Sawakas ay tapos na rin ang final exams namin kaya Summer vacation na rin. Makakapanood na ako ng mga anime.
The next day, tinanghali na nga ako ng gising dahil kung ano na ako natulog kagabi. I think past 3 am or around 4 na rin siguro yun. Wala pa si mr. araw.
"Mich!" Kukuha na sana ako ng sunny side-up noong marinig ko ang boses ni Faye. Si Faye lang naman ang pwedeng bumalabog sa bahay namin sa ganitong oras.
"Aga aga makasigaw ka diyan wagas, Faye." Inis na sambit ko. Ito kasi agad ang bumungad sa akin.
"Anong aga pa? It's already 11:05am, almost lunch na nga kaya."
"Ano ba ang kailangan mo at nandito ka ngayon sa bahay?"
"Punta tayo sa Ocean Park this Friday, please? Para kasing gusto ko makita ang mga animals doon."
"Bakit hindi na lang sa zoo? Ocean Park pa talaga. Ang layo kaya noon."
"Mas malayo ang zoo at ayaw ko na doon dahil noong grade school tayo ay doon palagi ang field trip natin kaya nakakasawa na makita ang mga animals sa zoo."
"Sige, sige. Pupunta tayo sa Ocean Park this Friday. Kung hindi lang kita mahal diyan, hindi ako papayag."
"Thank you, Mich. Kaya mahal na mahal kita, bes." Niyakap ako ni Faye. Dahil diyan kaya hindi na ako makakain ng agahan nito. Actually, brunch ko na ito. "Wala ng bawian ah."
"Oo. At saka bitawan mo na ko dahil kumakain pa ako." Binitawan na nga ako ni Faye baka magbago pa ang isip ko kapag hindi siya sumunod. Siyempre hindi ko iyon gagawin sa kaibigan. Gusto ko rin pumunta sa Ocean Park.
"Ano pala magandang anime ngayon? Ang dami kasi nakalista sa anime list ko pero hindi ko alam kung alin ang uunahin ko." Tanong ni Faye sa akin habang abala ako sa pagkain.
"Try mo panoorin ang yaoi anime. Marami akong collection sa laptop ko." Sugget ko at ngumiti ako ng napakaloko. Sa dami pwedeng tanungin sa akin kung ano pa magandang anime ang pwede niyang panoorin. Alam naman ni Faye na BL ang madalas ko pinapanood.
"Mich naman. Alam mo namang wala akong interest sa hilig mo. Matutuwa na sana ako sa huling bigay mo sa aking anime noong grade school pa lang tayo, tanda mo yung Gakuen Heaven? Proud pa ako dahil ang daming gwapong lalaki doon. Tapos yung dalawang bida nag-kiss." Pinaghahampas niya ang braso ko. Hindi na tuloy ako makakain ng maayos. Ikaw kaya makakain ka ba ng maayos kung pinaghahampas ang braso mo?
"At least hindi yung crush mo ang hinalikan sa ending noon." Sabay tawa ko. Sarap rin kasi asarin si Faye lalo na alam kong ayaw na ayaw talaga ang yaoi anime. Sinusumpa daw niya talaga ang binigay ko sa kanyang anime.
"I hate you! Guguluhin ko na lang si Angel kung may maibibigay ba siya sa aking magandang anime."
"Si Angel? Seryoso? Katulad ko rin kaya iyon." Nakita ko kung paano sumimangot ang kaibigan kong ito. Nakalinutan na yata niya pareho kami ng hilig ni Angel.
Sa messenger ko na lang kinakausap si Angel tungkol doon dahil ayaw ko malaman ng ibang tao ang hilig ko. Especially, Louie. Baka kasi ma turn off siya sa akin kapag nalaman niyang mahilig ako sa BL at baka isipin niyang gagawin ko rin sa kanya iyon. Kahit gusto ko makakita ng real life fanservice ay ayaw ko mangyari iyon kay Louie. Ngayon ay ayos lang na malaman niya dahil hanggang friend lang ang tingin niya sa akin. Wala na akong pakialam kung ma turn off pa siya kapag malaman niya mahilig ako sa boy x boy.
"Eh, si Nath na lang guguluhin ko. At least iyon pareho na kami ng hilig. Pareho kami mahilig sa normal couples unlike you and Angel, ang weird ng taste. Paano na lang kung malaman mong lalaki pala ang gusto ni Louie? Titili ka ba?"
Parang kakasabi ko lang na ayaw ko mangyari iyon kay Louie tapos iyon ang tatanungin sa akin ni Faye. Hanep!
"Lalaki? Bakit mo naman naisip na lalaki ang gusto ni Louie?"
"Kasi naman wala siyang interest sa babae, baka lang lalaki ang hanap niya talaga."
"Imposible. Hindi halatang lalaki ang hanap niya. Kaya lang naman niya ako nireject noon dahil ayaw niya ako umasa at masyado pa daw kaming bata. Katulad mo rin si Louie, Faye ang pagaaral na muna ang inaatupag. Gusto kasi niya makatulong na agad sa pamilya niya."
Matagal ko ng tanggap ang nangyari noon at move on na rin ako sa kabaliwan ko.
"Kinausap ka ba ni Louie bago niya akong lapitan at humingi ng sorry noong Valentines?" Tanong ko sa kanya. Matagal na ako may duda na may kinalaman doon si Faye pero ni minsan ay hindi ko tinangkang kausapin siya tungkol doon. Since nandito na rin naman siya kaya lulubusin ko na.
Hindi agad nakasagot si Faye.
I knew it.
May kinalaman nga siya sa ginawa ni Louie noong Valentine's day. Kilala ko si Louie dahil hindi siya magbibigay ng bulaklak sa akin. Ano ba ako? Hindi ba? Kaibigan lang niya ako. Hindi ako special friend para sa kanya para bigyan ng bulaklak na walang dahilan.
"Yup. Tanda mo noong school festival natin? Kaya ako natagalan pagbalik sa gym dahil kinausap ako ni Louie. Humingi rin siya ng sorry sa akin pero ang sabi ko sayo siya humingi ng sorry hindi sa akin."
"Kaya pala nakakapagtataka na binigyan niya ng flower noong Valentines. Akala ko nga peace offering sa church pero nakikita ko namang nagsisi siya sa ginawa niya noon kaya pinatawad ko na rin. Pero alam ko namang hindi ka basta basta tumutulong kung walang kapalit. Kilala kita, Faye." Seryosong sabi ko. Knowing Faye, hindi siya tumutulong na walang kapalit.
"Sorry na, Mich. Gusto ko lang kasi magkaayos kayong dalawa at ang sabi mo nga mukhang nagsisi na si Louie sa nangyari. Nakikita ko ang guilt sa mga mata niya."
"Ano naman ang kapalit?"
"Ililibre niya ako."
"Ibang klase ka talaga kahit kailan. Ipagpapalit mo ko sa pagkain."
"At least mabubusog naman ako at hindi ako makatanggi sa grasya." At proud pa talaga siya ah. Kaya napapailing na ako sa ginawa niya.
Pinagpalit ako sa pagkain. Ganyan iyan si Faye basta libre ay mabilis pa siya sa cheetah. Kahit pinagpalit ako sa pagkain ay mahal na mahal ko iyang si Faye.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ЧиклитSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...