Chapter 42

347 10 0
                                    

"Sorry, I'm late. Traffic dahil may banggaan kanina."

Napalingon ako sa may entrance at nakita ko si Dante habang kausap niya ang newlywed. Kagulat dahil sumipot rin siya ngayong araw. Pumunta na rin siya sa table ng mga lalaki.

"Bes, obvious ka. Halata kang sinusundan ng paningin mo si Dante." Tumingin naman si Faye sa akin.

"Assuming ka. Hindi ko--"

"Huwag mo na kasi i-deny. You still love him." Sabi naman ni Angel.

"Yeah. Remember umiyak ka pa noong nahuli mo siyang may kahalikan. It's obvious you love him kahit hindi mo sabihin sa amin." Pagsasang ayon ni Nathalie sa aming dalawa ni Angel.

"What are you talking about? I have suitor in US, girls. Umaasa siyang sasagutin ko siya pagkagraduate namin ng college at isang taon na lang din naman." Pinandilatan niya kami ng mata. In denial stage pa kasi si Faye ngayon kaya pagpasensyahan na at sakyan na lang rin ang trip niya ngayon.

"Oh. Yes, si mr. Handsome guy." Sinasakyan ko na ang trip niya ngayon.

"Tell us about this mr. Handsome guy. What his name again?" Kumagat na rin si Angel.

"Lance Soriano. He is really perfect, girls. Kung makilala niyo siya sigurado akong magugustuhan niyo siya. Lalo ka na, Nath baka hiwalayan mo si Eren."

Isa lang naman ang naging kaibigan ni Faye sa US. Walang iba kundi si Lance. Ang Fil-Am na kaibigan ni Faye na sobrang gwapo. I'm so in love with him. Gusto ko na nga siya makilala para makuha ang loob niya. Baka kami ang para sa isa't isa. Kilig ako.

"Hey, walang ganyanan. Kahit kailan hindi ko hihiwalayan si Eren." Ang swerte talaga ni Nathalie kay Eren dahil mahal na mahal siya nito. Kahit mayaman si Eren. Hindi naging sabagal kung ano man iisipin ng ibang tao sa relasyon nila at saka hindi pera nila Eren ang habol ni Nathalie. Bawal judgemental.

"Excuse me, girls." Tumayo na si Faye sa kinauupuan niya kaya nagtataka ako kung ano nangyari sa kanya. "Restroom lang ako."

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Faye. Imposibleng maraming tao sa rest room dahil nireserved itong restaurant para sa wedding reception ng newlywed. Napatingin ako sa kabilang table noong tumayo si Dante.

"Ano nangyari?" Tanong ni Angel.

"Kung hindi lang kasi tanga ang lalaking iyon ay sana masaya pa rin si Faye hanggang ngayon. Siguro naman napapansin niyo may feelings na si Faye noong nasa high school pa lang tayo." Sabi ko sa kanila.

"Yeah, napansin ko nga rin iyan pero mahirap ang sitwasyon nila lalo na dating babaero si Dante." Sabi naman ni Nathalie.

"Ibig sabihin ba noon all this years tinatago lang ni Faye ang nararamdaman niya kay Dante?" Tanong ni Shawn. Tumango ako sa kanya.

"Dahil rin sa no boyfriend policy ni tito hanggat hindi pa tapos sa pagaaral si Faye ay bawal pa siya pumasok sa isang relasyon. Kaya siguro hindi niya masabi kay Dante. At pwede rin takot masaktan dahil nga dating babaero si Dante."

"Lahat tayo ay takot masaktan." Sabi noong Anonymous. Kung sino man ang magsalita ay wala na akong pakialam alamin ang pangalan niya. Hmph.

Anonymous na siya sa akin.

"Mich, nagaway ba kayo ni Louie?" Tanong ni Nathalie sa akin.

"Sinong Louie? Wala akong kilalang Louie."

"Louie, ano ang pinagawayan niyo ni Mich?" Tanong ni Nathalie doon sa Anonymous. Pero walang sagot nataganggap si Nathalie galing sa Anonymous.

Hindi na rin bumalik si Faye. Baka nga tumakas na sila ni Dante pero imposible iyon. Galing pa rin si Faye sa kanya.

Nagpaalam na rin ang ibang bisita pagkatapos ng reception. Kaya magpapaalam na rin ako sa bagong kasal at i-enjoy nila ang honeymoon.

"Nagagalit ka sa isang simpleng bagay na ginawa ko noon." Huminto ako sa paglalakad noong marinig ko ang boses niya.

"Kung sayo isang simpleng bagay lang iyon pero para sa akin ay malaking bagay iyon!"

"Bakit, Mich? Bakit ito ang gusto mong mangyari?"

"Dahil gusto ko makalimutan kung ano man ang nararamdaman ko sayo. Hanggang ngayon ay ikaw–" Huminto ako sa pagsasalita noong naramdaman kong dumikit ang labi niya sa labi ko.

Wait. Did he kissed me?

"Don't stop loving me, Mich." Siya na rin ang humiwalay sa aming dalawa. Kahit ba hindi ito ang unang beses na hinalikan niya ako.

"Para saan pa? Para saktan mo ulit ako? Ayaw ko na, Louie. Sobrang sakit noong nireject mo ko noon. Tanggap ko na kung hindi ba talaga tayo para sa isa't isa kaya hayaan mo ko maging masaya sa iba."

"Kapag ginawa ko ba iyon ay magiging masaya ka ba sa kanila? Mamahalin ka rin ba nila katulad ng pagmamahal mo sa kanila?"

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil tama naman siya. Sa nakikita ko ay ang bilis makahanap ng ibang babae yung mga may balak mang ligaw sa akin noon.

"Mahirap ba akong mahalin kaya wala may gustong mang ligaw sa akin?" Naluluhang tanong ko sa kanya.

"Hindi ka mahirap mahalin, Mich. Tumingin ka sa paligid mo baka may isang lalaki kayang ibalik ang pagmamahal mo."

"Sino?"

"Hindi ko masabi sino. Pero ang pag-ibig ay hindi hinahanap, kundi hinihintay. Kusang dumadating ang tamang tao para sayo, Mich. At kaya ko iyon ginagawa sa mga lalaking may balak mang ligaw sayo dahil alam ko ang intensyon nila sayo. Isasama ka nila sa collection nila. Ayaw ko mangyari iyon kaya..."

"Kaya sinisiraan mo ko?"

"Sorry. Hindi ko intensyon siraan ka sa maraming tao. Wala na akong maisip na ibang paraan para hindi na nila ituloy ang binabalak nila sayo."

"Kung alam mo lang natatakot na akong pumasok sa school dahil sa ginagawa mo dahil pinagtatawanan na ako ng mga estudyante kapag nakikita nila ako."

Ang pagtataka lang kung paano nalaman ni Louie na mahilig ako sa yaoi. Ni minsan ay hindi ko binabanggit sa kanya na mahilig ako doon dahil ayaw ko ma-turn off siya sa akin noon at mas lalong hindi sasabihin ng mga kaibigan ko tungkol doon sa kanya.

"Hindi iyan ang kilala kong Mich. Ang kilala ko ay isang babaeng palaban." Sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Gusto ko na kasi magbago. Baka iniisip nila na isa talaga akong boyish."

"Huwag mo na isipin kung ano man gustong sabihin ng mga tao tungkol sayo dahil ikaw lang nakakilala sa sarili mo. At may mga tao pa rin tatanggap kung ano ka ba talaga. Nandito kami ng mga kaibigan mo at siyempre hindi mawawala ang pamilya mo."

Ngumiti ako dahil tama si Louie. Hindi ko dapat pinapansin kung ano man gustong sabihin ng ibang tao tungkol sa akin dahil hindi naman nila kilala kung sino ba talaga ako.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon