Louie's POV
Dahil maaga ang schedule ko kinabukasan kaya ito ay nagmamadali na ako pumasok. Baka masaraduhan pa ako ng pinto ng professor ko. Malayo pa naman ang school ko sa bahay.
Kumunot ang noo ko noong makita kong may kasamang lalaki si Mich. Ano na naman ba itong pinagagawa ni Mich ngayon? Yung una nalaman kong may balak mang ligaw sa kanya yung dating lalaki na kinakasama niya tapos nalaman kong may masamang binabalak pala iyon kay Mich. Kaso hindi ko masabi sa kanya dahil sigurado akong hindi ako paniniwalaan ni Mich at iisipin lang noon na baka nagseselos ako o sinisiraan ko yung guy. Ginagawa ko ito para sa kaligtasan niya dahil kaibigan ko pa rin siya. Ewan ko ba kung bakit puro lalaki ang madalas kasama niya. Hindi lahat na tao ay mababait. Dapat alam niya iyon. Tsk. Bahala na nga siya. Buhay naman niya iyan at mahuhuli na ako sa first subject ko.
Habang nasa klase ako ay wala sa classroom ang isip ko. Iniisip ko yung nakita ko kaninang umaga. Aaminin kong may kinalaman ako kung bakit umurong yung lalaki na may balak mang ligaw sa kanya dahil ayaw kong masaktan si Mich. Kapag nalaman niyang may kinalaman ako doon ay siguradong magagalit siya sa akin. Once na niya ako hindi pinapansin kaya ayaw ko ng maulit iyon.
Lunch break kaya lumabas na ako sa school para sa labas kumain pero nakita ko yung lalaking kasama ni Mich kaninang umaga. Kaya nagpasya akong sundan siya para kausapin.
Huminto sa paglalakad yung lalaki at humarap sa akin.
"May kailangan ka ba kaya kanina mo pa ako sinusundan?" Tanong niya.
"Hindi ba ikaw yung kasama ni Michelle Lopez?" Tanong ko rin sa kanya.
"Oo. Ano naman sayo kung ako nga ang kasama niya? Sino ka ba?"
"Ano ang relasyon mo sa kanya?" Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko ulit siya.
"Wala. Isa siya sa mga collection ko." Nakangising sabi nito.
"Collection?"
"Yes, collection. Iba't ibang klase ng babae ang dinadate ko."
Nakayukom ang kamao ko sa galit ko sa kanya. Gusto pa niyang ilagay sa collection niya si Mich. Hindi ako papayag na gawin niya iyon sa kaibigan ko.
"Mabuti pang huwag mo ng ituloy iyang binabalak mo bago pa may mangyaring masama sayo."
"Huh? Ano pinagsasabi mo diyan, dude? May mangyayari sa akin? Katulad ng ano?"
"Katulad nito." Bigla ko siyang sinuntok sa mukha. Inaamin ko hindi ako pumapasok sa isang gulo pero ibang usapan na ito dahil may ibang tao siyang binabastos. Tahimik lang akong tao at libro ang palagi kong hawak.
"Hayop ka ah!" Sinipa niya ako sa may sikmura kaya ako na ito nakahiga sa semento pero hawak ko pa rin ang uniform niya.
"Louie?" Tumingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Mich. Patay. May ideya na siyang may kinalaman ako. Sana wala. Pero ang kinaiinisan ko ay yung lalaki ang nilapitan niya imbes na ako. Doon pa talaga siya nagaalala. "Ayos ka lang ba, Gino?"
"I'm fine."
"Ano ba ang problema mo, Louie?! Bakit mo iyon ginawa kay Gino? Wala naman siyang ginagawang kasalanan sayo ah!" At sa akin pa talaga siya nagagalit sa akin ngayon. Kapag malaman mo lang tunay na kulay ng lalaking iyan. Tingnan natin kung kanino pa ngayon magagalit.
"Matalino ka ring tao, Mich pero ni minsan ay hindi mo binubuksan ng maigi iyang mga mata mo at hindi mo napapansin kung wala bang balak na masa–" Nagulat ako noong naramdaman ko yung palad ni Mich lumapad sa pisngi ko.
"Wala kang karapatang husgahan si Gino dahil hindi mo siya kilala!"
"Tama ka. Hindi ko nga siya kilala para husgahan ko pero ikaw ba? Kilala mo ba siya ng maigi? Alam mo ba ang tunay niyang kulay? Bahala ka dahil huwag na huwag mo ko lalapitan kapag niloko ka ng lalaking iyan!" Sabi ko sabay alis na rin sa lugar na iyon.
Ngayon pa lang ako napaaway ng ganito dahil sa babae. Nakaramdam tuloy ako ng pagsisi ngayon. Kung hindi ko lang sana nireject noon si Mich ay sana masaya siya ngayon sa piling ko. Ang tanga ko rin kasi, eh. Pinag isipan ko yung sinabi ni Dante noon dahil may balak umamin si Mich sa akin pero nauwi lang sa rejection.
Ayaw ko naman umamin sa kanya baka isipin niya kaya ako umamin ngayon ay nagseselos lang ako sa mga lalaking may balak mang ligaw sa kanya. Totoong nagseselos nga ako kahit yung pinaguusapan nila tungkol sa kaibigan ni Faye sa group chat. Hindi pa nga niya nakikita yung lalaki tapos may crush na siya doon? I really hate it. May makitang gwapo ay crush niya agad. Ganoon ba ang mga babae? Basta gwapo crush nila agad?
May itsura naman ako ah. At tanggap ko si Mich kahit sino pa siya. Kahit sa pagkahilig niya sa yaoi pero wala siyang ideya na may alam na ako kung ano ang gusto niyang panoorin na anime.
"Bro, ano nangyari sayo?" Gulat na sambit ni Shawn. Nagkita kita kaming tatlong lalaki sa isang fast food. Kahit ayaw ko noon kay Eren pero nagbago na siya noong nakilala niya si Nathalie.
"May nakaaway ka ba? Pero hindi ka naman yung tipong papasok sa isang gulo." Ani Eren.
"Naiinis lang kasi ako kay Mich. Nagpabulag na naman sa isang lalaki ngayon. Nalaman kong babaero pala yung lalaking kasama niya kanina."
"Sus, ayaw mo pa kasing sabihin nagseselos ka. Bakit kasi ayaw mong aminin na may gusto ka sa kanya?" Tanong ni Shawn.
"Sana ganoon kadaling sabihin iyan. Nireject ko siya noon at sinabi ko sa kanya na wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon."
Silang tatlo na ang madalas kong kasama simulang missing in action si Dante. Hindi ko nga alam kung nasaan pumunta iyon ngayon. Hindi ako makapunta sa bahay nila dahil wala akong oras. Busy rin kasi ako sa part-time job ko.
"Kung hindi ka lang kasi tanga noon. Wala sana kayo sa ganitong sitwasyon ngayon." Sabi naman ni Eren.
"Nagsisi na ako sa ginawa ko noon."
"Sa huli talaga pagsisi at wala ka ng magagawa kung ano man ang maging desisyon ni Mich. Suportahan mo na lang siya kung saan siya masaya. At aalis na ako dahil malapit na matapos ang last subject ni Nath." Sabi ni Eren saka tumayo na.
"May date nga pala kayo ni Nath mamaya." Sabi ni Shawn pero tiningnan siya ni Eren. Para bang tinatanong siya how did you know look. "Don't give me that look, dude. Sinabi sa amin ni Nath na may date kayo ngayon."
"Kailan niya sinabi sa inyo?"
"Kahapon. Habang kausap niya yung dalawang babae at nabanggit niya may date rin kayo kaya kailangan na niyang umalis sa video chat."
Kaya ito kaming dalawa na lang ni Shawn ang naiwan rito.
"Ikaw, Shawn."
"Ano meron sa akin?"
"Alam kong may nararamdaman ka kay Angel."
"Inamin ko na sa kanya last year at nililigawan ko na siya ngayon."
"Talaga?" Tumango siya sa akin. "Bakit ngayon mo pa lang siya niligawan kung last year ka umamin?"
"Actually, wala pa talaga ako balak ligawan si Angel dahil ayaw ko maging sagabal sa pagaaral niya. Kaya lang sa sobrang ganda niya kaya marami ring lalaki nagkakagusto sa kanya."
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Chick-LitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...