Chapter 67

570 10 0
                                    

May isang doctor na pumasok sa kwarto kung nasaan ako kaso wala si papa. Baka busy. Pero inuuna niya ang trabaho kaysa sa anak niya. Nakakatampo ah.

"Hello." Nakabgiting bati sa amin noong doctor.

"Doc, musta na ang fiancee ko?" Tanong ni Louie. Halatang nagaalala siya sa kalagayan ko ngayon.

"She's fine pero may isang bagay kayo dapat malaman."

"Good news ba yan o bad news?" Tanong ko sa doctor.

"Mich..." Saway ni Louie sa akin.

Sorry na. Gusto ko lang malaman kung good news ba yung sasabihin ng doctor o bad news.

"Of course, good news." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko. Good news daw.

"Ano yun, doc?" Tanong ng katabi ko.

"Ang good news ay buntis si dra. Lopez." My jaw dropped. Literal laglag ang panga ko sa sinabi ng doctor. "Hindi ka na pwedeng magpapagod at magpuyat dahil tatlo kayo."

"What?!" Gulat si Louie sa narinig. Hindi ako makapag salita dahil hindi ako makapaniwalang buntis ako. Hindi pa nga kami kasal.

"Yes, you're having a twins." Binaling niya ang tingin sa akin. "Kinausap ko na rin ang papa mo kanina tungkol rito, Mich."

"Ano sabi ni papa? Galit ba siya?"

"I don't think he's mad. Baka dahil alam niyang magpapakasal rin ang punta niyong dalawa at hindi na kayo mga bata pa. Alam niyo kung ano ang tama at mali."

Nagpaalam na yung doctor sa amin. Kaya pala nahihilo ako kaninang umaga at sinasabi rin nila na namumutla ako dahil buntis pala ako.

"Kainis ka. Hindi pa nga natin pinaguusapan ang tungkol sa kasal tapos ngayon binuntis mo ko agad." Inis na turan ko sa kanya.

"Alam kong ginusto mo naman." Ngumisi pa ito. Bwesit talaga ito. May gana pang inisin ako lalo. "Maybe we should talk about wedding."

"Ayaw ko maging sagabal sa pagaaral mo, Louie."

"Kasal lang ito at hindi kayo magiging sagabal sa pagaaral ko. Nangako ako sayo na makakagraduate ako ng Medicine at maging isang ganap na doctor."

"Hindi iyon. Ayaw ko maisturbo ka kapag magising ako sa madaling araw dahil sa paglilihi ko."

"It's okay. Ayaw kong magutom kayo ng mga anak natin."

Ang hirap paniwalaan na magkakaroon na nga kami ng anak ni Louie. Hindi isa, kundi dalawang bata ang nasa sinapupunan ko.

"Okay, fine. Gusto ko sana magpakasal tayo bago pa lumaki ang tyan ko."

"Alright. Since bakasyon ko na rin naman simula next week ay aasikasuhin ko na yung kasal natin."

"Tutulong ako sayo."

"No need. Ang sabi nga ng doctor kanina ay hindi ka pwede mapagod. Kaya ko na ito."

"Bahala ka. Basta tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka ah."

Dahil busy si papa sa duty ay hindi na kami nagpaalam sa kanya na uuwi. Hinatid na ako ni Louie hanggang sa bahay namin.

"Welcome home, ate. Hello, kuya Louie." Ngumiti lamang ako kay Milo.

"Hey, buddy." Nakipag apiran si Louie kay Milo. Close rin sila, eh. Naalala ko pa kapag nandito si Louie ay tinutulungan niya ako alagaan si Milo.

Ang sarap ng gising ko kinabukasan. Dahil siguro kumpleto ang tulog ko ngayon. Tumingin ako sa orasan and it's already 11:45 am.

Late na ako nagising?! May duty pa ako ng 6:00 am.

Dahil hindi na rin ako nakapasok ngayon. Ano na ang gagawin ko? Ang sabi ng doctor na tumingin sa akin kagabi ay hindi ako na pwede magpuyat ngayon lalo na dalawang bata ang nasa sinapupunan ko ngayon.

Hay naku, Louie. Hindi pa nga tayo kasal ay nagkaroon na agad tayo ng dalawang anak at kailangan madaliin ang kasal. Sigurado akong hindi papayag ang mga magulang ko na hindi kami ikasal.

"Mich, nandiyan ka ba?!" Kumunot ang noo ng marinig ko ang boses ni Faye. Simulang kinasal sila ni Dante ay lumapit na sina Faye at Dale malayo rito. Hindi ko na kapitbahay si Faye ngayon.

Bumangon na ako dahil miss ko na rin ang bruhang iyon. Bihira na lang kasi kami magkita at magkasama na dalawa.

"Bakit ka nandito?" Pagtataray ko sa kanya.

"Binisita ko kanina si mama at nagpasya na rin ako dalawin ka."

"Hindi mo ba kasama si Dale?" Tanong ko sa kanya.

"Nandoon sa mansyon. Umuwi kasi kahapon si kuya Paul at Kota."

Ang first love ni Faye na may anak sa dating nobya. Ang huling balita ko sa kanya ay single father siya.

"Talaga? Ano na balita kay kuya Paul?"

"Wala naman bago. Single father pa rin siya kay Kota– Hindi ako pumunta rito para pagusapan natin ang tungkol kay kuya Paul." Sabi nito na kinatawa ko. "Pumunta nga pala kanina sa bahay si Louie at humihingi ng tulong sa asawa ko. Ano ba ang pinakain mo kay Louie at humihingi bigla ng tulong kay Dante. He's not like that before."

"Wala. Marami na ang nagbago sa kanya simulang bumalik siya galing Paris."

"Hm, I see. But he also mention you're pregnant. Aba, nauna pa ang honeymoon niyong dalawa ah." Natatawang sabi ng kaibigan.

"Tumigil ka, Faye. Nagsalita ang hindi nauna ang honeymoon."

"Kahit maaga ako mabuntis noon kay Dale ay masaya na ako sa pamilya ko ngayon."

Nakikita ko ngang nagiging mabuting ama at asawa si Dante sa kanila. Ang laki na nga ng pinagbago niya simula noon. Hindi na siya yung Dante na kilala ko mga freshmen pa kami.

"Naalala ko pa noong nasa US ako at tinatawagan ko pa siya para kamustahin sila ni Dale."

Sa totoo lang wala akong sa mood makinig sa kwento niya noon. Nagugutom na kasi ako, eh.

"Kumain ka na ba?" Singit ko bigla habang nagsasalita pa siya.

"Yup, bago pa ako pumunta rito. Miss ko na rin kasi ang luto ni mama." Nailing ako. Wala pa rin pinagbago kay Faye kahit may asawa at anak na ay matakaw pa rin.

"Okay. Kakain na muna ako."

Habang kumakain ako ay kwento pa rin nang kwento si Faye kung anu-ano. Pagbigyan na dahil minsan na lang kami magkita na dalawa.

"Ano pala ang sabi sayo ng doctor noong chineck up ka niya?" Tanong niya sa akin.

"Hindi na ako pwede magpuyat ngayon lalo na dalawang bata ang manganganib."

"What?! Kambal ang magiging anak niyo?" Bakas sa mukha ni Faye ang pagkagulat. Sino ba naman ang hindi? Dalawa agad. "Tibay niyo ah."

"Ayaw mo iyon? Madadagan pa ng dalawang kalaro si Dale pagdating nila."

"I don't so. Kapag umabot na sila ng apat na taon ay siyam na taon na si Dale. Kahit labag sa kalooban ko na malapit na maging binata si Dale."

"Bakit kasi hindi niyo sundan si Dale?"

"Natatakot ako. Kapag naalala ko yung nangyari sa akin noong pinagbubuntis ko pa si Dale. Bigla na lang ako dinugo at mabuti nga walang nangyari sa kanya. Malakas ang kapit kaya hindi siya nawala sa amin."

"Hindi papayag ang asawa mo mangyari ulit sayo ang nangyari noon. Basta alagaan mo lang ang sarili mo at huwag ka magiisip na kahit anong problema o makakapag stress sayo."

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon