Chapter 43

356 12 1
                                    

Ngayon nga pala ang birthday ni Faye pero hindi kami makapag celebrate ng birthday niya dahil sobrang busy ko sa school at hospital. Kahit 3rd year ay may duty na sa mga hospital. Sana nga ang bakasyon namin ay sabay na lang sa bakasyon ni Faye para makakasama namin siya ng matagal ngayon. Pero konting tiis dahil ilang taon na lang ay graduation na namin at makakasama na muli namin si Faye.

Kapag sabay ang lunch break namin ni Louie ay sabay kami kumakain sa labas. Minsan libre niya at minsan akin naman. Salitan kaming dalawa para fair. Gaya ngayon sabay ulit ang lunch break namin.

"Saan mo gustong kumain ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Sa dati." Sagot ko sa kanya.

Pumunta na kami sa isang stall nang street food. Ito lang kasi ang kaya ng budget namin lalo na estudyante pa lang kami.

"May mga babae ba nagkakagusto sayo?" Bigla kong tanong sa kanya.

"Ewan ko. Puro lalaki ang nakikita ko sa loob ng campus. Bakit mo naitanong?"

All boys school naman kasi ang paaralan ni Louie. At ang school ay halo-halo. Boys and girls. Paniguradong galing sa school ko yung mga girls na magkakagusto kay Louie pero kung alam lang nila na walang interest si Louie sa isang relasyon.

"Pakiramdam ko kasi ang daming pares ng mata ang nakatingin sa atin ngayon. Sa tingin ko may gusto sila sayo." Sabi ko.

"Wala akong pakialam sa kanila. Alam mo namang wala akong balak pumasok pa sa isang relasyon lalo na magaaral ulit ako para maging doctor."

Dagdag 4 years ulit pagkatapos niya sa nursing at board exam para isa na siyang ganap na nurse tapos board exam ulit para maging ganap na siyang doctor. Ako kasi baka hindi ko na ituloy ang pagaaral para maging doctor dahil pumapasok na si Milo sa school. Ang bilis ng panahon parang dati lang ay palagi kong karga si Milo ngayon naglalakad na siya sa sarili niyang mga paa at pumapasok na siya sa school.

"Itutuloy mo rin ba ang pagaaral pagkatapos nito?"

"Hindi na muna siguro. Pagkagraduate natin ay maghahanap na ako ng trabaho para tumulong sa pagaaral kay Milo. Nawawalan na kasi ng oras si papa kay mama dahil kailangan niya mag-double shift para sa amin ni Milo. Sa tuition ko pa lang ay hindi na kaya ng sweldo ni papa. Hindi na rin kasi pinabalik ni papa si mama sa trabaho para may magbantay kay Milo habang wala pa kami."

Napatingin ako kay Louie sa bigla niyang pagtahimik. Ano kaya ang dahil kung bakit siya bigla tumahimik? May nasabi ba ako na kinagalit niya? Nagkukwento lamang ako kung ano ang plano ko pagkagraduate namin.

"Tapos ka na ba? Hatid na kita sa tapat ng school mo bago pa ako pumasok sa school ko." Sabi niya sa akin sabay abot ng bayad kay manong.

Hindi ko maintindihan dahil simulang nagkwento ako kanina ay hindi na nagsasalita pang muli si Louie. Hanggang sa nandito na kami sa tapat ng school ko.

"Naku, ang isang tomboy ay kasama ng prince charming ko." Sabi ng isang babae. Prince charming? Si Louie lang naman ang kasama ko kanina. Kung alam lang niya walang balak pumasok sa isang relasyon si Louie. Wala ngang pakialam iyon kung ano nangyayari sa paligid niya. Malas mo, girl. "Hindi kayo bagay."

"Wala naman akong sinasabing bagay kaming dalawa ah."

"Aba, sumasagot ka pa ah!" Sabi niya sabay hila sa buhok ko. Tsk! Ang sakit ng pagkahila niya sa buhok ko.

Wala ako magawa dahil wala maman ang may gustong tumulong sa akin. Yung mga taong nasa paligid namin ay pinapanood lang niya kung paano ako kinakawawa ng babaeng ito hanggang sa sumuko na siya sa akin. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak sa harapan ng ibang tao dahil paniguradong iisipin nilang mahina akong tao. Pero mukha ako pa ang malas dahil ito ang nangyari sa akin ngayon.

Natapos ang lahat na klase ko sa hapon na niisa ay hindi na ako umattend. Ganito ang itsura ko? Baka pagtawanan pa ako ng mga kaklase ko.

"Mich –" Lumingon ako sa tumawag sa akin. "Ano nangyari sayo?"

"Sino may gawa nito sayo?" Tanong rin ni Eren habang kunot ang noo nito. Ang dalawang ito talaga. Hindi ba sila nagsasawa na araw-araw nagkikita? Sana man lang ang gawin nila isang linggo sila hindi magkita para mamiss nila ang isa't isa. O kung kaya isang buwan. Pwede rin isang taon para masaya.

"Wala lang ito. Ang dami ko kasi iniisip kanina kaya nahulog ako sa hagdanan."

"Okay. Magiingat ka sa susunod ah." Sabi ni Nathalie.

"Sige, una na ako sa inyo." Paalam ko sa kanila.

Hindi ko na tuloy alam kung saan ako pupunta ngayon. Ayaw ko pang umuwi sa bahay dahil paniguradong tatanungin rin ako ni mama kung ano nangyari sa akin. Kilala ako ni mama na hindi naman ako pumapasok sa gulo. Kahit war freak ako ay hindi pa ako pumapasok sa gulo dahil lahat na estudyante noon ay takot sa akin. Ni hindi nga sila makalapit kay Faye kapag kasama na niya ako.

Habang nakaupo ako sa isang bench rito sa park ay hindi ko na inaabala kung may umuupo ba sa tabi ko o wala. Wala akong pakialam kung meron man. Masyado na kasing occupied ang utak ko sa bagay na iyan.

Sa mga sumunod pang araw ay napapadalas ang pananakit sa akin noong babaeng may gusto kay Louie. Umiiwas na nga ako para tigilan na ako pero tuloy pa rin ang ginagawa niya sa akin.

"Mich." Nakita ko ang paglapit sa akin ni Louie. Kung sino pa ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon pero siya pa talaga ang lumalapit sa akin. "Ano nangyari sayo?"

"Louie, pwede ba lumayo ka na sa akin dahil ayaw ko ng makasama ka pang muli."

"Bakit? May nagawa ba akong mali para magalit ka sa akin?"

Imbes na sagutin ko pa siya ay tinalikuran ko na lang si Louie. Ayaw kong humaba pa itong conversation namin at baka makita pa kami noong babaeng obsess sa kanya.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon