Mich's POV
Ngayon ang araw na hinihintay ko dahil ngayong araw ang birthday ni Louie. Buo na talaga ang desisyon aminin sa kanya kung ano man ang nararamdaman ko.
"Papasok na po ako!" Nagmamadali na akong lumabas sa bahay.
"Hindi ka pa kumakain ng agahan!" Sigaw ni mama kaso hindi ko na pinansin si mama dahil tumatakbo na ako.
Pagkarating ko sa school ay wala pa masyadong tao dahil sobrang aga ko ngayon. Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay nakasalubong ko si Louie. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
"Um, good morning." Kinabahan ako sa mangyayari. Tumango lang siya sa akin. "Louie, may gusto akong sabihin sayo."
"Kung tungkol yan sa pagamin mo sa akin..." Napaangat ako ng tingin sa kanya. Paano niya nalaman? Imposible namang sinabi ni Faye sa kanya. "Kung iniisip mo kung paano ko nalaman kung ano ang binabalak mo ngayon ay walang kinalaman rito si Faye. Matagal ko ng alam na may feelings ka para sa akin, Mich pero hindi ko maibabalik kung ano man ang nararamdaman ko para sa akin. Ang pagaaral ang priority ko ngayon dahil gusto kong tulungan ang mga magulang ko sa pagaaral sa mga kapatid ko. At mga bata pa naman tayo. Sana maintindihan mo."
"Naiintindihan ko ang gusto mong sabihin." Yumuko na ako dahil ayaw ko ipakita sa kanya na sasaktan ako. Hindi ako handa na ganoon ang sasabihin niya. Dapat handa ako na ganito ang sasabihin ni Louie sa akin.
Hindi na ako tumuloy pumunta sa classroom dahil nagmamadali na akong umalis sa pwesto namin kanina. First love, first heart break. Ngayon naiintindihan ko na ang naramdaman ni Faye noong nireject siya ni mr. Martinez. Mag-best friends nga talaga kami.
Pagkarating ko sa garden ay umupo na ako sa bench at doon na bumagsak ang luha ko. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako umiyak pero sobrang talaga.
"Mich." may narinig akong tumawag sa akin kaya pinunasan ko na muna ang luha ko bago lumingon sa kanya. Makita ko ang paglapit ni Faye sa akin.
"Hindi ko alam nandito ka na pala, Faye." Pinapakalma ko ang sarili para hindi mahalata ni Faye na umiyak ako kanina. Alam kong magaalala siya sa akin.
"Tell me, bes. What's wrong? Kahit hindi mo sabihin sa akin ay malalaman ko na umiiyak ka kanina dahil namumula ang mga mata mo ngayon." Sabi niya sa akin. Kainis naman. Nawala sa isip ko na pwedeng mamugto ang mga mata ko ngayon.
"Tanda mo yung sinabi ko sayo noon magtatapat ako kay Louie sa araw mismo ng birthday niya." Tumango siya sa akin.
"Ano nangyari?" Tanong niya sa akin. Pero naiiyak na naman ako kapag naalala ko ang nangyari kanina.
"H-He rejected me." Sagot ko.
Pinunasan ko ang luha ko pero tuloy pa rin sa pagpatak ng luha ko. Kainis. Ayaw ko ng ganito. Akala ko pa naman malakas akong tao pero sa isang lalaki na nireject lang ako ay iiyak lang ako.
"Sorry, Mich pero ayaw kong saktan ka lalo. Matagal ko ng alam na may alam si Louie na may gusto ka sa kanya dahil sinabi sa akin ni Dante noon. Ayaw ka paasahin ni Louie kaya siguro niya nagawa sayo. Sorry talaga kung sinabi ko sayo na mas maaga."
Bakit hindi naisip ang tungkol kay Dante? Kung palagi magkasama sina Faye at Dante sa paguwi ay may chance na sinabi ni Faye kay Dante at pwede rin sabihin ni Dante kay Louie.
"It's not your fault. Actually, it's my fault. Kung hindi lang ako baliw na baliw sa kanya noong 1st year tayo ay sana hindi ako ganito ngayon. Ang saklap ng memory ko ng high school life. My first love is also my first heartbreak."
"Lalaki lang iyan, marami pa naman pwede kang mahalin. Tandaan mo marami kang asawa sa anime world. At least sila hindi ka nila magagawang saktan unlike in real life."
"Ewan ko, Faye. Hindi naman ako pwede umuwi sa amin dahil magtataka si mama kung bakit ako umuwi ng maaga ngayon." Sabi ko na tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko parang isang sirang gripo na ayaw na maayos.
Gusto ko na rin kasi ang umuwi na muna ngayon.
"Gusto mo bang sa infirmary ka muna? Pwede ko kausapin ang mga teacher nating masama ang pakiramdam mo."
"Dito na muna ako. Gusto ko makapagisa ngayon." Sabi ko na kinatango naman ni Faye bago siya tumayo.
Magisa na lang ako rito sa garden ay nagpasya akong umuwi na. Paniguradong wala naman gagawin ngayon dahil paguusapan lang ang darating na school festival. Kinuha ko na ang bag ko sa tabi bago tumayo.
Pagkarating ko sa bahay ay asual nagtataka si mama kung bakit ako umuwi agad. Hindi ako umuuwi na walang dahilan.
"Ang aga mo naman umuwi." Sabi ni mama.
"Masama po ang pakiramdam ko ngayon. Papahinga lang po ako." Sagot ko na hindi nakatingin kay mama at deretso lang ako patungo sa kwarto ko.
Nagising ako ay hapon na. Nagpasya akong manood ng anime at ulitin ang Love Stage. One of my favorite shonen ai or Boys Love. Hinihinto ko lang ang pinapanood ko noong tinatawag ako ni mama para kumain ng hapunan at pagkatapos ko kumain ay tinutuloy ko ang panonood.
Habang sa kalagitnaan ako ng panonood ay may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Mich, si Faye ito. Pwede bang pumasok." Narinig ko ang boses ni Faye sa labas ng kwarto ko. Alam kong nagaalala siya sa akin lalo na pinatay ko yung phone ko para walang tumawag sa akin.
Hininto ko na ang pinapanood ko noong marinig kong binubuksan ni Faye ang pinto. Hindi naman kasi ako naglalock ng pinto.
"Mich, sorry sa lahat nangyari kanina. Kasalanan ko kung bakit ganito ang nangyari sayo ngayon, kahit alam kong irereject ka lang niya pero hindi kita pinigilan noong sinabi mo sa akin magtatapat ka sa araw mismo ng birthday niya."
"Kalimutan na lang natin ang nangyari kanina, Faye. Makaka move on naman ako agad kahit pa siya ang first love ko."
"Kahit anong mangyari ay dito lang ako sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwanan." Naramdaman kong tumabi na siya sa kama.
"Hindi mo naman talaga ako iniiwanan, eh. Palagi ka nandiyan kapag kailangan ko ng karamay."
"What are friends for? At saka kasama na natin sila Angel at Nath ngayon, okay? They are also our friends."
"No boys muna dahil hindi pa ako handa makita siya."
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Literatura FemininaSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...