Chapter 68

737 12 0
                                    

Dalawang buwan ang lumipas ay kasal na namin ni Louie. Hindi naman sa nagmamadali kami dahil hindi pa nga tapos sa pagaaral si Louie pero ito ang kagustuhan ko bago pa ako manganak sa kambal. Pinangarap ko rin ang magkaroon ng isang pamilya at ang makakasama ko habang buhay ay yung lalaking mamahalin ko.

Habang inaayusan ako ay may narinig akong katok sa pinto at binuksan iyon ng isang assistant ng make-up artist ko. Si Shawn, ang lalaking gumagawa ng sariling storya. Mabuti nga hindi umabot sa pamilya ko ang tungkol sa fake fiance ko noon. Kundi makakatikim ako ng Question and Answer portion kay papa. Kung sino ang fiance ko na hindi sila kinausap para sa blessings. Sus, alam ko ang takbo ng isip ni papa... minsan. Masyado kasi siyang overprotective sa akin at sanay na ako sa ganoon. Ganyan rin si Faye sa akin.

"Ano kailangan mo, Shawn?" Tanong ko sa kanya.

"Hay naku. Ganyan ba kayo buntis? Si Angel nga parang ayaw na ako makita simulang nagdadalang tao siya. Tapos ikaw, mukhang ayaw mo rin ako makita ngayon ah."

"Addict ka kasi. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa akin dati."

"Sus, Mich. Aminin mo man o hindi effective ang kwento-kwento ko." Proud pa niyang sabi. Kung hindi lang ito asawa ni Angel ay noon pa lang nilambitin ko na siya patiwarik.

Inikot ko ang mga mata ko sa inis kay Shawn.

"Sana sa paglaki ng anak niyo ay hindi magmana sa ama na takas sa mental."

"Grabe siya, oh. Okay, seryoso na. Galing ako kanina kay Louie at gusto niya sumama sa akin noong sinabi ko na pupuntahan ka pero sinabi ko sa kanya na baka hindi matuloy ang kasal kapag nagkita ang groom at bride. Kaya ayun mission abort."

Ang daming alam ng lalaking ito. May mission abort pa.

"But congrats dahil natupad na rin ang pangarap mo na makatuluyan si Louie."

"Sawakas may nasabi ka rin na maganda."

"Grabe ka talaga." Natatawang sambit nito. "Babalikan ko na si Angel sa labas ah. Kita kits sa simbahan."

Wala pa ngang isang minuto ay may bagong dati na naman sa kwarto. Ang magasawang Gonzales kasama ang makulit na si Dale.

"Mich..." Niyakap ako ni Faye. "Ang ganda mo."

"Siyempre, kasam ko ngayon kaya kailangan maganda ang bride kaysa sa mga bisita."

Humiwalay na sa pagkayakap sa akin si Faye at binaba ang tingin sa may tyan ko. Hindi pa ganoon kalaki iyon.

"Hindi ka ba nila pinahihirapan lalo na sa madaling araw?"

"Hindi naman." Sabi ko at napatingin ako kay Dale na papalapit sa akin. "Tita Mich, pinaminigay po ni tito Louie."

Kinuha ko kay Dale ang isang maliit na box naka gift wrap pa. Mamaya na ako magpapasalamat sa kanya sa regalo kung ano man ito.

"Mauuna na kami ah." Paalam ni Faye sa akin. Hindi man lang nagsalita si Dante dahil nakatayo lang siya malapit sa pinto.

Tinawag na ako dahil malapit na daw magsimula ang seremonya. Ito na ang hinihintay kong pangyayari sa buhay ko.

Kung may kalungkutan, may kasiyahan rin mangyayari sa bubay natin. Hindi lang natin kung kailan mangyayari gaya nangyari sa buhay ni Louie. May kalungkutan nangyari sa pagkawala ni Nash pero hindi ko siya iniwanan. Palagi ako nasa tabi niya.

Hinatid na ako ni papa sa aisle at nakikita ko na rin Louie nakatayo malapit sa altar. Grabe, ang gwapo niya.

"Louie, isa lang ang sasabihin ko sayo. Huwag na huwag mo papaiyakin ang anak ko dahil ako mismo ang maglalayo sa mag-ina mo." Banta ni papa kay Louie noong makalapit na kami.

Si papa talaga. Hindi gagawin ni Louie iyan lalo na tinakot niya.

"Huwag po kayo magaalala hinding hindi ko papaiyakin si Mich. Gagawin ko pa po siyang reyna ko."

Heh. Gagawin naman kitang alipin ko.

"Do you Louie Aguilar take Michelle Lopez as your wedded wife?"

"I do."

"Do you Michelle Lopez take Louie Aguilar as your wedded husband?"

Naramdaman ko ang pagpisil ni Louie aa kamay ko at sa gilid ng mata ko ay nakikita kong nakatingin siya sa akin. Dahil siguro hindi ako sumagot agad.

"I do." Sagot ko at binaling kay Louie sabay ngiti. Pagbigyan niyo na ang buntis. Masaya lang talaga ako ngayon.

"And I pronounce you a husband and wife. You may now kiss the bride."

Lumapit na sa akin si Louie para i-angat ang belo.

"Lagot ka sa akin mamaya kahit buntis ka pa. Pinakabata mo doon kanina." Seryoso sambit nito.

"Binibiro lang kita kanina. Please, huwag mo ko pahihirapan mamaya ah."

Pinagusapan na namin noon na walang honeymoon magaganap pagkatapos ng wedding reception. Pinagbawalan na ako noon ng doctor na bawal ako mapagod baka ikapahamak pa ng kambal. Deretso kami sa bahay. Hanggang wala pa kami sariling bahay ay kasama na muna kami nila mama sa bahay. Wala pa kasi kami masyadong ipon para magpagawa o bumili ng sariling bahay.

Nandito na kami ngayon sa reception. Simple lang ito. Ayaw kasi namin isang engrandeng celebration.

"Hindi mo pa ba binubuksan yung regalo ko sayo?" Tanong niya.

"Mamaya ko na buksan iyon. Ano ba yung laman noon?"

"Buksan mo na lang para malaman mo ang laman."

"Kainis ka." Pinagpapalo ko ang braso niya.

Nagsalita na sa harapan ang emcee para sabihin pwede na kami kumain. Sawakas, kanina pa ako nagugutom kahihintay kung anong oras matatapos ang wedding ceremony.

Pagkatapos kumain ay may narinig akong familiar na boses nagsasalita sa harapan. Boses ni Faye. She's giving a speech.

"Hello, everyone. Simulang mga bata pa lang kami ni Mich ay magkasama na. Hindi na nga kami naghihiwalay niyan. Simulang pre-school hanggang high school ay pareho kami pinapasukan niyan. Mabait at overprotective na kaibigan. Kaya Louie, subukan mo lang awayin si Mich ay aawayin rin kita."

Isa ka rin naman overprotective na kaibigan.

Nakakatawa ngang isipin dahil magkababata nga rin pala sina Dante at Louie tapos silang dalawa pa ang nakatuluyan namin ni Faye.

Ang sunod na nagbigay ng speech sa harap ay si Dante, mga kaibigan namin at si papa. Nakakaiyak nga yung binigay na speech ni papa.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon