Masaya na ako dahil naging maayos na ang kalagayan ng kapatid ko kahapon at sana tuloy tuloy na para makalabas na rin siya at makasama na namin. Naghihintay kami mga ate niya.
"Girls, narinig niyo na ba ang balita kumakalat kanina sa campus?" Tanong ni Angel sa amin habang naglalakad sa hallway.
"Nope. Ano ba yung balita?" Sagot ni Faye sa kanya.
"May isang estudyante sa 3rd year class F ay nilipat sa section natin."
Dito sa school namin tig anim na section from 1st year to 4 year. Ang class F ang lowest section at siyempre ang class A ang highest section. Ang pagtataka lang kung bakit may class F lilipat sa section namin.
"Ano? Ang mga nasa class F ay mga pasaway na estudyante." Sabi ko naman.
"Like what Mich said. Pasaway sila at paano naman siya makakalipat sa section natin?"
"Hindi ko rin alam." Binigyan kami ni Angel ng kibit balikat.
Pagdating namin sa classroom ay nagtataka kaming tatlo dahil nagtipon tipon ang mga kaklase namin sa isang sulok. Tumingin kami sa paligid at nakita namin ang isang estudyante nakaupo sa dulo.
Teka, si Eren Gonzaga ba yun?
Siya lang naman ang school bad boy dito. Ang balita ko ilang beses na siya nasuspend dahil sa pinag gagawa niya. Marami na rin ang naospital mapa teacher o estudyante dahil sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi pa nila i-kick out si Eren dito.
"Totoo ba itong nakikita ko?" Mahinang tanong ko sa kanila. Baka kasi nagmamalik mata lang ako.
"Bakit? Sino ba siya?" Tanong naman ni Angel.
"Siya si Eren Gonzaga, ang bad boy ng school campus." Sagot naman ni Faye sa kanya.
"Wala may gusto lumapit kay Eren dahil lahat na estudyante at teacher ay takot sa kanya."
Kahit war freak akong tao ay wala akong balak lumapit sa kanya. Masyado siyang delikadong tao. Lahat na tao dito sa school ay takot sa kanya maliban na lang siguro sa mga baguhan dahil hindi pa nila kilala si Eren.
"Ano ang tinitingnan mo diyan?!" Pasigaw niyang tanong.
"Ah, wala."
"Tsk." Mas sinandal ni Eren ang likuran niya sa upuan.
Napatingin kaming lahat noong bumukas ang pinto sa classroom namin.
"Good morning, classmates!" Tsk. Ang aga aga ang ingay naman ng taong ito. Walang iba kundi si Dante.
"Tsk. Aga aga ang ingay agad." Iritableng sabi ni Eren. Sinabi niya kung ano ang iniisip ko ah. Pero may hindi magandang mangyayari dito.
"Whoa! May naligaw yata sa classroom natin ah."
"Anong sabi mo?!"
"Ang sabi ko maglinis ka na muna ng tenga mo para naman marinig mo ng malinaw."
Aish. Baliw talaga itong si Dante. Gagawa pa ng dahilan para uminit ang ulo ni Eren.
"Pwede ba tumigil kayong dalawa." Nagulat ako ng makita ko si Faye nasa gitna na ng dalawa para pigilan sila. "Aga aga pero magaaway lang kayo!"
Mas nagulat ako sa ginawa ni Eren kay Faye dahil tinulak niya ang best friend ko. Wala siyang karapatan gawin iyon kay Faye. Ang kaso wala akong magawa dahil takot rin ako kay Eren.
"Ayos ka ah!" Nagulat ako sa ginawa ni Dante dahil sinuntok niya si Eren. Si Dante ba ito? Hindi naman siya ganito dati ah at wala siyang pakialam sa paligid niya dahil puro babae lang ang alam niya.
Ito na nga ang inaasahan kong mangyayari. Ang magaaway ang dalawa.
"That's enough!" Napalingon kaming lahat sa sumigaw. Patay ang class adviser namin, si ms. Morales. "Mr. Gonzales and mr. Gonzaga, come to my office now!"
"Wait, ma'am. Wala akong kasalanan--"
"In my office now, mr. Gonzales. At huwag mo na ipaulit sa akin."
Sumunod na sina Eren at Dante kay ms. Morales. Saka naman kami lumapit ni Angel kay Faye.
"Ayos ka lang, bes?"
"Okay lang ako pero ang hindi okay ang mangyayari kay Dante."
"Huwag mo na isipin ang lalaking iyon."
"No, Mich. He's trying to protect me from Eren. Kasalanan ko kung bakit siya nasa office ngayon ni ms. Morales." Tumayo na si Faye at nagmamadaling lumabas ng classroom namin.
That's weird. Wala rin pakialam si Faye kung pinapunta man si Dante sa office ni ms. Morales. Pero ngayon. May something na hindi ko maintindihan.
"Ano ang gagawin natin ngayon, Mich?" Tanong ni Angel sa akin.
"Nagaalala ako sa pwedeng mangyari kay Faye pero naniniwala naman ako sa kaibigan natin. Matalino si Faye kaya alam niya ang ginagawa niya."
"Bakit hindi niyo pinigilan si Faye?" Tumingin ako sa magsalita. Binaba na ni Louie ang binabasa niyang libro. "Wala naman pakialam si Dante kung masuspend pa siya ngayon. Iyon pa ang gusto niyang mangyari kaysa pumasok siya araw-araw."
"Kilala ko si Faye at hindi siya matatahimik kung hindi niya sasabihin kay ms. Morales ang totoo. Alam naman nating lahat ang nangyari."
"Tama si Mich. Inosente si Dante sa nangyari at ang may kasalanan talaga dito ay yung Eren na iyon." Sabi ni Angel.
"Anong klase kang kaibigan kung hindi mo man lang tinutulungan si Dante?" Inis kong tanong sa kanya.
"Kilala ko si Dante dahil siya ang tipong ayaw humingi ng tulong kung alam naman niya ang mangyayari sa kanya." Binalik na niya ang tingin sa binabasa niyang libro.
Maya maya pa ay bumalik na sina Faye at Dante. Ibig sabihin pala ay si Eren lang ang suspend.
"Himala hindi ka suspend sa nangyari kanina." Sabi ni Louie kay Dante. Kaso tiningnan lang siya ni Dante bago umupo sa upuan niya at natulog. Malamang klase na kasi ni sir Martinez.
Nagsimula na ang klase ni sir Martinez. Noong nagpapa recitation siya ay si Faye ang tinatawag pero tulala.
"Ms. Silva... Ms. Silva."
"Bes, tawag ka ni sir." Nandito nga siya pero ang utak nasa malayong lugar. Saan kaya narating ang pagiisip ni Faye?
Agad naman tumayo si Faye dahil kanina pa siya tinatawag ni sir Martinez.
"Yes po, sir?"
"You are not listening. May problema ba?"
"Wala po. Sorry po."
"Okay, you may sit down."
Pagkatapos ng klase namin ay inaayos ko na ang gamit ko para sa susunod na klase namin.
"Ayos ka lang, Faye?" Tumingin ako sa kanila noong tanungin ni Angel si Faye.
"Oo naman." Nakangiting sagot ni Faye.
"Ano pala nangyari kanina?"
Kinuwento sa amin ni Faye ang nangyari kanina sa office ni ms. Morales.
"Hindi naman kasi tama ang ginawa ni Eren na tulakin ka. Hello, babae ka kaya. Kapag nakita ko siya ay sampal ang matatanggap niya sa akin."
"Whoa. Gagawin mo iyon, Gel?"
"Oo, dahil walang pwede manakit na kahit sino sa kaibigan ko mapa lalaki man o babae."
"Kung gagawin mo iyan ay ikaw pa lang ang naglakas loob na sumampal kay Eren." Sabi ni Faye.
Yeah, she's right. Wala pa kasi naglakas loob na lumapit sa kanya. Sampal pa kaya.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Chick-LitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...