Chapter 38

339 10 0
                                    

Ngayon na ang graduation namin. Masaya at nalulungkot ako ngayon. Masaya dahil graduate na kaming lahat. Malungkot dahil magkakahiwalay na kami at bihira na lang magkita kita. Mamimiss ko ang mga kaibigan ko lalo na si Faye.

Dahil si Faye ang Valedictorian kaya siya ang magbibigay ng speech sa stage. Nagpapasalamat siya sa mga classmates at teachers namin. Nagbibiro pa nga siya habang binabasa ang speech niya pero nasa kalagitnaan na siya sa binabasa niyang speech ay nakita kong huminto sa pagsasalita si Faye dahil umiiyak na siya. Ayaw ko makitang umiiyak ang kaibigan ko.

Pagkatapos ng graduate ay yung ibang estudyante ay kumuha ng picture kasama ang mga kaibigan nila. Nagpasya kami na huwag na kumuha ng picture dahil ang dami na namin pictures na magkakasama.

Ngayon nga rin pala ang flight ni Faye papuntang US. Kung pwede nga lang kausapin si Faye na huwag na siya tumuloy pero gusto niyang makasama ng matagal si tito. Pangarap kasi niya makasama si tito kasi noong maliit pa kami ay bihira lang makasama ni Faye ang papa niya. Bakit kasi nasa US ang main branch ng kumpanya nila? Tama magsisi daw ba.

"Mich." Tumingin ako kay Angel. "Saan ka magaaral?"

"Hindi ko pa alam. Ang dami ko kasi pagpipilian pero susubukan ko lahat. Kung alin anong school ako pasado baka doon na rin ako mageenroll. Kayo?"

"Pinapasama rin ko ni Eren sa unibersidad na gusto niyang pasukan kaso pang mayaman ang paaralan na iyon. Hindi kaya ng pamilya ko ang gastusin doon. Kaya nagpasya ako mag enroll sa malapit lang."

"Pwede ka naman kumuha ng scholarship para wala ka ng gastos. Gaya ni Louie na kukuha daw siya ng scholarahip."

"Paano mo nalaman kung ano ang plano ni Louie? Baka may tinatago ka sa amin ah." Ani Angel.

"Wala ah. Sinabi niya sa akin noong isang gabi na kukuha siya ng scholarship para tumuloy siya sa pagaaral. Sayang rin kasi kung hihinto siya sa pagaaral."

Pangarap pa naman niyang tulungan ang mga magulang niya. Maganda kung tapos sa pagaaral para may magandang trabaho. Kung isa ng ganap na doctor si Louie ay matutulungan na niya ang pamilya niya.

"Iba na iyang closeness niyong dalawa ni Louie ah. Baka may something na kayo." Sambit naman ni Nathalie.

"Baliw talaga kayo. Kaibigan lang ang turing sa akin ni Louie at tanggap ko na iyon. Na friendzoned ako."

Natuto na ako. Hindi dapat ako umamin kaagad kung hindi pa sigurado kung may gusto rin ba siya sa akin. At saka hindi ako nagmamadaling magkaroon ng boyfriend pero kung may balak mang ligaw sa akin sa papasukan kong unibersidad sa pasukan. Why not? Kaso asa. Kapag nakilala nila ako baka hindi pa nila itutuloy ang pang liligaw nila sa akin. Sinong matinong lalaki ang magkakagusto sa isang babae na mahilig sa boys love? Ang gusto ko sa isang guy ay yung tatanggapin ako kahit ang pagkahilig ko manood ng boys love.

Nakita ko ang pagbalik ni Faye sa gym. Pero bakit siya umiiyak? Umiiyak ba siya dahil aalis na siya ng bansa? O may iba pang dahilan? Pagkalapit niya sa amin ay niyakap niya ako.

"Bes, what's wrong?"

"Niloko lang pala niya ako, Mich. At ako naman ang nagpaloko sa kanya. Ang sakit sakit."

Parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy ni Faye. Ano na naman ba ang ginawa ni Dante? Akala ko ba mahal niya si Faye tapos ngayon lolokohin pa niya ang kaibigan ko. Humanda talaga siya sa akin.

