Chapter 49

369 9 0
                                    

"Wala yun. Kalimutan na lang natin kung ano nangyari kanina."

"At saka pumapayag na ako maging partner kita sa darating anime event."

"Okay. Sino naman ang gusto mong gayahin? Wala ako masyadong alam sa anime."

Wala pala ako sinabi sa iba kung sino nga ba talaga ang gagayahin ko. Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam kung sinong anime character ba ang gagayahin namin.

"Anong anime ba ang alam mo? Yung pinapanood mo."

"Hm, Fairy Tail? Kaya lang hindi ko natapos yung last season noon."

"Fairy Tail?" Napaisip ako bigla kung sino ba magandang gayahin sa Fairy Tail? Hindi kasi ako masyado nanood ng Fairy Tail. Hanggang season 1 episode 3 lang ako doon at hindi ko na tinuloy. Ewan ko ba kung bakit. "How about Natsu and Lucy?"

"Natsu and Lucy? Okay, then. But don't expect me I have abs."

Kumunot bigla ang noo ko. Gusto ko matawa dahil may abs nga pala si Natsu. Hindi bagay kay Louie. Tsk. Dapat pala si Gray at Juvia na lang ang sinuggest ko. Mas bagay pa kay Louie maging Gray dahil kapangyarihan ni Gray ay yelo. Oh, diba? Bagay na bagay. Ang hindi lang bagay wala siyang abs. Kahit si Gray ay may abs rin.

"Ang kapal ng mukha mo. Bakit naman ako aasa na may abs ka? Halata namang hindi ka pumupuntang gym. Kahit nga noong high school tayo ay hindi ka sumasali sa ginagawa sa PE. Puro ka kasi libro. Ang boring ng buhay mo."

"Ang sakit mo naman magsalita. At least marami ako natunanan sa mga binabasa kong libro at hindi boring ang buhay ko."

"Nerd."

"Okay na maging nerd kaysa kagaya mong war freak."

"Ang kapal talaga ng mukha mo, no? Kahit kailan ay hindi ako war freak."

"Kaya nga walang sumeser–" Biglang nakatikim na isang sampal si Louie mula sa akin dahil hindi ko gusto ang gusto niyang sabihin sa akin.

"Tandaan mo ikaw ang may dahilan kung bakit walang may gustong lalaki. Akala mo hindi ko malalaman kung ano ang ginagawa mo. Ang dahilan mo kung bakit ka talaga lumipat sa school ko."

"Tsk. Manhid!" Sabi niya saka umalis sa harapan ko.

Manhid? Sino ba ang sinasabihan niyang manhid? Ako ba? Kailan pa ako maging manhid ah? Kahit kailan hindi ako naging manhid sa paligid ko.

"Hoy, Louie! Sinong sinasabihan mong manhid?!" Sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Hindi na niya narinig ang tanong ko.

Bwesit talaga siya. Mauntog sana ang ulo niya at magawan naman niya ako mahalin. Hay naku, umaasa pa rin ba ako balang araw ay mamahalin rin ako ni Louie?

Gumising ka na sa katotohanan, Mich. Hindi ka magagawang mahalin niyan. May girlfriend na, oh!

Siguro nga kailangan ko na talaga turukan ng ilang anaethesia kung paulit ulit na lang ako masasaktan sa isang lalaki. Para tuloy gusto ko na talaga maging manhid.

Bumalik na ako sa iba pero wala na sina Faye at Dante. Ang sabi nila ay gusto na daw umuwi ni Faye at magpahinga. Isa pa si Dante ang laki ng pinagbago simulang nahulog siya kay Faye. Ang swerte ni Faye sa kanya tapos magkakaroon pa sila ng anak. Ako naman malas sa pag-ibig.

"Hindi pa rin ba kayo nagkaayos ni Louie? Pagbalik niya kanina ay nagpaalam na sa amin mauuna na daw siya." Tanong ni Angel sa akin.

"Siya kasi, eh. Tinawag pa naman akong war freak."

"Paano na yan? Gusto ko pa naman kumpleto tayong lahat." Ani Nathalie.

Naiinis na talaga ako. Hindi ako naiinis sa mga kaibigan ko, kundi kay Louie. Akala mo kung sino na.

"Sorry, Nath kung nasira ko ang gusto mong gawin sa darating na anime event."

"Wala na rin naman ako maga– Hey. Bakit ka umiiyak?" Takang tanong niya sa akin. Umiiyak na pala ako.

"Sobrang sakit na kasi ng nararamdaman ko ngayon."

Habang kausap ko kanina si Louie ay pinipigilan ko lang na huwag umiyak sa harapan niya. Ayaw ko malaman niyang nasasaktan ako ngayon pa ay may girlfriend na siya.

"Bakit? Ano nangyari?" Tanong ni Angel.

"Mahal ko pa rin siya pero ang masakit noong nalaman kong may iba na siya ngayon."

"May girlfriend na si Louie?" Gulat na tanong nilang dalawa.

"What? Ang hirap paniwalaan na may girlfriend na siya ngayon." Sambit ni Eren. Kahit si Eren ay hindi makapaniwala.

"Huwag na kayo magtaka kung magkaroon man ng girlfriend si Louie dahil–"

"Shawn..." Awat ni Angel kay Shawn.

"Opps... Sorry." Umiling na lang ako sa kanya. "Win-win pa rin naman. May fiance ka na."

"Ano ba pinagsasabi mong may fiance na ako? Wala nga akong boyfriend kaya imposible na may fiance ako." Kung kailan gusto ko magemote pero ginagalit talaga ako ni Shawn. Pinagpipilitan talaga niyang may fiance ako.

"Sus, Mich. Nakita nga kita noong isang araw na may kasamang lalaki sa mall."

"Mall?!"

Kailan ba ako pumunta ng mall at isang lalaki ang kasama ko? Hindi ako papayagan ni papa na pumunta ng mall dahil kapag malaman niya kung sino ang kasama ko ay papagalitan ako.

"Yes. May itsura, maputi at sa tingin ko matangkad ng kaunti kay Louie."

"Ah. Si Jayden."

"Jayden Anderson ba ang buo niyang pangalan?" Tanong ni Eren na kinagulat ko.

"Paano mo nalaman ang buong pangalan ni Jayden?"

"Kaklase ko siya noong college. Pero sa nakikita ko naman mabuting tao si Jayden dahil halos lahat na estudyante sa school ay kilala at kaibigan siya."

Sikat pala si Jayden noong college. Ang dami kasi naming similarities ni Jayden kaya siguro naging close friend kami agad. Una na doon ang hilig namin sa pagsasayaw.

"Saan mo siya nakikala, Mich?" Tanong ni Angel sa akin.

"May sinalihan ako noon na isang dance contest at isa si Jayden sa mga nakalaban ko."

"Ang daya! Hindi mo sinabi sa amin na may dance contest ka pala sinalihan noon. Bakit pala may dance contest ka sinalihan?"

"Hindi ko rin alam. Biglaan lang na may dance contest na gaganapin noong sinabi sa akin ng kaklase ko." Sagot ko kay Angel.

"Hindi mo man lang sinabi sa amin kung kailan ginanap yung contest. Ang sabi mo sa akin noon in 3 months pero hindi mo sinabi ang saktong araw. Susuportahan ka namin kahit iba ang paaralan na pinapasukan natin."

"Thank you, guys and sorry kung hindi ko nasabi sa inyo. Masyado na kasing occupy ang utak ko tapos kinakabahan pa ako.

"Nanalo ka ba?" Tanong ni Nathalie.

Sinabi ko na sa kanilang lahat kung ano nangyari noon sa dance contest at sinabi ko rin sa kanila na hindi ako agad naniwala na ako ang mananalo sa contest. Masaya ang mga kaibigan ko para sa akin.

"Sabay ka na sa amin, Mich." Alok ni Nathalie sa akin.

"Huwag na. Kaya ko naman umuwi magisa." Tanggi ko. Ayaw ko rin kasi maging third wheel at baka maiggit lang ako.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon