Chapter 3

996 31 1
                                    

Pagkagising ko kinaumagahan ay naligo na ako at kumain na rin ng almusal ko.

Maaga pa naman kaya hindi ko naman kailangan magmadali at saka hindi naman ako si Faye na minsan ay late pumasok dahil anong oras nagigising sa kakapanood ng anime. Kahit late minsan ang kaibigan kong iyon ay palagi naman siya pasado sa mga subjects namin. Ang talino kaya niya pero mahina naman siya sa Filipino subject. Oh diba? Akala mo pa naman hindi lumaki sa Pilipinas, eh.

Masyado yata ako magenjoy sa pagbabad sa bathtub kaya nakalimutan ko na ang oras. Kaya ito nagmamadali na ako kumilos baka kasi mahuli pa ako sa first class namin.

"Mama, alis na po ako!" Paalam ko kay mama at sinuot ko na ang sapatos ko.

"Magiingat ka, anak." Sabi ni mama.

Kasama naman ni mama si papa sa bahay dahil mamayang gabi pa naman ang shift niya sa trabaho. Mabuti nga nakisabay ang schedule ni papa dahil nasa bahay na rin ako bago pa siya papasok.

Dinaanan ko na muna si Faye sa kanila para sabay na kami papasok sa school at nakita ko si tita palabas ng bahay nila.

"Good morning po, tita. Si Faye po?"

"Good morning rin sayo, Mich. Maagang pumasok kanina si Faye. Ang akala ko nga ay sabag na kayo pumasok kanina."

That's weird. Ang aga naman yata ni Faye ngayon. Akala mo pa naman ang layo ng bahay namin para magmadali pumasok.

"Sige po. Salamat."

Pagkarating ko sa school ay malapit na magsimula ang first subject namin pero habang naglalakad ako sa hallway ay naririnig ko ang usapan ng ibang estudyante.

"Alam mo ba ang balita ko ay bagong lipat daw na estudyante."

"Talaga?"

"Oo. Nakita ko kasi siya na pumasok sa principal's office at kausap rin siya ng ilang teacher natin."

Oh. May bagong lipat pala sa school namin. Sana nga lang kaklase namin at kaibiganin namin ni Faye. Mas marami, mas masaya. Friendly naman akong tao kaya nga naging magkaibigan kami ni Faye. Huwag lang nila sasaktan ang best friend ko kung hindi ako ang makakalaban nila.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay wala pang teacher kahit nga rin si Faye ay wala pa rin. Pumunta na ako sa pwesto ko kung saan ako umuupo tuwing English class. Magkatabi kasi kami ni Faye sa klase ni sir Martinez. Sarap pa naman asarin si Faye kasi titig na titig siya kay sir Martinez habang nagdidiscuss ito sa harap. Kung natutunaw lang ang titig niya paniguradong tunaw na ngayon si sir Martinez. Pero ito ang nakakatuwa nangyari sa kanya, minsan pa nga nahuli siya ni sir Martinez na tulala dahil ilang beses na siya tinatawag pero hindi sumasagot para sa recitation. Dahil nga mabait akong kaibigan hinatak ko siya pabalik sa reyalidad galing sa dreamland.

Nakita ko na rin ang pagpasok ni Faye ng classroom namin at naglalakad na siya papunta sa desk niya.

"Good morning, bes. Ang aga mo naman yata pumasok ngayon ah. Pumunta ako sa inyo pero ang sabi ni tita ay maaga ka daw pumasok."

"Sorry. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako maagang pumasok."

"Nga pala, nalaman mo na ba ang katotohanan?" Tumango naman si Faye sa akin. "Talaga? Ibig sabihin magkapatid nga sila. Hindi talaga ah."

"Namatay daw ang ama ni mr. Martinez kaya nagpakasal ulit ang mama niya. Which is Dante's father."

"Half brothers. But anyway, alam mo ba may bagong lipat daw." Anunsyo ko sa kaibigan. Still hoping sana dito siya sa classroom namin.

"Talaga? Babae? Lalaki?"

"Hindi ko alam pero habang papasok ako ay naririnig kong may bagong lipat. Sana mga kaklase natin tapos kaibiganin natin. The more, the merrier nga, diba?"

Nakita ko na pumasok si ms. Morales sa classroom namin kahit hindi pa siya ang subject namin. May sinabi siyang may transferee sa klase namin kaya pinipigilan ko ang tumili dahil sa classroom nga namin siya pumasok. Ang ganda niya para siyang dyosa at medyo singkit.

"Can you introduce yourself?" Tanong ni ms. Morales sa kanya.

"Hello, everyone. My name is Angel Arikawa and I came from Japan. Nice to meet you."

Whoa! Japan.

Pingarap kasi namin ni Faye makapunta ng Japan balang araw para makapunta rin kami sa anime world.

Dahil nga katabi ko lang si Faye ay inaalog pa niya ako. Kalog na nga itong kaibigan niya mas lalo pa niya ako inaalog.

"Okay, you can sit behind of ms. Silva." Sabi ni ms. Morales. Ang swerte naman namin dahil nasa likod lang siya ni Faye. Ngayon pa lang ako magpapasalamat sa dati naming classmate na lumipat ng school. Kung hindi siya umalis dito ay baka sa ibang upuan ang transferee.

Humarap kami pareho ni Faye sa transferee. Para
Makipag kaibigan sa kanya.

"Hello. I'm Faye." Nilahad naman ni Faye ang kamay niya at tinanggap naman ng transferee. "And this is Mich. My best friend."

"Hi." Bati ko naman sa kanya.

"Hello, Faye and Mich. Nice to meet you both."

"Can you speak Tagalog?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, dito naman ako lumaki at nagkaisip pero lumipat ang family ko sa Japan dahil sa work ni papa."

Ayun naman pala, eh. Marunong. Kung english kami ng english ay baka maubusan ako ng dugo kakanosebleed.

"Bakit dito ka ulit nagaaral sa Pilipinas ngayon?"

"May kasunduan kami ni papa kapag pumasa ako sa lahat na subject ko last semester ay babalik ako ng Pilipinas para magaral rito."

Pagkatapos ng morning class namin ay pumunta na kaming tatlo sa canteen. Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan, ang dami nga kinukwento sa amin si Angel tungkol sa pagtira niya sa Japan. Mas lalo tuloy ako gusto pumunta ng Japan ngayon pero nangako kami ni Faye sa isa't isa na sabay kami pupunta doon kung may ipon na kami pareho.

Pagkatapos ng klase namin sa lahat na subject kaya yung iba ay nagsiuwian na.

"Bes, tara na."

"Sorry, hindi ako makakasama sayo pauwi ngayon. May tuturuan pa ako ngayon, eh."

"Pumayag ka pala na turuan ko si Dante." Tumango si Faye sa akin.

"Dante? For sure gwapo iyan."

"Naku, Angel. Hindi at mag-ingat ka sa lalaking iyon." Pababala ko sa kanya.

"Bakit naman, Mich?"

"Dahil dakilang playboy si Dante. Kilala nga siyang certified playboy sa campus dahil paiba iba ang babaeng kasama niya. Lahat na babae ay binobola niya."

"Ay, turn off na ako. Hindi pala siya stick to one sa babae. Ginagawa niyang laruan ang feelings natin kapag nagsawa ay maghahanap ng iba."

"Tumpak!" Pagsasang ayon ko naman at binaling ko ang tingin kay Faye. "Sasama ako sayo. Baka ano ang gawin sayo ni Dante."

"Ako rin. Turuan mo na rin ako, Faye dahil ang balita ay ikaw daw ang pinakamatalino sa klase natin."

"Hindi naman ako matalino."

"Pahumble ka pa, bes."

Pumunta na kaming tatlo sa library at mukhang wala pa ang lalaking iyon dahil hindi ko pa siya nakikita. Hindi naman ganoon kalaki ang library namin para mahirapan kaming hanapin siya.

Nagpaalam ako kay Faye na maghahanap ako ng pwede kong basahin habang hinihintay sila matapos. Kinuha ko ang isang libro tungkol sa medisina. Bata pa lang ako ay binabasa ko na ang ilang libro ni papa tungkol sa medisina. Gusto ko rin katulad nina papa at mama pero hindi pa ako nakakapag desisyon kung nurse o doctor ang gusto ko. May 2 years pa naman ako para magisip kung ano ba ang gusto ko.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon