Mich's POV
Hindi nga ako pinagalitan ni papa noong hindi ako umuwi noong isang araw pero pinagalitan naman ako ni mama. Hindi ko sila masisi kung galit sila sa akin sa ginawa ko noon. Kasalanan ko naman kung bakit hindi umuwi.
Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang may nang bully sa akin at ang nakakainis lang ay hindi ko man lang magawang protektahan ang sarili ko sa kanya.
Nagulat nga ako noong lumipat si Louie sa school namin. Sayang yung scholarship niya sa dati niyang school at saka malapit na rin kami grumaduate. Kinausap ko rin siya na huwag niya akong kausapin o lapitan para walang gulo magaganap.
Tahimik ang buhay ko ng ilang buwan dahil walang nang aaway sa akin o kahit tawanan, wala. Para bang baliwala na yung pinagkalat ni Louie na isa akong tomboy kahit hindi naman.
Naging busy rin kami lalo na graduating kaya maraming ginagawa.
"Mich, sasali ka?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Saan?"
Imbes na sagutin niya ako ay may pinakita siya sa aking poster nang isang dance concest gaganapin in 3 months. Para tuloy gusto kong sumali dahil ang tagal na noong huling sayaw ko. 4 years ago pa iyon. 4th year high school pa lang ako noon, eh.
"Kailan pa kasi nila ng isang member." Sabi niya.
"Ay. Akala ko pa naman solo."
"Pwede ring solo. Pero ayaw mo bang sumali sa dance group?"
"Pwede naman. Kaso mas gugustusin ko pa ang solo." Sabi ko. Mas prefer ko pa kasi ang sumayaw na magisa kaysa ma-stress ako sa mga ibang member na hindi makasunod sa dance step.
"Pumunta ka na lang sa gym kung gusto mo sumali ah. Doon kasi ang registration sa mga sasali."
"Hanggang kailan ba ang registration?"
"Hanggang 4pm."
Agad agad? Ngayon ko nga lang nalaman na may dance concest pala gaganapin at nagmamadali sila. May lakad siguro sila.
Pagkatapos ng klase ko ay dumeretso ako agad sa gym para makapag register ako sa dance contest. Tingingnan ko ang premyo sa mananalo. Cash prize pala ang makukuha.
Kailangan ko ng magpractice para manalo rito sa dance contest.
Noong matapos na ako ay naglalakad na ako palabas ng campus hanggang sa may narinig akong familiar na boses.
"Mich!" Lumingon ako noong marinig ko ang boses ni Nathalie.
"Oh, Nath. Hindi mo yata kasama si Eren ngayon."
"May exam kasi sila ngayon kaya hindi ko siya kasama."
"Ganoon ba? Ang aga naman ng exam nila."
"Wala tayo magagawa. Graduating na kasi tayo."
"Eh, kayo? Kailan ang exam niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Next week na. Kayo?"
"Next wee–" Napasinghap ako dahil next week na nga pala ang exam namin. Paano na yung dance contest? Kailangan ko pa magaral tapos sumabay pa ito.
"May problema ba?"
"Nawala sa isipan ko next week nga rin pala ang exam namin pero may gaganaping dance contest. Kaya kailangan kong magpractice para makuha yung cash prize. Pero importante rin ang grades ko."
"Kailan ba gaganapin yung dance contest?" Tanong ni Nathalie sa akin.
"In 3 months." Sagot ko sa kanya.
"Matagal pa naman pala. Ang gawin mo ay magaral ka na muna para sa exam dahil iyan ang importante. Pagkatapos ng exam ay doon ka na lang magpractice para sa dance contest na sasalihan mo."
Nakuha ko naman ang point ni Nathalie. Tama siya dapat nga exam na muna ang inaatupag ko ngayon lalo na malapit na.
"Anyway, ang balita ko ay naging kaklase mo raw si Louie ngayon ah."
"Oo. Last semester siya lumipat. Baliw nga, eh. Sinayang lang niya yung scholarship niya tapos lilipat siya ng paaralan."
"Baka gusto ka lang niya bantayan."
"Bantayan? Ano ako? Bata?" Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Hindi na kailangan bantayan ako. Kaya ko naman ang sarili ko."
Hindi ko nga magawang ipagtanggol ang sarili ko sa umaaway sa akin noon tapos sa sariling bibig ko pa galing ang salitang kaya ko naman ang sarili ko. Sino ba ang niloloko mo, Mich? Ang sarili mo malamang.
"Who knows?" Kibit balikat nito sa akin. "Dito na ako sasakay pauwi ah."
"Sige, ingat ka."
Kahit ba sabihin nating malapit lang yung school ko noong high school pero marunong naman ako magcommute. Palagi kami nasa anime event noon ni Faye. Commute papuntang mall pero pauwi ay sinusundo kami ni kuya Peter dahil mahihirapan kami makahanap ng masasakyan pauwi.
Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng kapatid ko. Sobrang close ito sa akin kahit busy ako sa pagaaral ay may oras pa ako sa kanya.
"Ate, food." Sabi ng kapatid ko. Medyo nahihirapan pa magsalita si Milo kahit tatlong taon na siya at ang sabi ng doctor wala daw daw problema si Milo.
"Food? Nasaan si mama?"
"Ospital. Punta papa."
Pumunta pala si mama sa ospital. Ilang araw na rin hindi umuuwi si papa dahil sobrang dami niyang ginagawa sa ospital. Miss na siguro ni mama si papa kaya pupuntahan.
"Okay, magpapalit lang si ate ng damit tapos magluluto na ako ng dinner natin."
Marunong ako magluto. Noong mga panahon na hindi pa dumdating sa amin si Milo ay ako lang magisa rito sa bahay.
Busy sina mama at papa sa trabaho. Minsan ay sabay ang shift nilang dalawa kaya ako ang naiiwanan. Noong nabubuhay pa si lola ay siya ang palagi kong kasama pero ngayon si Milo na ang kasama ko.Nagluluto na ako ng makakain namin kaya itong kapatid ko ay naghihintay na matapos ang niluluto ko. Sobrang takaw kaya niya kumain.
Nilagay ko na sa table ang mga niluto ko para makakain na kami. Kakain na muna ako bago simulan magaral para sa exam namin next week.
Mich, ikaw ba iyan? Hindi ka naman nagaaral ng 1 week before exam ah. Nagaaral ka lang kapag bukas na ang exam. Tamad ka kaya magaral.
Kahit hindi ako ganito dati ay kailangan ko pa rin magaral dahil mahirap ang ibang subject ko at wala si Faye rito para turuan ako. Ay, teka. Kahit pala nandito si Faye ay hindi rin pala niya ako matuturuan. Ano ba ang alam niya sa lesson ko kung hindi naman kami pareho ng kurso.
BINABASA MO ANG
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...