Chapter 64

475 10 0
                                    

Bumalik na ako sa loob ng matapos na kami magusap ni Faye.

"Why did she called you?" Tanong nito sa akin. See? Sarap talagang batukan. Pa English-English pa kasi. Nosebleed na ako.

"Tigilan mo na ako kaka-English mo diyan, Louie. Tumira ka lang sa Paris ng apat na taon ay English ka nang English." Inis kong turan sa kanya.

"At least hindi ako nagFre-French." Ngumisi pa ito. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking ito? Kahit anong emotion ay ang gwapo niya pa rin. "So, bakit nga tumawag sayo?"

"Ayaw ko masira ang araw mo kaya huwag mo na alamin ang dahilan."

Kapag sinabi ko sa kanya tungkol kay Lance ang pinagusapan namin baka magalit na naman ito sa akin.

"It's all about Lance?" Kumurap ako dahil alam niya ang dahilan. "Huwag ka na magtaka kung paano ko nalaman agad. Kahit walang ginawa yung tao ay hindi ko maiwasan ang magselos."

"Huy. Baliw ka talaga. Ikaw itong boyfriend ko, hindi siya kaya huwag ka magselos diyan."

Sawakas dumating na rin yung inorder naming pagkain.

Wala nga nagsasalita sa amin habang kumakain. Nakakaramdam na tuloy ako ng akward pagitan sa aming dalawa.

Halos kalahating minuto na noong nagpaalam si Louie na pupunta siya ng CR at hindi ganoon karami ang tao sa CR ng lalaki ah. Bakit ang tagal niyang bumalik? Hindi kaya... subukan lang niya at hihiwalayan ko siya.

Nakita ko na ang pagbalik ni Louie. Akala ko pa naman ay iniwanan na niya ako. Kahit iwanan niya ako ay may pangbayad naman ako, no. Palagi ako may dalang pera. Pero hindi tama iwanan ang girlfriend sa isang restaurant.

"Sorry kung natagalan ako. Pero naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo dati na may surprise ako para sayo?"

Napaisip ako bigla. Naalala ko ngang may sinabi siya sa akin dati na may surpresa siya kahit sinabihan ko na siyang hindi na niya kailangan surpresahin ako.

"Ano ba iyon? Sabi–" Kumurap ako noong bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Louie?! Bakit ka lumuhod diyan? Tumayo ka nga."

Nakakahiya kasi. Ang daming tao ang napapalingon sa gawi namin at ang iba ay kumukuha ng video. Para tuloy kaming artista nito. Agaw pansin.

Imbes na sagutib ako ni Louie ay parang may kinuha pa siyang maliit na kahon na kulay red velvet. Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang laman. Isang singsing.

"I know I hurt you not once, not twice but many times and I don't really mean to hurt you. Kung alam mo lang kapag nakikita kitang umiiyak dahil sa akin ay gusto kong saktan ang sarili ko kasi sinaktan ko na naman ang babaeng mahal ko. Pero hindi ako mangangako na hindi kita sasaktan." Huminto siya saglit para huminga ng malalim. Halatang kinakabahan si Louie sa pwede ko maging sagot mamaya. "Alam ko rin hindi pa ganoon katagal ang relasyon nating dalawa pero padagdag ang mga karibal ko sayo. That's why I'm asking you, Michelle Lopez, will you be my wife and mother of my children?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Naiiyak ako dahil nagpropose si Louie sa akin sa araw pa mismo pa ng birthday ko. But wait, sino ang karibal niya sa akin? Inaamin ko may mga nagtatangkang mang ligaw sa akin noon pero hindi naman tinutuloy. Ayun, kinarma na yung iba kasi sobrang pagiging babaero ay may nabuntis pala yung ibang mang liligaw ko dapat. Gusto pa nga nila ako idagdag sa collection nila. Sarap putulin ang kaligayahan nila – I mean, ilambitin patiwarik.

"Mich?" Kabadong tawag sa akin ni Louie.

"What if–"

"Please, no..." Kita sa mga mata nito na parang iiyak kapag humindi ako. "Don't say no, hon."

"Joke lang. Hindi ka na mabiro at masyado kang tense ngayon." Sabi ko sinabayan ng tawa. "Of course, I'm going to marry you."

Tumayo na siya para yakapin ako at ginantihan ko rin siya ng yakap.

"Thank you."

Tiningnan ko ang singsing sa daliri ko habang nakangiti. Hindi ako makapaniwalang magpropose na sa akin si Louie.

Napalingon ako noong may tumikhim and to my surprise dahil nandito rin ang mga mahahalagang tao sa buhay namin. My family, his family and our friends. Kumpleto.

"Oh my gosh! Ikakasal na rin siya." Sambit ni Angel. Halata na nga ang tyan niya. Naalala ko pa noong sinabi niya ang magandang balita kay Shawn. Nahimatay pa ang loko.

"Kailan pa kayo bumalik ng Pilipinas?" Tanong ko sa mag-asawa. Sa Japan kasi sila nakatira simulang kinasal sila.

"Kahapon." Sagot ni Shawn.

"Bes." Niyakap ako ni Faye. Oh gosh! I missed my best friend so much. Inagaw na kasi siya sa akin ni Dante. "Congrats. Ikakasal ka na rin at bubuo ng sariling pamilya."

"Bro, huwag mo papaiyakin si Mich kung ayaw mong aawayin ka ng asawa ko." Natatawang sabi ni Dante.

"I can't promise but I'll do my best for not hurting her." Sabi ng katabi ko.

"Hindi lang si Faye ang magagalit sayo dahil kami rin ni Angel." Sabi ni Nathalie.

I'm so lucky dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan gaya nila. Hindi ko inakala na lalaki ng ganito ang group of friends ko. Ang akala ko ay si Faye lang ang magiging kaibigan ko hanggang sa makatapos kami sa pagaaral pero nagkamali ako. Dumating si Angel sa school namin bilang transferee, kinaibigan namin siya agad. Nalipat si Eren sa section namin kahit isa siyang black sheep pero in fairness matalino rin pala siya kaya siguro nalipat sa section namin. Si Nathalie, ang celebrity classmate namin. Sino nga ba ang hindi makakakilala sa isang Nathalie Abuel? Isang sikat na cosplayer. And lastly, si Shawn. Actually, fan siya ni Faye dahil sa galing pa naman mag-drawing ni Faye. Tumingin ako sa gawi ni Dante habang karga niya si Dale. Kung dati ay galit rin ako sa kanya dahil inaaway niya noon si Faye pero siya rin pala itong mahuhulog sa kaibigan ko. Of course the last is my beloved fiance, simulang nakita ko si Louie during our freshmen year ay nahulog na ako sa kanya. Kahit hindi niya ako pinapansin o kinakausap man lang. Saklap, no? Wala tayo magagawa.

Kinausap rin kami ng pamilya namin and they're congratulation us. Dahil nga unica hija ako nina mama at papa kaya binigyan si Louie na warning ni papa kung lokohin man ako ng fiance ko. I don't think na lolokohin ako ni Louie.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon