami pagpipilian dahil isa itong buffet.

May narinig na ako tumugtog na romatic song. Ibig sabihin ay pwede na sumayaw kasama ang partner nila. Sila lang. Wala naman akong partner. Nakaupo lang ako rito sa table namin habang ang mga kaibigan ko ay masayang masaya sumasayaw sa dance floor kasama ang partner nila.

Inangat ko ang tingin noong may napansin akong nakatayo sa harapan ko. Si Louie. Hindi ko namalayang nandito rin pala si Louie ngayon.

"Bakit ka nagiisa rito?" Tanong niya sa akin.

"Wala akong partner." Sagot ko. Wala nga akong balak umattend ngayon, eh.

"Gusto mo bang sayaw tayo sa gitna?" Nilahad niya ang kamay pero tiningnan ko lang iyon. Hindi ako makapaniwalang tatanungin ako ni Louie. "Mich?"

"Huh? Sorry. Ang paniwalaan na tatanungin mo ko ng ganyan."

"Kaibigan kita kaya ang gawin mo dapat ay ang magenjoy." Hinatawak na niya ang kamay ko para tumayo. Ang kaso noong dumikit ang balat namin ay nakaramdam ako ng kuryente.

Matagal tagal na rin ang huling sayaw ko. Ang huling sayaw ko noong elementary days ko pa. May school event noon sa dating pinapasukan namin ni Faye. Hindi sa nagyayang ay ako ang choreographer dahil magaling ako sumayaw.

"Ang balak ko sana na tumuloy na sa pagaaral."

"Really? That's nice. So, ano ang plano mo?"

"Ang plano ko ay kumuha ng scholarship para hindi mahihirapan sila mama sa tuition fees ko."

Sabagay, masyado ngang mahal ang tuition fees sa college tapos marami rin gastusin. Like projects, reports, etc.

"Ano ang kukunin mong kurso?"

"Noong maliit pa ako ay pangarap ko na maging doctor.
Siyempre bata pa pang ako noon kaya wala pa akong alam kung gaano kamahal ang babayarin per semester pero noong lumalaki na ako ay napapaisip talaga ako kung itutuloy ko pa ba ang pangarap ko."

"Ituloy mo. Sayang rin. Ako nga hanggang ngayon pinagiisipan ko kung nursing na lang ba o itutuloy ko hanggang maging doctor ako."

"Ituloy mo na hanggang doctor. Para pareho tayo maging doctor."

Pareho kami maging doctor? Mahirap iyan lalo na walang sariling oras ang pagiging doctor kahit rin ang nurse. Pero ito rin ang pangarap ko dahil sa mga magulang ko. Kung hindi sila sa kanila ay wala ako ngayon. Kung hindi sila nangkakilala ay wala ako. Malaki ang pagsasalamat ko sa kanila dahil sila ang naging magulang ko.

Pagkatapos ng prom night namin ay hindi ko alam kung tatawagan ko pa ba si papa o hindi. Paniguradong tuloy na iyon ngayon dahil past 1 na rin.

"Hatid na kita sa inyo." Alok ni Louie.

"Huwag na. Mapapalayo ka pa sa inyo at anong oras na rin."

Kahit nga train ay wala na rin sa ganitong oras. Hanggang 9 lang ang train station.

"Ayos lang. Kaysa naman hahayaan kita umuwi magisa o maiwan rito na walang kasama."

"Ayos lang ako." Ngumiti ako kay Louie. "Umuwi ka na sa inyo. Tatawagan ko na lang si papa para sunduin ako."

"Sigurado ka?" Tumango ako sa kanya. "Sige, mauuna na ako sayo."

Naiwanan na nga ako rito magisa ngayon at konti na lang ang tao. Ang iba ay staff sa venue. Kanino ba ako pwedeng sumabay pauwi?

"Kanina mo pa iyang tinitingnan cellphone mo. Kung makakapag salita lang iyan ay kanina pa niya sinasabing matutunaw na ako sa titig mo." Tumingala ako sa nagsalita at laking gulat ko ng makita si Louie.

"Nandito ka pa? May nakalimutan ka ba?"

"Hindi ako umalis kanina dahil binabantayan kita. Ni minsan nga ay hindi ko nakikitang tinawagan mo si tito. Nakatitig ka lang diyan sa cellphone mo."

"Ayaw ko kasing gisingin si papa lalo na may duty pa siya."

"Kaya pumayag ka ng hatid na kita sa inyo at huwag na matigas ang ulo, Mich."

Tumango ako sa kanya. Gusto ko na talaga ang umuwi.

Mabuti na lang ay may taxi na walang pasahero kaya pinara na ni Louie ang taxi at sumakay na kami pareho. Wala nga sa amin ang nagsasalita hanggang makarating na kami sa bahay.

"Salamat sa paghatid sa akin ah." Sabi ko sa kanya.

Gusto ko nga rin yayain si Louie na dito na muna siya magpahinga dahil wala ma siyang masasakyan pauwi sa kanila pero kung gagawin ko iyon ay baka magalit na naman sa akin si papa. Ayaw ko mangyari iyon.

"Dito ka na rin magpahinga." Lumingon ako sa likod. Gising pa si papa.

"Salamat po, tito pero..."

"Ayos lang at alam kong wala ka ng masasaktan pauwi sa inyo sa ganitong oras. Kaya sa umaga ka na lang umuwi sa inyo." Sabi ni papa kay Louie.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon