Chapter 17

436 13 0
                                    

Habang nasa canteen kami ay napansin ko ang paglapit nina Dante at Louie sa table namin. Pasimple nga akong tumitingin kay Louie dahil ang gwapo niya talaga at hindi lang iyon. Kinikilig ako dahil sa tabi ko pa talaga siya umupo.

"Ano pala ang ginagawa niyo rito sa table namin?" Tanong ni Faye sa kanila.

"Wala ng bakanteng table. Lahat occupied na." Sagot naman ni Dante. Mahirap nga talaga makahanap ng mauupuan kung late ka na dumating sa canteen. Marami kasing estudyante sa school namin. Bawat year ay may anim na section. Oha! Parang nasa anime lang kami.

Napalingon kaming lahat dahil may nagkagulo sa kabilang table. Imposible na talaga magbabago ang katulad ni Eren.

"Bagong taon na pero hindi pa rin nagbabago si Eren." Sambit ko.

"Huwag ka na umasang magbabago iyan. Sa tatlong taon natin sa high school ay ganyan na iyan." Sagot ni Dante. Tama naman siya doon. Black sheep kasi.

"Sino iyon?" Tanong ni Nathalie.

"Eren Gonzaga. Isang bad boy ng campus kaya lahat na estudyante ay takot sa kanya." Sagot ko.

"Maliban sa akin. Hindi ako takot sa lalaking iyan."

"Kaya dati kamuntikan ka na masuspend dahil sa kanya. Mabuti na lang inamin ni Faye ang nangyaring gulo noon." Sabi ni Louie habang nagbabasa ng isang libro. Nakakabusog kaya yung binabasa niyang libro? Lunch break pero libro ang hawak, hindi pagkain.

"Ginawa ko lang naman ang tama." Sabi ni Faye.

Naalala ko yung sinabi ni Louie. Kahit nga ako ay naiinis kay Eren sa ginawa niyang pagtulak kay Faye noon. Sarap sampalin.

Pagkatapos namin kumain ay naglalakad na kami sa hallway at napadaan na rin kami sa bulletin board kung saan nakalagay ang top 10 sa exam last month.

1. Eugene Faye Silva 95%
2. Louie Aguilar 90%

6. Michelle Lopez 85%

"Aw, top 6 pala ako." Hindi ako makapaniwalang pasok ako sa top 10. Hindi nga ako masyado nagaral last exam.

"Ang talino mo pala, Faye." Sabi ni Nathalie sa akin.

"Hindi naman." Sabi ni Faye. Sabagay, silang dalawa lang naman ni Louie ang madalas naglalaban sa top 1. Pareho kasi silang matalino.

"Sa finals makikita niyo ang pangalan ko sa top 10." Sambit ni Dante.

"Malabo mangyari iyan, pre. Tamad ka kaya magaral kaya imposibleng makapasok ka sa top 10." Sagot naman ni Louie. At least pasok si Dante sa top 20. Hindi lahat na estudyante ay makakapasok sa top.

"Papatunayan ko sa inyo na kaya ko rin makapasok sa top 10. Para kay Faye."

"Talaga lang ah? Tatandaan ko itong araw, Dante. Kapag ikaw hindi nakapasok sa top 10, ewan ko na sayo."

"Makakapasok ako. Tiwala lang."

Pagkatapos ng klase namin ay nakatanggap ako ng text message galing kay mama na may pupuntahan daw siya kaya walang magbabantay kay Milo ngayon. Kaya nagpaalam ako kay Faye na kailangan ko na umuwi para bantayan si Milo.

"Hello, Milo. Nandito na si ate." Nakita kong gising ang kapatid ko at nakangiti sa akin. "Masaya ka bang makita si ate ngayon?"

Dahil baby pa lang naman si Milo kaya hindi pa siya nakakapag salita. Isang tawa ang sagot niya sa akin.

"Masaya si baby Milo makita si ate." Kinuha ko siya sa crib niya.

Tuwang tuwa ang kapatid ko noong nilalaro ko siya. Gustong gusto niya kasi ang ginagawa ko sa kanya. Hanggang sa umiyak siya. Alam ko na ang dahilan kung bakit umiiyak si Milo ngayon dahil may naramdam akong init sa may diaper niya. Tinuruan na rin ako ni mama magpalit ng diaper ni Milo kahit nga rin pagpainom ng gatas at kung ano ang gagawin pagkatapos painumin ng gatas.

Pagkatapos kong palitan ang diaper niya ay ayaw pa rin huminto sa pagiyak. Mukhang gutom na si Milo kaya nilagay ko na muna siya sa crib para magtimpla ng gatas niya. Binigay ko na kay Milo ang bote niya pagkatapos ko magtimpla. Pinadighay ko na rin siya pagkatapos niyang uminom ng gatas.

Napansin kong humihikab na si Milo kaya kinantahan ko siya ng random anime song. Anime songs lang kasi ang alam kong kanta dahil hindi naman ako masyado nakikinig ng music.

Hindi lang ang pagsasayaw ang hilig ko. Kahit rin ang pagkanta pero si Faye lang ang may alam noon. Ayaw ko kasi kumanta sa harap ng maraming tao. Sa banyo lang ako kumakanta habang naliligo.

Nang makita kong tulog na si Milo ay nilagay ko na siya sa crib niya.

"Makakain na rin habang tulog pa si Milo." Pumunta na ako sa kusina at may nakita akong nakatakip. Mukhang may iniwang pagkain si mama bago pa siya umalis kanina.

Habang kumakain ako ay nakita ko ang pagpasok ni papa sa bahay. Tapos na pala ang shift niya.

"Ang mama mo?" Tanong niya sa akin.

"Umalis po kanina." Nakita ko rin ang pagpasok ni mama. "Nandiyan na po pala si mama."

"Bakit?"

"Hinahanap po kayo ni papa."

"Miss mo na ako agad." Sabi ni mama kay papa na kinailing ko. Grabe talaga ang sweetness nilang dalawa. Hindi na nahiya kahit nasa harapan ang anak nila.

Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at yung natirang ulam ay nilagay ko sa loob ng refrigerator. Umakyat na rin ako patungo sa kwarto ko.

Habang nagbibihis ako ay tinitingnan ko ang sarili sa harapan ng salamin. Iniisip ko kung mag-make over kaya ako? Nope. Hindi babagay sa akin lalo na hindi naman ako marunong maglagay ng make-up. Baka magmukha pa akong clown kapag naglagay ako ng make-up. Clown na pumapasok sa paaralan.

Ano ba ang gagawin ko para mapansin lang ako ni Louie? Tatlong taon ko na siyang crush pero ni minsan ay hindi niya napapansin ang nararamdam ko para sa kanya. Ilang anaesthesia na kaya ang tinurok niya sa sobrang manhid? Libro at pagsusunod lang kay Dante ang alam niya. Tapos masyado naman siyang pafall sa tuwing pinapansin niya ako at kung hinahatid niya ako hanggang sa bahay kahit sa ibang direksyon ang punta niya. Malayo kasi ang bahay ni Louie sa school at hindi pa ako nakakarating doon. Ang bahay lang ni Faye ang madalas kong pinupuntahan dahil malapit lang ang bahay niya sa amin.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon