Chapter 1

1.6K 37 1
                                    

Like always ay sabay kami ni Faye sa pagpasok dahil malapit lang naman ang bahay namin sa isa't isa at pwede rin namin lakarin ang school.

I never mention nagsimula na pala ang regular class namin at bumoto na kami mga officers sa classroom at student councils. Ang binoto ng mga estudyante bilang president si Faye. Ako kaya ang campaign manager niya. Supportive best friend kaya niya ako.

Ngayon kailangan ko hanapin si Faye. Baka nasa student council room siya kaya doon na lang ako pupunta.

Pagkarating ko sa student council ay nakita ko si Dante at mga halipurot niyang fangirls na pinagkakaisa si Faye.

"Ladies, ladies. Relax lang kayo. Alam naman nating lahat na wala naman may gusto mangligaw sa isang nerd."

"Hoy! Dante Gonzales!" Napalingon silang lahat sa akin kaya tiningnan ko ng masama ang mga hilapurot na fangirls ni Dante at umatras na naman sila na parang natatakot sa akin. Dapat lang kayo matakot. "Bawiin mo ang sinabi mo sa kaibigan ko! Kung ayaw mo basagin ko iyang mukha mo!"

"Why should I? Totoo namang nerd iyang kaibigan mo." Kibit balikat sabay ngisi pa sa akin. Akala mo kung sino gwapo. "Anime su---"

Pati ako ay nagulat sa ginawa ni Faye dahil sinampal niya si Dante sa harap ng mga fangirls niya. Siya pa lang ang unang babae ang sumampal sa kanya.

"Sirain mo na ako kung gusto mo! Tawagin niyo na akong netd! Pero ito ang tandaan mo, mr. Gonzales huwag na huwag mi sisirain ang pangalan ng anime dahil hindi mo ko kilala kapag nagalit sayo." Hinawakan na ni Faye ang braso ko saka umalis na kami. Iniwanan na namin tulala si Dante at ang mga halipurot niyang fansgirls.

Nang makarating na kami sa garden ay doon lang binitawan ni Faye ang braso ko.

"Ugh! Bwesit siya! Akala mo kung sino gwapo."

"I'm so proud of you, bes. Akalain mo iyon magagawa mong sampalin kanina si Dante at ikaw pa lang ang nakakagawa noon sa kanya."

"Sumusobra na siya! Wala naman siyang alam gawin kundi ang lumandi sa mga kababaihan."

"True. Agree ako diyan dahil walang araw na wala ako naririnig na tili ng mga kakabaihan kapag dumadaan iyon."

"Para siya hindi. Kapag dumaan rin si Louie kinikilig ng akala mo wala ng bukas."

"At least kay Louie, hindi kay Dante." Kinakalibutan ako kung si Dante ang gusto ko. Yuck! Magpapakamatay na lang ako.

"Ang cold kaya ng kaibigan niyang iyon. Ni hindi nga marunong ngumiti at palagi buntot ni Dante si Louie."

"Kaya nga tinawag na Cold Prince si Louie pero kapag ako pinansin niya ay matutunaw ang yelo sa kanya."

Napailing na lang si Faye sa akin para banag hindi siya sang ayon sa gusto ko. Siya ang hindi supportive sa love life ko.

"Let's go back to our classroom, Mich. Malapit na rin magsimula ang susunod nating klase."

Pagkarating namin sa classroom ay kami pa lang ni Faye ang nandito.

"Ugh. Math pala ang next class natin, no? I hate Math." Pagmumuktol ko. Sino ba ang may gusto sa Math? Si Faye lang yata dahil weird nitong best friend ko. Siya lang kasi matalino sa Math sa section namin kaya lahat kami nagpapaturo sa kanya kapag may hindi maintindihan.

Nagsibalikan na yung mga kaklase namin dahil malapit na dumating si ms. Morales, ang Math teacher namin. Mabait naman siya sa amin kapag nasa labas ng school pero kapag oras ng klase ay isang seryoso at hindi ngumingiti. Siya lang din ang class adviser namin.

"Good morning, class." Napakurap ako. Kailan pa naging lalaki ang boses ni ms. Morales? Ay, si sir Martinez pala ito. "Sorry kung hindi makakapasok si ms. Morales ngayon dahil nagkaroon siya ng emergency ngayon."

"Yes!" Sigaw ng mga kaklase namin.

"Huwag na muna kayo magsaya, class. May binigay siyang activity sa akin at kailangan niyo gawin."

"Aww, sir pwede po ba bukas na lang iyon?" Reklamo ng isa kong kaklaseng lalaki.

"No, kailangan niyo gawin ito ngayon. Ipasa niyo sa akin ang seat work niyo. Kapag wala ako mamaya sa desk ko, ilagay niyo na lang doon. Pero dapat may isa ang maglalagay sa desk ko para hindi magulo sa faculty." Nilibot ni sir Martinez ang paningin niya sa buong klase hanggang huminto sa katabi ko. Gusto kong tumili sa kilig. "Ms. Silva."

"Yes, sir?"

"Ikaw na lang ang maglagay mamaya sa desk ko."

"Okay po."

Bago pa umalis si sir Martinez ay sinulat na niya muna ang Math problem sa whiteboard na kailangan naming sagutan kaso ang hirap naman ng binibay na seat work. Bakit kasi naimbento pa ang Mathematics. Tsk.

"Bes, paano yung problem number 4?" Tanong ko habang napakamot sa ulo. Wala naman kasi ako maintindihan sa subject na ito. One plus one lang talaga ang alam ko sa Math.

Tinuro na sa akin ni Faye kung paano makuha yung sagot sa problem number 4. Bakit ganoon kapag itong si Faye ang nag-explain ay naiintindihan ko. Masyado kasi mabilis magturo si ms. Morales kaya wala ako masyadong maintindihan sa klase niya. Hindi ko kasalanan na medyo mabagal ako makaintindi.

"Ah, ganoon pala iyon. Salamat."

Nang matapos na kaming lahat na ginagawang seat work ay ibigay na namin kay Faye ang gawa namin. Siya kasi ang inutusan ni sir Martinez na maglagay ng seat work namin sa desk niya pagtapos na kami sa pag gawa. Nakita ko ang pagtayo ni Faye at mukhang pupunta na siya sa faculty ngayon. Kinikilig ako dahil makakausap ni Faye ang crush niya kaso nilapitan pala niya muna si Dante.

"Dante." Niyugyog ni Faye si Dante para magising ito pero wala naman nangyari. Huwag na sana magising pa ang lalaking ito. Ang sama ko, no? Sa kanya lang ako ganito dahil sa simula pa lang ay ayaw ko na sa kanya. Mainit talaga ang dugo ko kay Dante. "Dante Gonzales!"

Kahit anong gawin ni Faye ay hindi talaga nagigising ang lalaking iyon. Mabuti na lang naisipan na ng best friend ko na hayaan si Dante. Hindi naman kasalanan ni Faye kung bumagsak man si Dante sa Math dahil sa hindi pagpasa ng seat work.

Ang hindi ko nga maintindihan kung paano naging kaibigan ito ni Louie? Si Louie pa naman yung tipo na mahilig magbasa ng libro at matalino ring tao katulad ni Faye. Pero Dante ay kabaliktaran sa kaibigan nito. Sobrang tamad at walang future.

Napailing na lang ako dahil ayaw ko ng isip ang bagay na iyon. Wala naman akong pakialam sa lalaking ito, eh.

~~~~

Hi, guys! Sorry kung slow update na muna ito ah. Tinatapos ko lang yung iba bago ito.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon