Pa shout po kay Laleskaolala
Sorry kung dito na lang kita tinag and thank you sa pagsupport sa story ko. :)Btw, Mich and Louie's story ito ah. Kung gusto niyo basahin kay Faye and Dante's story.
Title: When A Playboy Fell In Love With An Otaku.
~~~
Nakita ko na ang pagbalik ni Faye galing sa faculty room ng mga teachers. Pero bakit ganoon ang itsura niya ngayon? Para bang natalo siya sa lotto.
"Bes, napapansin ko na ang tahimik mo simula pinasa mo yung activity natin sa Math kanina." Bumuntong hininga naman itong kaibigan ko para bang namatayan na ewan.
"Ang totoo niyan, Mich noong pumunta ako kanina sa faculty ay wala si sir."
"Kaya naman pala ganyan ang itsura niya ngayon."
"Baliw. Hindi iyon. Makinig ka na muna sa akin."
"Okay. Ano ba iyon?"
"Habang ilalagay ko na yung activity natin sa desk niya ay may nakita akong picture."
"Picture? Kaninong picture naman iyon?" Huwag mong sabihin sa akin na may girlfriend na si sir Martinez? Pero ang pagkaalam ko ay single pa siya hanggang ngayon.
"Akin." Mahinang sagot nito at sakto naman para marinig ko.
"What?! OMG! Hindi kaya may gusto rin pala siya sayo."
"Imposible naman iyan. Teacher natin siya, Mich. Bawal ang magkaroon ng isang relasyon ang estudyante at teacher."
"Sino ba kasi ang nagpabawal doon, eh? Nakakagigil. Ang dami naman gwapong teachers."
"Hindi ka pwede magkagusto sa mga teacher dahil may Louie ka, diba?"
"Tama ka diyan."
Pagkatapos ng klase namin ay sabay na kami ni Faye umuwi dahil nga malapit lang ang bahay namin sa isa't isa.
Nakilalala ko si Faye since pre-school dahil magkakaibigan na ang mga magulang namin at hindi lang iyon pareho pa kami ng hilig. Mahilig kami sa anime. Pagkaiba lang namin dahil ako ay mahilig sa boys love. Ewan ko ba pero naglalaway ako kapag may nakikita akong ganoon lalo na sa mga cosplayers. Fanservice.
Kumunot ang noo ko na may humarang sa dinadaanan namin. Wala ng iba kundi si Dante. Tsk.
"Ano ang kailangan mo sa amin, Dante?" Tanong ko sa kanya. Kapag nakikita ko talaga ang mukha ng lalaking ito kumukulo na ang dugo ko.
"Sayo wala pero sa kaibigan mo meron." Ayos ito ah. Upakan ko kaya ito para matapos na. Pero siyempre joke lang baka makita pa ako ni papa Louie at ma turn off pa siya sa gagawin ko.
"Ano ang kailangan mo sa akin?"
"Para sayo." May inabot pa siyang cookies at juice kay Faye. Ginawa pang patay gutom ang kaibigan ko. Ayaw ko man aminin pero ang sexy ni Faye kahit matakaw. Ako lang may alam na matakaw itong kaibigan ko pero shh lang baka magalit sa akin.
"Hindi ko kailangan iyan. At saka uuwi na rin naman kami ni Mich para makakain na ako ng luto ng mama ko."
"Please, Faye. Kailangan ko kasi ng tulong mo. Ikaw lang ang kilala kong matalino sa klase."
"Hindi ba matalino ang kaibigan mo? Ang alam ko ay puro libro o sumusunod lang ang alam niya."
"Ayaw ni Louie." Napakamot siya ng kanyang batok parang nahihiya. Psh. Buti nga sayo. Kahit ang sariling kaibigan ayaw siyang tulungan. "Kahit kaibigan ko iyon ay masyadong madamot sa akin."
"Bakit ka ba humihingi ng tulong sa akin."
"Kinausap kasi ako ng kapatid ko kanina." Napatingin naman kami ni Faye sa isa't isa pero binigyan ko lang siya ng isang kibit balikat. Kahit dakilang tsismosa ako ay wala akong alam na may kapatid pala si Dante. "Hindi mo pa ba alam ang teacher natin sa English ay half brother ko."
Namilog ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Totoo ba ito o baka naman gawa gawa lang niya? Ang layo kaya ng ugali nilang dalawa ni sir Martinez. Si sir Martinez mabait. Si Dante walang future.
"Nice joke." Natatawa kong sabi sa kanya. "Ang layo kaya ng ugali niyo kaya malabong magkapatid kayo."
"Ayaw mo maniwala, Mich? Bakit niyo tanungin si kuya para malaman niyo ang katotohanan? Kapag nalaman niyo na ang totoo ay sana pumayag ka na sa hinihiling ko, Faye. Sawa na kasi ako sa mga sermon niya sa akin."
Binaling ko ulit ang tingin kay Faye noong umalis na sa harapan namin si Dante.
"Ano ang balak mo? Kakausapin mo ba si sir Martinez?"
"Gusto ko rin malaman kung nagsasabi ba ng totoo si Dante o hindi."
"Paano kung nagsasabi siya ng totoo? Tuturuan mo ba siya?"
"Wala naman mawawala sa akin kung tuturuan ko siya, diba? As long as gusto niya pumasa sa mga subject natin."
Huminto na kami sa paglalakad noong nasa tapat na kami ng bahay nila Faye kaya nagpaalam na ako sa kanya. Sa kabilang kanto pa kasi ang bahay ko.
Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si mama nakaupo a sofa kaya tumabi ako sa maganda akong mommy.
"Hi, ma." Hinalikan ko siya sa pisngi at nilapit ko ang mukha ko sa umbok na tyan ni mama. She's pregnant. "Hello, Milo. Hindi mo naman siguro pinahihirapan si mama, no? Be good boy. Okay? I love you, baby brother."
Natuwa nga ako noong binalitan sa akin ng mga magulang ko na magkakaroon daw ako ng kapatid. Sobrang excited ko. Sa tagal ko pa naman hinihiling na sana magkaroon ng baby sister or brother kaya ito tinupad na ang kahilingan ko.
Maybe Faye is my sister. My sister from different mother dahil siya na talaga ang best friend ko simulang mga bata pa lang kami. Hindi na kami nagkahiwalay niyan dahil kung saan ang isa ay dapat nandoon din ang isa. Ang akala ko nga magkakahiwalay na kami ng landas noong grumaduate kami sa grade school pero ito kami ngayon, pareho ang pinapasukan naming school.
Kami yata ang mean for each other. Joke. Yuri alert.
Hindi ako mahilig sa girl x girl. Sa boy x boy ang gusto ko.
"Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga. Alam ko naman pagod ka." Sabi ni mama sa akin.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumanhik na ako papunta sa kwarto ko.
Ang trabaho pala ng mga magulang ko ay doctor at nurse. Sa ospital sila nagkakilala na dalawa hanggang sa nagkainlaban ang mga magulang ko sa isa't isa at nabuo ako ng maaga. Yes, maaga ako dumating sa mundo. Wala sa plano nilang dalawa kaya wala ng magawa si papa at niyaya niya si mama magpakasal.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
Literatura FemininaSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...