Nagpaalam na ako kay papa na papasok na. Gusto pa nga ako hatid ni papa sa school pero tumanggi ako baka kasi hanapin siya ni mama pagkagising niya at saka wala pa masyadong tulog si papa ngayon. Nagaalala rin ako sa kalagayan niya.
Pagpasok ko sa school ay dumeretso ako sa faculty room para kausapin ang mga teachers ko kaninang umaga. Kaso bigo ako dahil wala yung ibang teacher dito. May klase pa yung iba. Sina ms. Morales at sir Martinez lang ang nandito ngayon.
"What happened to you, ms. Lopez? Hindi ka naman umaabsent ng walang dahilan. I know you." Sabi ni ms. Morales. Simulang 1st year pa lang ako ay siya na ang class adviser namin at talagang kilala na niya ako.
"Sorry po, ma'am. May emergency lang nangyari sa bahay kanina kaya hindi ako nakapasok."
"Emergency?" Tumingin naman ako kay sir Martinez at tumango sa kanya.
"Yes po, sir. Paalis na sana po ako kanina pero sinabi ni papa na manganganak na ang mommy ko kaya tinulungan ko po si papa."
"I see. Sigurado akong nagaalala rin sayo si ms. Silva dahil hindi siya masyadong nakikinig sa klase ko kanina." Himala naman hindi makikinig si Faye sa klase ni sir Martinez. O baka naman distracted sa kagwapuhan ng crush niya. Psh. "Puntahan mo na siya. Baka nasa canteen siya kasama si ms. Arikawa."
"Sige na. Puntahan mo na sila ag kami na magsasabi sa iba niyong teacher kung bakit hindi ka nakapasok kanina."
"Maraming salamat po." Nagmamadali na akong lumabas sa faculty room.
Pagpunta ko sa canteen ay hinanap ko sila Faye hanggang nakita ko na nga sila.
"Nandito ka lang pala." Lumingon sila sa akin noong nagsalita ako. Hindi nila napansin nandito ako. Sabagay, marami pa naman estudyante dito.
"Ano nangyari sayo? Nagaalala ako sayo dahil hindi ka pumasok kanina."
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo agad. Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay, sinugod namin si mama sa ospital."
"Ano nangyari? Kamusta si tita?"
Halatang nagaalala si Faye kay mama dahil close din sila ni mama. Sabi ko nga kapatid ko si Faye sa ibang magulang. Magkaibigan rin ang mga magulang namin.
"Ang sabi ng doctor na kailangan na ilabas ang baby brother ko, kung hindi pareho sila ni mama mamatay."
Masaya ako walang nangyaring masaya sa kanilang dalawa pero under observation pa si baby Milo. Napaaga kasi ang labas niya. Hindi pa due date.
"At nakausap ko na rin ang mga teacher natin kaninang umaga at sinabi ko sa kanila ang dahilan kung bakit ako absent kanina."
"Balak sana namin ni Faye na bisitahin ka sa inyo para alamin ang nangyari." Sabi ni Angel sa akin.
"Oo, nagaalala talaga ako sayo pero mamaya after school dadalaw na lang kami kay tita."
"Samahan ko kayo papuntang ospital. Papalitan ko kasi si papa mamaya. May pasok pa kasi siya mamayang gabi."
Mas lalo ako nagaalala sa kalagayan ni papa. May duty pa siya mamayang gabi tapos wala pa siya masyadong tulog dahil binabantayan niya si mama.
After ng afternoon class namin ay inaayos ko na ang mga gamit ko para makapunta na kami sa ospital agad.
Pumunta na kami sa ospital para palitan na si papa.
"Papa, musta na po si mama?"
"Maayos na ang mama mo ngayon pero ang kapatid mo ay under observation dahil mahina ang heartbeat niya."
Nalungkot ako sa pwedeng mangyari kay Milo. No, kailangan ko maging malakas para sa kapatid ko. Ayaw ko naman makita niyang mahina ang ate niya. Gusto kong maging proud sa akin ang kapatid ko paglaki niya.
"Everything's fine, Mich." Sabi ni Faye at niyakap niya ako. Ito ang nagustuhan ko kay Faye dahil kung kailangan ko ng karamay ay nandito siya palagi sa tabi ko. That's why I love my best friend.
"I know. Alam ko naman palaban ang kapatid ko katulad ng kanyang ate. Naniniwala akong malalampasan niya ang lahat na ito at makakasama niya kaming lahat hanggang sa paglaki niya."
Nagpaalam na sa amin si papa na papasok na siya sa trabaho pero hindi talaga mawawala ang pagaalala ko sa kanya. Hindi ko alam kung nakatulog ba siya kanina o hindi.
"Ayos ka lang ba, Mich?" Tumingin ako kay Angel noong tanungin niya ako.
"Huh? Yeah, I'm fine."
"Mich, gising na si tita." Sabi ni Faye kaya lumapit na ako sa bed ni mama.
"Musta na po kayo, mama?"
"Ayos lang ako. Ang kapatid mo? Hindi ko pa kasi siya nakikita simulang nagising ako kanina."
"Under observation pa po si Milo ngayon kaya hindi pa siya pwedeng dalhin dito. Pero ang sabi ng nurse kanina ay pwede naman po natin siya puntahan sa nursery room."
"Hihiram lang kami ng wheel chair sa nurse station." Sabi ni Faye.
"Salamat, bes."
"Angel, samahan mo ko."
"Okay."
Lumabas na ang dalawang kaibigan ko para humiram ng wheel chair sa nurse station.
"Sino yung isang kasama niyo? Ngayon ko lang siya nakita, Michelle."
"Si Angel po. Galing siya sa Japan at kailan lang siya lumipat sa school namin nagaral. Kinaibigan namin ni Faye para masaya kung marami kami."
"Oh. I see. Masaya ako na nagkakaroon na kayo ng ibang kaibigan ni Faye."
"Pareho pa po ang hilig namin. Kaya siguro nagkasundo agad namin si Angel."
Bumalik na ang dalawa kong kaibigan na may dalang wheel chair pero may kasama rin silang lalaking nurse.
"Sumama si kuya para tulungan tayo." Sabi ni Angel.
Tinulungan na nga ni kuya nurse si mama para makaupo siya sa wheel chair. Sabagay, hindi nga namin alam kung ano ang gagawin. Kailangan may katulong na nurse sa amin.
"Salamat po." Pagpapasalamat ni Faye doon sa nurse.
"Walang anuman. Kung kailangan niyo ng tulong ay nandoon lang ako sa nurse station."
"Okay po."
Pagpunta namin sa nursery room para makita namin si baby Milo pero nasa incubator pa siya ngayon para obserbahan.
"Waa! Ang liit ni baby Milo." Tumingin ako kay Faye at kitang kita sa mukha niya ang tuwa. "Baby Milo, magpalakas ka ah. Gusto ka namin makalaro paglaki mo. Manonood tayo ng magandang anime pero huwag mo sana gayahin ang ate mo."
"Grabe ka, Faye. Sinisiraan mo ko agad sa kapatid ko."
"Paano naman ako? Pareho ang hilig nating genre, Mich."
"Maganda naman, diba?"
"Yep. Tapos nakakalilig rin sila."
"Tumigil nga kayo. Tumataas ang balahibo ko sa pinagsasabi niyo."
"Subukan mo kasi manood, Faye." Sabi ni Angelz
"No thanks. Sinusumpa ko na manood ng yaoi. Simulang may pinapanood sa akin noon si Mich."
"Yeah, nainis nga sa akin si Faye noong may pinapanood ako sa kanya noon." Natatawang kwento ko. Naalala ko pa yung mukha ni Faye habang kinukwento niya ang pinapanood ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...