Whoa! Hindi ko inaasahan ang unang maglalaban ay ang magkapatid. Ang team nina Dante at mr. Martinez.
Noong nagsimula na ang laban ay wala nga sa kanila ang may gustong magpatalo. Binibigay talaga ang best nila.
"Bes, sino ang gusto mo i-cheer? Ang past or ang present?" Tanong ko kay Faye at mabuti nga lang ay maingay ang gym dahil sigawan ng mga tao. Sinusuportahan nila ang dalawang team.
Hindi nga agad nakapag salita si Faye. Mukhang nahihirapan rin siya kung sino sa dalawa ang susuportahan niya. Ang first love ba o mangliligaw ang susuportahan niya?
"Hindi ko alam. Ang hirap at saka hindi ko naman inaasahan ganito ang mangyayari sa unang araw ng labanan. Teka nga, nasaan pala sina Angel at Nath ngayon? Hindi ko pa kasi sila nakikita simulang pumasok ako kanina." Tumingin si Faye sa akin.
"Hindi daw makakapasok si Nath ngayon dahil kailangan daw niya tulungan ang mama niya. Tutal, hindi naman talaga requirement ang pumunta ngayong araw hanggang finals ng laro. Na sa atin naman kung gusto nating pumunta ngayon, eh. Si Angel naman may pinuntahan yata kaninang umaga pero ang sabi ay hahabol na lang siya mamaya." Tumingin na rin ako sa kanya. "Ano na ang balak mo sa last day ng school festival?"
"I don't know. Pagkatapos siguro ng awarding ay uuwi na rin ako."
"Hindi ka sasayaw pagkatapos? Baka yayain ka ni Dante sumayaw."
"Nah, pagod pa kasi ako dahil sobrang dami nating ginawa ngayong linggo. Since Sunday naman iyon at pwede naman umuwi after awarding. Gusto ko lang naman malaman kung sino mananalo sa booth contest ngayong taon."
Napatingin ako noong tapos na ang 1st quarter at lamang ang team ni mr. Martinez. Aba natatalo yata si Dante ngayon ah. Isa kasing magaling sa basketball si Dante pero ni minsan ay hindi siya sumasali sa basketball club. Ewan ko sa kanya kung bakit.
"Go! Dante!" Tumingin ako kay Faye parang hindi na maganda ang timpla ng mukha ngayon noong may sumigaw sa likuran namin para suportahan si Dante. Kung hindi ko lang kilala si Faye ay baka iisipin kong may gusto na siya kay Dante.
"Mich, punta na muna ako sa canteen para bumili ng makakain ah. Nagutom ako bigla." Paalam ko sa kaibigan kaya nag-excuse ako sa mga tao para padaanin ako. Nakatingin lang ako kay Faye habang umaalis siya sa pwesto niya kanina. Alam ko naman walang tao ngayon sa canteen dahil nandito lahat na tao sa gym.
Grabe ang labanan. Wala talaga nagpapatalo sa dalawang team. Ganito pala ang mararamdaman kapag nakapanood ka ng live na basketball tournament. Sobrang tense.
Ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Faye at tapos nga rin ang 3rd quarter. Lamang na ngayon ang team ni Dante ng 1 point. Tumayo na rin ako habang hindi pa nagsisimula ang 4th quarter para puntahan si Faye sa canteen. Nakatanggap nga rin akong message galing kay mama.
From Mama;
Anong oras ka uuwi ngayon?
To Mama;
Pagkatapos po ng laro. Uuwi po agad.
Nakita ko palinga linga si Dante sa buong gym. Hinahanap ba niya si Faye? Pwede.
Paglabas ko sa gym ay nakita ko na ang pagbalik ni Faye. Ang tagal niyang kumain ah.
"Ang tagal mo naman kumain. Sana naman dinala mo na lang yung binili mong food sa gym para hindi ako naghintay sa pagbalik mo." Pinagkrus ko pa ang mga braso ko.
"Sorry. Tapos na ba yung laro?"
"Hindi pa. Kakatapos pa lang ng 3rd quarter at lamang ang team ni Dante ng 1 point. Noong matapos nga ang 3rd quarter ay mukhang hinahanap ka ni Dante." Sabi ko na kinunot ng noo ni Faye.
"Bakit naman? Bakit hindi na lang siya doon sa babae nasa likuran natin? Tinalo pa ng tili niya ang sigaw ng mga estudyante sa loob ng gym kanina." Inis na sambit ni Faye parang selosong girlfriend.
"Hay naku, Faye. Kung hindi lang kita kilala baka isipin kong nagkakagusto ka na kay Dante ngayon. Halika na nga at bumalik na tayo sa loob." Sabay hatak sa braso niya. Sakto nga pagbalik namin ay nagsimula na ang 4th quarter pero wala na kaming mauupuan dahil ang daming tao "Wala na tuloy tayo maupuan. Ang tagal mo kasi bumalik."
"Sorry na kasi."
Wala na kaming choice kaya nakatayo na lang kami ni Faye ngayon. Ano kaya ang nangyari kay mr. Martinez ngayon? Hindi na siya naka score ngayon. Palagi kasi siya binabantayan ni Dante at minsan ay naagaw aa kanya ang bola.
Natapos na ang laro at nanalo ang team ni Dante. Todo cheers ng mga estdyante sa dalawang team kulang na nga lang maubusan sila ng boses kakasigaw. Pero pakiramdam ko ay sinadya ni mr. Martinez magpatalo kay Dante. Siguro may dahilan siya kung bakit niya iyon ginawa.
"Congrats." Tumingin ako sa kanila at halatang naiilang tumingin si Faye kay Dante.
"Thank you for the cheers, Faye." Sabi ni Dante sa kanya. "Wait lang. Babalik ako sa locker room para magpalit ng damit dahil amoy pawis na ako. Mich, huwag kayo aalis na dalawa ah. Wait niyo lang ako."
"Oo na." Sagot ko. May magagawa pa ba ako kahit sinabihan ko si mama na uuwi ako agad pagkatapos ng laro.
Tumakbo na si Dante papunta sa locker room nila ay nakita ko si mr. Martinez na ngumiti kay Faye bago pa siya umalis.
"Nakita mo iyon, bes? Nginitian ka ni sir kanina bago pa siya umalis. Haba ng hair mo ah." Pang aasar ko sa kanya. Hanggang ngayon kasi kinikilig pa rin ako sa love team nila kahit tinapos na ni Faye ang kabaliwan niya kay mr. Martinez.
"Alam mo ba, Mich. May balak pala si kuya Paul na ligawan ako pagkatapos ng graduation natin." Nagulat akong lumingon sa kanya. Hindi ko inaasahan gusto rin pala ni mr. Martinez si Faye. Sabagay, maganda at matalino na nga ng kaibigan kong ito.
"Talaga? Pero nagbago ang isip dahil aalis siya papuntang Japan?"
"Kung hindi lang niya ako nireject ay siguro hanggang ngayon kinikilig pa rin ako."
"Pero wala. We can't changed the past."
Nakita ko na ang pagbalik ni Dante. Mabuti na lang hindi niya kami pinaghintay ng matagal dahil hinihintay na ako ni mama sa bahay. Akala mo pa naman ang kayo ng bahay namin sa school.
"Tara." Alok niya.
"Mauuna na ako sa inyo ah. Nagtext si mama sa akin kanina at ang sabi ko uuwi ako pagkatapos ng laro." Paalam ko sa kanila. Ayaw ko rin maging third wheel sa kanila, no.
Pagkalabas ko ng gym ay nakita ko si Louie. Kung sino pa ang ayaw kong makita ngayong araw ay siya pa talaga ang makikita ko ngayon. Tsk.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Literatura FemininaSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...