"Shh, tahan na. Nandito lang kami para sayo." Sabi ni Angel.

"Malalagot talaga sa akin si Dante kapag nakita ko siya mamaya." Inis na sambit ko. Bwesit siya. Ito na nga ang huling araw ni Faye dito sa Pilipinas dahil ilang taon siya sa US tapos ganito ang gagawin ni Dante. Sarap talaga pumatay ng tao kung pwede nga lang.

Maagang umalis sila Faye dahil mamayang gabi na ang flight nila tito. Nalulungkot ako dahil sa video calls na lang kami magkakausap ni Faye. Wala na yung pupunta sa bahay sobrang aga para mang gulo.

Ganoon ka rin naman ah, Mich. Pumupunta ka sa bahay ni Faye sobrang aga para mang gulo.

Fair and square.

"Guys." Tiningnan ko ng masama si Dante noong dumating siya sa gym. "Alam niyo na?"

"Hindi ba obvious?! Akala ko ba mahal mo si Faye ah?! Bakit mo siya niloko?!" Galit ko sa kanya. "Alam mo bang kung pwede nga lang pumatay ng tao ay ngayon pa lang pinatay na kita."

"Makinig na muna kayo sa akin. Hindi ko inaasahan ganoon ang mangyayari. May isang babae kasi ang gusto makipag usap sa akin kanina kaya pumayag ako. Gusto niya makipag balikan ako sa kanya pero tumanggi ako dahil si Faye na nga ang mahal ko. Kaso hindi ko inaasahan hahalikan niya ako at nakita iyon ni Faye."

"Huwag ka sa amin magpaliwanag. Ang kaibigan namin ang sinaktan mo, hindi kami." Sabi ni Angel habang naka cross arms ito.

"Nasaan na si Faye?"

"Umalis na dahil mamayang gabi na ang flight nila." Sagot ni Nathalie sa kanya.

"Ano?! Kailangan kong maabutan si Faye sa airport."

Good luck sa kanya. Ang layo pa naman ng airport sa school namin tapos traffic pa papunta doon.

"Hindi mo ba pipigilan si Dante?" Tanong ni Nathalie sa akin.

"Baka nga hindi na niya maabutan si Faye sa airport. Ang layo pa ng airport sa school natin tapos traffic pa papunta doon."

"Sobrang traffic nga papuntang airport. Ang akala nga namin noon ay mahuhuli na kami sa flight sa sobrang traffic." Sambit ni Angel.

"Kailangan pala maaga pumunta doon para hindi mahuli sa flight." Tumango ako kay Nathalie. Kaya ko lang naman alam dahil may kamag anak kami sa ibang bansa. Natatakot nga si papa na mahuli pagsundo sa kamag anak namin sa airport sa sobrang traffic.

"Nath, let's go." Yaya ni Eren sa kanya.

"Sige, girls. Alis na ako ah."

"Una na rin ako." Paalam rin ni Angel. "Kita na lang tayo sa kuhanan ng grades."

"Sige, ingat kayo."

Puntahan ko na nga ang pamilya ko sa parking lot dahil doon sila naghihintay sa akin para mag-celebrate. Nag-leave pa talaga si papa para sa graduation ko kasi ito ang hiling ko na lahat sila makadalo sa graduation ko. Minsan na lang kami nakakasama lahat sa sobrang busy ni papa sa ospital.

"Mich!" Lumingon ako sa likod. Nakita ko si Louie tumatakbo papunta sa direksyon ko at may inabot siya sa akin isang box. "Para sayo nga pala."

"Nag abala ka pa. Wala akong regalo sayo."

"Ayos lang. Pasalamat na rin iyan dahil natuwa ang kapatid ko sa niregalo mo sa kanya noong birthday niya."

"Wala iyon. Maliit na bagay."

"Sige, alis na rin ako." Paalam ni Louie at tumakbo na ulit siya palayo sa akin.

Tiningnan ko ang box na hawak ko. Ano kaya ang laman nito? Mamaya ko na nga lang buksan paguwi sa bahay.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon